Pumasok ako sa classroom nang may ngiti sa labi ko.
Paulit-ulit kong inuulit sa utak ko yung nangyari kahapon.
Hindi ko talaga maalis ang ngiti ko sa tuwing inaalala ko yun.
Best birthday ko kaya yun.
“Uy! Tignan mo ‘to. Di mawala yung ngiti oh.”
“Oo nga. Parang kahapon lang para siyang nabagsakan ng building eh.”
“Ano kayang meron dito?”
Narinig kong sabi nang mga babaeng bumungad sakin pagkaupo ko sa pwesto ko.
“Wuy Aria! Saya saya mo ngayon ah. May nangyari siguro kahapon sayo?” sabi ni Spencer
“Oo nga. Siguro kaya maaga kang umuwi eh kasi may date ka with your special someone?” sabi naman ni Hanna
“Special someone? Sino naman yun Aria? Kwentooooo!” sabi naman ni Emily
At sabay sabay silang tinitigan ako.
Para silang mga pulis at ako ay suspect na kinukwestyon. >.<
“W-Wala! M-Masaya lang ako kasi...”
Mas nilapit nila ang mukha nila sakin.
“Kasi... Binigyan ako nila papa ng surprise party!” kinakabahang sinabi ko
Nag-isip isip sila.
Hindi naman ako nagsinungaling diba? Totoo namang sinurprise nila ako kahapon eh. Kaya ko nga napalo si Caleb eh. Kaso nga lang hindi iyon ang dahilan ng mga ngiti ko.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Ficțiune adolescențiNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...