Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi niya.
Bakit gusto mo bang totohanin ko na?
Bakit gusto mo bang totohanin ko na?
Bakit gusto mo bang totohanin ko na?
Bwiset! Paulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya.
Bakit ba affected ako sa sinabi niya? Panigurado naman walang meaning sa kanya yun eh. Nagbibiro na naman yun. Gusto lang niya akong asarin. Tama. Hindi yun isang big deal na kailangan kong problemahin.
Pero kahit sabihin ko yun sa sarili ko ng paulit-ulit ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya.
Ang dami kong tanong. Ang dami kong mga “what if”. Mababaliw na ata ako kakaisip eh.
Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto ko.
Baka si papa yan o kaya si tita.
Kaso alam ko may pinuntahan sila ngayon eh. Kahit kasi weekends busy pa rin sila. Workaholic silang dalawa eh.
Pero binuksan ko na ang pinto para makita kung sino yun.
Pagkabukas ko ay nakita ko ang nakangiting si Caleb.
“Oh, i-ikaw pala Caleb”
“Pwede ba kong pumasok?”
Aba! Kelan pa humingi ‘to permiso sakin?
Mukha namang napansin niya na nagtataka ako sa kinilos niya.
“Pwede po ba? Kung hindi naman eh ayos lang. Aalis na lang a-“
“S-Sige na. Pumasok ka na”
Masayang pumasok naman siya ng kwarto ko.
Ano ba talagang nangyayari dito? Bakit biglang nagbago ‘to?
Pagkaupo niya sa kama ko ay tumabi lang ako sa kanya at tinitigan lang siya.
Ano kayang nakain nito at biglang bumait?
“Ayaw mo bang dito ako umuupo? Pwede naman akong dun na lang umupo eh” sabi niya at tinuro niya yung couch
“Hindi. Okay lang.” sabi ko
Nagtataka pa rin ako sa mga kinikilos niya kaya nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya.
“May gusto ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?”
“W-Wala. Wait nga. Bakit ka ba ganyan?”
“Huh? Anong bakit ako ganito?”
“Bakit.. Bakit parang ang bait bait mo na ngayon? Bakit ang galang galang mo na? HOY! Hindi ako sanay sa pagbabago mo. Nakakatakot ka”
Tumawa lang siya.
“Oh, bakit ka naman tumatawa? Hindi naman ako nagjojoke ah”
“Diba ikaw naman ang may gusto nito? Sabi mo mas gusto mo ko pag mabait ako. Kaya yun ang ginagawa ko ngayon”
“H-Hindi ko naman alam na gagawin mo talaga eh. Binabawi ko nga yung sinabi ko!”
Lalong lumakas ang tawa niya.
“Nakakainis ka naman eh. Puro ka na lang tawa dyan. Hindi na ba talaga pwedeng mabalik si CJ na kilala ko?”
Tumingin siya sakin ng masama.
Alam kong ayaw na ayaw niyang tinatawag siya na CJ.
“Gusto mo palang pabalikin ang dating “CJ” ah. Pwes!” sabi niya at naghanda na siya.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...