Chapter 20 "Love is generous"

377 10 0
                                    

“ACHOOOOO!”

“AY! Lumayo ka nga samin. May virus ka teh!” -Hanna

“Sipon lang to hoy! Hindi naman epidemic yung sakit ko ah”

“Nagpaulan ka kahapon noh?” -Emily

Hindi ko sila sinagot.

“Naku. Nagpaulan yan. Lagi kasing walang dalang payong eh” -Spencer

“Sige ah. Sermonan niyo lang ako”

“Eto naman. Pinagsasabihan ka lang namin.” -Hanna

“Oo nga. Minsan ka lang kaya magkasakit” -Spencer

“Yeah. Nag-aalala lang kami sayo” –Emily

Ang oa talaga nitong mga kaibigan kong to. Simpleng sipon lang akala mo may cancer na ko eh.

“Pano yan? Hanggang sa feast day natin ganyan ka?”-Hanna

“Sus. Kapag ba may sipon hindi pwedeng sumama sa feast day?”

Tumawa lang sila.

“Pero seriously, diba may room-to-room performances tuwing feast day?” –Hanna

Tumango kaming lahat.

Feast day. Araw ng chibog. Joke! Catholic school kasi tong school namin. Kaya every section may nakaassign na saint kasama na pati yung feast day nun. At ang naassign na feast day samin ay gaganapin na next week. Kaya nagpaplano na ngayon ang klase namin. Mamayang dismissal nga ay may meeting pa ang buong klase.

**

“So, settled na tayo sa food. Now, dun naman sa ipapakita natin per room. Dance or role play? Anong gusto niyo”

Hindi na ako nakisama pa sa mga sigawan nila. Ang ingay ingay na ng mga kaklase ko eh. Ayoko nang makidagdag pa.

After ng ilang minuto ng kaingayan at hindi pagkakaintindihan, napagdesisyonan din na sayaw na lang.

Sayaw na naman. Hindi na ba sila nagsawa.

Pagkatapos mapag-usapan lahat ng agenda, pinayagan na rin kaming umuwi.

“Hey Aria! Spence! Em! May bagong resto sa labas. Try natin yung food!” aya ni Hanna samin

“Sige!”-Emily

“Go!”-Spencer

“Lika n-”

Naputol yung sasabihin ko nang may humatak sa braso ko.

“Uwi na tayo” sabi ni Caleb

“Naku! Nandyan na pala ang brother mo, teh.” –Spencer

“Sayang naman” –Emily

“S-Sasama ako! Caleb, mauna ka na. Sasama muna ako sa kanila”

Binigyan naman ako ng evil stare ni Caleb.

“May usapan tayo kahapon diba?”

“H-Hindi naman ako umagree ah!”

“Sige! Bahala ka. Maligaw ka uli.”

“Ako nang bahala sa sarili ko. Buhay ko to diba? Lika na nga” sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Nagsimula na kong lumakad papalabas at sumunod naman ang mga BFF’s ko.

“Wait.”

Hinawakan na naman niya ang braso ko.

Hindi ko siya nilingon at inalis ko lang ang paghawak niya sa braso ko.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon