Wala na. Wala nang pag-asa na mapili yung gawa ko. Hindi ko alam kung bakit disappointed ako ngayon eh. Hindi naman ako dati naapektuhan kapag hindi ako ang napipili. Pero siguro mas masakit pag alam mong forte mo yun.
“Hoy Ms.Nega!”
Lumingon ako at nakita ko si Hanna.
“Bakit?”
“Uy, wag ka ngang madown ng ganyan. Hindi pa naman lumalabas yung resulta eh”
“Kahit na. Eh dun sa sinabi ni ma-“
“Ayan na naman po tayo. Jusko Aria! Isang linggong ka nang nagkakaganyan dahil lang sa sinabi ni ma’am”
“Eh kasi naman eh-“
“Ano ka ba? Magaling ka Arianne Nicole Clemente. Walang makakatalo sa galing mo. Tandaan mo yan”
“Yun nga eh. I keep telling myself that. And maybe.. Sa sobrang confident ko. Kailangan ng bawasan yun sa pamamagitan ng hindi pagpili sakin.”
“Ang hirap mo namang icomfort. Gusto mo pustahan tayo? Pag yung story mo ang napili, panalo ako. Pag hindi yun napili, panalo ka. Para kahit anong mangyari masaya ka, okay?”
Loka talaga ‘tong bestfriend ko. Pero sa simpleng pagbibiro lang niya na yun eh alam niya na napapagaan niya kahit papano ang loob ko.
“Ano namang prize?”
“Hmm.. Pag-isipan ko muna. Sabihin ko na lang sayo bukas”
“Bukas? Eh bukas na kaya iaannounce”
“Yun nga eh” sabi niya pagkatapos ay kinindatan niya ako at umalis na.
**
Pagulong gulong lang ako sa kama ko ngayon habang gumagawa ng homework.
Hindi nga ako makapagconcentrate dahil iniisip ko pa rin ang maaaring mangyari bukas.
Dapat ba kong mag-expect? NO. Expectations only result disappointments.
Haaay.. Hoy utak! Gawin mo na nga lang yang assignments mo.
Mukha namang sumunod ang katawan ko at ginawa na ang homeworks ko.
**
Buti na lang nakatulog pa rin ako kahit papano kagabi. Ayaw kasi akong lubayan nitong mga pinag-iisip ko eh.
Nakatayo ako ngayon sa may ground katulad ng iba dahil kakatapos lang ng flag ceremony.
Iaannounce na ang mga napiling stories.
Sana mapili yung akin. Sana mapili yung akin. *cross fingers*
“There’s a little twist that we’ve made. We decide to combine 2 stories coming from the 3rd year and 4th year level. But there will still be another play coming from the 4th year level.”
Whaat? I cocombine daw yung stories? Pano naman yun?
“The combined stories that we’ve picked are the story submitted by 3A and 4A!”
“Ariaaa!” sigaw nila sakin habang inaalog alog ako
Biruin mo yun? Napili pa rin yun akin. Weeeee! :)))
**
Pagkatapos ng announcement ay inexcuse ang mga authors ng stories.
Bawat level ay may nakaassign na isang teacher. At ang nakaassign samin ay si Ms. Torres.
Inexplain samin ni Ms. Torres kung paano niya planong ipagcombine yung story namin.
Sabi niya kasi maganda daw yung plot nung akin. Kaso nga lang hindi magiging bongga ang production pag yung akin lang.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...