Chapter 15 "Love is suffering"

436 11 2
                                    

Nagising ako sa malakas at paulit-ulit na katok sa pinto ng kwarto ko.

Anong oras na ba? Inaantok pa ko eh >.<

Tinignan ko ang orasan sa tabi ng kama ko.

11:30 am?! Tanghali na pala!

Pumunta ko sa banyo at inayos ang sarili ko.

Pagkatapos nun ay binuksan ko na ang pinto.

“Yan! Kanina pa kita kinakatok ah? Bakit ngayon ka lang lumabas?”

“Ahh.. Ehh.. Kasi po-“

“Bumaba ka na dun. May bisita ka”

Bisita? Sino naman yun?

Bumaba na ako at nakita ang isang pamilyar na babae. Buhok at likod lang niya ang nakita ko dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Pero alam ko kung sino ang nagmamay-ari nun.

“Hanna?”

Lumingon naman siya nang mabanggit ang pangalan niya.

Nang makita niya kong papalapit na ay ngumiti lang siya.

“Bakit ka nandito?”

“Uhmm.. Pano ko ba sisimulan ‘to? Uh.. I just want to apologize... And fix things up”

Umupo na ko sa tabi niya at tumingin lang sa kanya para malaman niyang nakikinig ako.

“I’m sorry for my actions. Sorry kung naging immature ako. Sorry kung nanalig sakin ang galit. Sorry kung nadamay ka pa sa simpleng pagseselos ko. I’m very sorry, Aria. Alam ko na baka hindi mo ko mapatawad sa ginawa kong pag-iwan at paninira sayo. Pero gusto ko pa ring itry. Ayokong mawala ang bestfriend ko. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Ayokong mawala ka. Ayokong iba na ang maging bestfriend mo. Gusto ko ako lang. Kami lang. Sorry kung selfish ako. Sorry kung possessive ako. “

“Hindi ka na ba galit sakin?”

“Hindi naman ako dapat nagalit eh. Wala kang ginawang mali, Aria. Ako. Ako yung mali.”

“Eh yung sa pagsama ko kila Lulu at Ezra?”

“Ako ang nagpush para gawin mo yun. Iniwan kita. Natural lang na maghahanap ka ng magiging karamay mo. I understand that.”

“Eh yung..... Pagiging Anneliese ko?”

Natawa siya sa sinabi ko.

“Bakit?”

“Inaalala mo pa yun? Nakaget-over na ko dun te. Wala na kong pakialam kung ako man yung bida o hindi. Nakuha ko na rin naman yung gusto ko eh. Ang mas magkaroon ng oras na makasama si Caleb. At deserving ka para sa role na yun noh” sabi niya tapos ay kumindat siya.

Napangiti na lang ako.

May mga gusto pa kong itanong. Kaso natatakot ako na baka magkagalit na naman kami kapag lumabas sa bibig ko yun.

Niyakap ko lang siya.

“I love you, Hanna”

Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya sakin at naramdaman kong na tumutulo ang luha niya sa balikat ko.

“B-bakit ba ang bait mo?”

Hindi ako umimik. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

Naghiwalay lang kami sa pagyakap namin sa isa’t isa nang ayain kami ni mama na kumain.

**

Pag-alis ni Hanna, pumunta lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Hindi naman pala puro kalungkutan lang ang nararanasan ko eh. :)) Bumabalik na uli ang lahat sa dati.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon