Chapter 23 "Love is an outlaw"

390 13 0
                                    

"Hindi naman talaga"      

Nagulat ako sa mga katagang sinabi niya.      

Hindi naman talaga? Hindi niya tatay si papa?      

"A-Ano?"      

"Hindi ko daddy ang daddy mo. Ampon lang ako, Aria" sabi niya na may seryosong tono      

"A-Ampon?"    

Tumango lang siya.      

"P-Pano? Naguguluhan ako"      

"6 years old pa lang ako nun nung ampunin nila ako. Hindi kasi magkaanak si papa at mama. Balak sana nilang kunin ka, ngunit ang mama mo ang nakakuha ng custody sayo. Bata pa ako noon pero kahit papaano ay may isip na ako at naiintidihan ko na ang mga bagay bagay kaya alam ko na ampon lang ako at tanggap ko yun."      

"Matagal na kitang kilala dahil sa mga kwento at pagmamalaki sayo ni papa. Kaya nga nainggit ako sayo dahil ang pakiramdam ko, kahit na ako ang inaalagaan ni papa at tinuturing na anak niya sa pamilya namin ay ikaw pa rin ang mas mahal niya."      

"Ginawa ko ang lahat para maipagmalaki niya ako tulad ng ginagawa niya sa'yo. Naging star player ako sa varsity team ng school. Nasama ako sa Top 10 students. At naging isang mabait na estudyante. Kaya nga maraming nagkagusto sakin kahit hindi ko itensyon iyon. Pero kahit na ganoon ay pakiramdam ko hindi pa rin ako magawang magustuhan ni papa. Ang sakit sakit para sa'kin noon. Pero ano ba namang magagawa ko diba? Hindi niya ko tunay na anak kaya hindi ko dapat iexpect na mamahalin niya ko. Dapat nga maging thankful pa ako sa kanila dahil binigyan nila ako ng isang marangya at komportableng buhay" sabi niya habang unti unti ng kumakawala ang mga luha mula sa mata niya      

Nang nakita ko siyang umiiyak ay niyakap ko siya.      

Nararamdaman ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya habang nagkukwento siya sakin.      

Niyakap niya rin ako at pinunasan na ang mga luha niya      

"Pero alam mo, nung nakilala kita, hindi ko man lang nagawang magalit sayo. Kasi habang mas nakikilala kita lalo kong napapatunayan na tama yung mga sinasabi ni papa tungkol sayo. Maganda ka. Talented. Matalino. Masipag. Masaya kasama. Medyo makulit. At different."      

"Different?"      

"Oo. Basta iba ka. Noong kinukwento nga ni papa hindi ko rin naiintindihan eh. Pero nung nakilala kita naintindihan ko na."      

"Psh. Naiintindihan mo naman pala eh. Explain mo na sakin. Naguguluhan ako sayo eh"      

"Naiintindihan ko pero hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para maintindihan mo yun."      

"Tsk. Ang lalim mo naman magsalita ngayon. Hindi kita maintindihan"      

Tumawa lang siya.      

"Pero alam mo, meron pa kong iba na kayang ipaintindi sayo"      

"Ano nama-"      

Natigilan ako sa sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.      

Eto na naman 'tong nararamdaman ko. Feeling ko parang ito pa rin yung unang beses na ginawa niya 'to kahit hindi naman. Pakiramdam ko unti unti akong natutunaw habang tumatagal.      

Tahimik lang ang paligid at tanging ang malakas na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko.      

Nang humiwalay na siya ay para lang akong statwa na hindi makagalaw.      

"Mahal kita."      

**      

Pauwi na kami. Same set-up pa rin. Ako nakatingin sa labas, siya nagdadrive. Parehas na katahimikan pa rin ang namamagitan samin. Pero alam ko na may nagbago na samin.      

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon