Last day of Foundation Week. Ito rin ang day kung saan ipeperform na nila ang play. Ginawa nilang last na ipakita ang story ko dahil sabi nila, special daw ito. Ngayon rin ang alis ni Ezra. Nagpaalam nga ako sa parents ko na sasama ako sa paghatid sa kanila. Nahirapan akong pilitin sila. Pero in the end, nanalo pa rin ako ~__^
Super busy ng mga staffs, casts at teachers ngayon. Kahit man ako ay maagang pumasok para tumulong na sa kanila. Kahit hindi naman yun required.
Pumasok pa rin si Ezra kahit mamaya na ang flight niya. Pero aalis rin siya mamaya at hindi talaga makakaabot sa oras na ipapalabas yung play.
“Aria, may kailangan akong sabihin sayo” sabi ni Ms. Torres
Lumapit ako kay ma’am at nakinig sa sasabihin niya.
“Nagtext si Ms. Clarkson.”
Ms.Clarkson? Si Lulu yun ah.
“Hindi daw siya makakarating”
Nagulat ako sa sinabi ni ma’am.
Ang lead actress hindi makakarating? Pano na yun?
“Eh… Ma’am.. Paano na po yun?”
“There’s only one person na alam kong kabisado ang lines niya at alam ang mga dapat gawin sa play.”
Sino naman yun? Si Hanna?
“Sino po?”
“Ikaw, Aria”
**
Hala. Anong gagawin ko? Tama naman si ma’am. Ako lang ang taong kabisado ang mga lines ni Anneliese dahil ako ang gumawa ng mga lines na yun. Ako rin halos ang laging nagdidirect kay Lulu sa kung anong gagawin niya kaya alam ko rin ang mga bawat galaw na dapat kong gawin sa play.
Pero kung ako ang kukuha sa role na yun, hindi na ko makakapunta pa sa flight ni Ezra. Hindi ko na masasabi ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Mga bagay na dapat niyang malaman bago siya umalis. Kahit malaman lang niya yun.
Tumingin ako sa relo ko. 3:50 pm. Andito pa siya. Pero ilang minuto na lang at aalis na siya at pupunta sa airport.
Tinext ko siya habang hinahanap siya.
To: Ezra
Don’t go. Plz
Please! Please! Sana maabutan ko siya.
*Bzzt! Bzzt!*
May nagtext sakin. Si Ezra siguro yun.
From: Ms. Torres
Where are you? We need you here now.
Shocks! Aayusan pa nga pala ako. Nako ma’am mamaya ka na. Lahat ng pagmamadali gagawin ko na lang mamaya.
*Bzzt! Bzzt!*
Sana si Ezra na ‘to. Please.
From: Ezra
HAHA. I know you’ll miss me, baby girl.
%*&@! Ano ba yang pinagsasabi niya?!
To: Ezra
What I mean is, don’t go to the airport yet. Gotta tell you something
Pagod na pagod na ako kakatakbo. Lahat ng energy ko nadedrain na.
Sa wakas! Nandito na ko sa may gate.
Hindi pa naman siya nakakaalis diba?
*Bzzt! Bzzt!*
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...