Nagising ako at tinignan ko ang wall clock sa kwarto niya.
8 am na pala.
Tulog pa din si Hanna. Di ko na muna siya ginising. Panigurado antok na antok pa rin siya. Madaling araw na kasi kami nakatulog eh.
Pumunta muna ako sa banyo at humarap sa salamin na nandun para ayusin ang sarili ko.
May mga bakas pa pala sa mukha ko ng make-up. Pinagtripan kasi namin kagabi yung make-up kit na binigay ni Spencer.
Sabi kasi ni Hanna, gusto na niyang mawala ang kahit na anong bahid ng lungkot sa mukha niya. Kaya nagpaganda na lang kami.
Naghilamos na ako at inayos ang buhok ko.
Pagbalik ko sa kwarto niya, tulog pa rin siya.
Hindi ko pa rin siya inistorbo sa tulog niya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para magpalipas oras habang hinihintay na magising siya.
Sino kayang pwedeng itext?
Nagsend ako ng “hello” sa mga BFF’s ko. Tinanggal ko sa sesendan si Hanna dahil kasama ko naman siya.
Nang lumipas ang ilang minuto, wala pa rin akong text na nareceive.
Nagsearch ako sa contacts para maghanap ng pwede pang itext.
Nang nasa “C” na ako, una kong nakita akong pangalang “Caleb”.
Iniskip ko agad sa pangalan niya. Wala akong balak na itext siya. %&*@ siya! Sinaktan niya ang bestfriend ko.
Nagscroll pa ko para maghanap pa ng katext.
Sa dulo ng “E” ay nakita ko ang pangalan niya.
Ezra.
Si Ezra na wala na ngayon.
Hindi ko alam kung bakit ko napindot yun pero parang may sariling buhay ang mga daliri ko.
Kaya ngayon ay binabasa ko ang mga naging texts namin sa isa’t isa.
Pinipilit kong hindi maiyak. Pero habang binabasa ko yung texts niya nung hinihintay pa niya ko sa airport, lahat ng mga nangyari nun ay naalala ko. Nung naging paralyzed ako while thinking na hindi ko na masasabi sa kanya yung mga gusto kong sabihin.
Pano kaya kung hindi na lang ako naging si Anneliese sa play nun? Pano kung hindi ko kinuha yung role at pumunta na lang ako sa airport? Masasabi ko ba talaga? O mauunahan ako ng kaba at worries? Pero pano din kung nasabi ko sa kanya? May magbabago ba saming dalawa? Wala. Aalis pa rin siya. Kahit ano man ang maging response niya sakin, wala pa rin kaming magagawa.
“Hoooy!”
Nagulat ako nang sigawan ako ni Hanna sa tenga.
Baliw talaga ‘to >.<
“Mukhang seryoso ka dyan ah”
“Ha? Hindi ah” sabi ko at ibinalik ko na ang cellphone ko sa bag ko.
“Hanna! Aria!”
“Tinatawag na tayo ni mama. Lika! Magbreakfast na tayo” sabi ni Hanna at hinila na niya ako pababa.
**
Matapos naming magbreakfast ay nag-ayos na ko ng gamit at umuwi na. Gusto ko pa sanang magstay kaso sabi ni mama ay may pupuntahan daw kami.
Pagkauwi ko naman ay agad din kaming umalis.
Sa mall pala ang punta namin. Pero hindi dun sa mall na lagi kong pinupuntahan. Medyo malayo ‘to. Pero eto yung mall na malapit sa office ni mama.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...