Chapter 21 "Love is invisible"

383 11 0
                                    

It's 11.11.11.

Anong ibig sabihin ko?

Ang ibig sabihin ko ay ang date ngayon ay November 11, 2011. Ang cute lang kasi puro 1!

Ngayon din ang feast day namin. Kaso hindi natuloy ang pagroom-to-room namin dahil may event ngayon.

Kaya sa gymnasium na lang kami magpeperform. Mas okay na din yun. Isang sayaw na lang. Hindi gaanong nakakapagod. At tsaka kapag nasa stage kami, talagang hindi ako kukulitin ni Caleb.

After ng misa at nang mga kung ano anong announcement ay nagperform na kami sa stage.

Simpleng religious song lang naman yung sinayaw namin. Pero nang malapit na kaming matapos ay nagpamigay kami ng mga candy. Naging wild yung mga estudyante. Lahat naging parang bata na gustong makasalo ng candy. Nakakatuwa lang.

After ng sayaw namin, pinayagan na ang lahat na lumabas at maglunch. Ang tagal kasi nung program kaya inabot na ng lunch.

Yung mga kaklase ko naman, kanya kanyang kuha ng pinadeliver nilang pagkain. Feast day namin kay fiesta talaga sa pagkain.

Wala namang naassign sakin na food kaya dumiretso na ako agad sa classroom.

Hindi ko na tinangkang hanapin pa ang mga BFF's ko dahil napakaraming tao sa campus. Panigurado naman ay didiretso na sila sa classroom eh. Hihintayin ko na lang sila dun.

Pagdating ko sa room namin ay halos marami naman na pala ang nandoon. Pero wala pa ang mga BFF's ko kaya umupo muna ako sa upuan na malapit sa pintuan.

Lumapit naman sakin si Denise at umupo sa katabi kong upuan.

"Uy, sama ka mamaya? Punta tayo sa mall. Half-day lang naman tayo ngayon eh"

Hmm.. Hindi na rin naman ako masyadong nakakagala ever since napunta ko sa mansion eh. Nakakamiss din ah.

"Hmm.. Sure" sagot ko

"Good! Kasama rin si Caleb eh." Tuwang tuwang sagot niya

"A-Ano? Naku, wag n-"

"Uy! Andun na lahat ng food oh. Kain na tayo" sabi niya at hinatak na niya ang kamay ko papunta sa mahabang table kung nasaan yung mga pagkain

Kumuha na kami ng paper plate namin at sumama na sa pila.

Nang medyo malapit na ko ay nagsimula na kong kumuha.

Weeee! Gutom na ko eh.

Kaso nga lang ang dami pang nakaharang dun sa chicken fillet.

Gusto ko pa naman yun! Wag na nga lang yun. Gutom na ako eh.

Babalik na sana ako ng may humatak sa braso ko at kinuha yung plato ko.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon