“Wala ka na bang laro?”
Naglalakad kami ngayon ni Caleb papunta sa fastfood.
“Lunch na po kaya. Kumain ka na ba?” sagot niya sa'kin.
Po? Sa pagkakaalam ko nga mas matanda siya sa'kin.
"Hindi pa.”
“Lika, kain tayo." pag-aalok niya.
“Wait lang, bakit ako pa ang kailangan na kasama mo? Hindi ka ba sasabay sa tropa mo?”
“Nauna na silang maglunch. Hindi na nila ako nahintay.”
Ano ba namang klaseng mga kaibigan 'yon?
"Ah, pero baka hinihintay na ako nila Hanna. Sa kanila na lang ako sasabay." sabi ko while emphasizing the word "Hanna".
Inemphasize ko talaga ang pangalan ng best friend ko dahil kung meron man siyang dapat isabay ngayon, dapat ang girlfriend niya 'yon.
“Nauna na din sila. Pagkaalis mo kasi natapos na agad ang game. Gutom na gutom na daw kasi sila.” sabi ni Caleb.
What?! Makapanglait pa ko sa mga kaibigan niya, ganoon din pala ang mga kaibigan ko.
“Bakit hindi ka pa kumain that time? Bakit hindi ka na lang sumabay kila Hanna?” pagtataka ko.
“Nagvolunteer kasi ako sa kanila na ako na lang ang maghahanap sa'yo.”
Wow! Talagang “nagvolunteer” ang term niya.
“Okay.”
“So, wala ka na bang tanong? Pwede na ba tayong kumain?"
Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
Simpleng bili ng pagkain at kain lang naman ang gagawin namin. Walang anything special, okay?
“Bakit ka nga pala niyayakap ng lalaking sinuntok ko kanina?” bigla na lang niyang tinanong habang kumakain kami.
“Wala 'yon. Isang epal lang sa buhay ko.”
“Weh? Pwede ka namang magshare sa'kin. Friends na tayo diba?”
Makakatanggi pa ba ko sa'yo? Tss.
“Wala nga lang 'yon.”
“Please.” sabi niya habang nagmamakaawa/nagpapacut sa'kin.
Ang cute niya talaga!
Hoy Arianne Nicole! Ano ba 'yang pinag-iiisip mo? Pagnasaan daw ba ang boyfriend ng bestfriend?
“Sige na nga.”
At 'yon, napilitan na akong magkwento.
Noong una naiilang ako pero nang nakita kong taimtim siyang nakikinig, nadala na ako at nailabas ko na ang lahat, detail per detail.
“Ah.”
“Ah.” So 'yon lang ang comment niya? Ang haba haba ng kwento ko tapos 'yon lang ang isasagot niya sa'kin.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain na parang walang nangyari.
“So, nang nabrokenhearted ka sa kanya, ako naman ang nagustuhan mo?” biglang sabi ni Caleb.
Dahil sa sinabi niya, nabuga ko tuloy ang kinakain ko sa kanya.
Kasalanan niya naman 'yon! Ginulat niya kaya ako sa tanong niya.
“Sorry! Sorry!” sabi ko habang tinutulungan siyang pagpagin yung jersey niyang binugahan ko.
“Bakit ka naman nambubuga? Wala namang masama sa tinanong ko.”
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...