Christmas Party. Isang party na pinaggugulan namin ng oras at lakas. Sa wakas, oras na para magsaya at magPARTEEEEY!
“Good Morning Everyone, I am Hanna Dela Cruz”
“And I am Caleb Bautista. Welcome to this year’s Christmas Party!”
“WOOOH! Masyado namang pormal.”
“Kayo kaya dito?”
Tawanan naman ang lahat. Matapos noon ay nagdasal lang at nagopening remarks. Pagkatapos noon ay hinati ang section namin sa apat na grupo.
Sa unang group, nandoon si Emily at Spencer. Sa pangatlo, nandoon sila Denise at Fille. Sa pang-apat naman ay kasama ako at si Toby. At sa huling group ay nandoon si Hanna at Caleb.
Hindi ko alam kung sinadya ba iyon ni Spencer or coincidence lang eh.
“And now, for our first game! Ang tawag dito ay “Anak ng Patola”!”
“ANO DAW?”
“Ang mechanics ng game ay sa bawat team ay dapat may dalawang representative. Yung isa, sasabitan ng patola sa may waist samantalang yung isa naman ay sasabitan ng isang itlog. Ang goal sa game na ‘to ay mabasag ang itlog gamit ang patola nang hindi ginagamit ang kamay. Ang unang makabasag ng itlog nang hindi lumalabag sa rules ay panalo.”
Sa una ay tawa ng tawa ang mga kaklase ko. Lalo na yung mga green-minded. Nang magsimula na ang game ay nahirapan silang lahat. Syempre bawal gumamit ng kamay eh. Habang naglalaro sila ay nagtatawanan lang kami dahil sa itsura nila habang naglalaro. Sa huli ay nanalo ang unang group dahil sila lang ang hindi lumabag sa rules.
“Okay! Next game, “Pass the Egg”!”
“Ano ba yan? Puro na lang itlog!”
“Hahaha. Sorry naman. Hindi naman ako ang nag-isip nito eh. Okay, game na! Ang mechanics ng game ay dapat sumali lahat ng members. Ang gagawin lang ay dapat mapagpasapasahan ang 5 itlog na ibibigay sa inyo nang hindi niyo nababasag iyon. Okay, simula na!”
Ako ang napunta sa dulo. Ewan ko ba sa mga kagroup ko, kapag ako pumalpak dito.
Napagpasapasahan namin yung tatlong unang itlog nang maayos at walang nababasag, samantalang yung ibang group may 1 o 2 nang nababasag. HAH! We’re gonna win \m/
“Aria! Ang galing mo ah!” sabi nung isang kateam ko.
“Well” sabi ko with matching pagmamayabang ng onti.
Nang hinihintay ko na mapunta sakin yung pang-apat na itlog ay bigla akong napalingon kila Caleb.
Ayan na naman sila sa lovey-dovey scene nila. Magkatapat pala sila. May pasmile smile at kindat pang nalalaman. Putek!
“ARIA!”
Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanila at di ko na napansin yung itlog na paparating sakin.
*SPLAT!*
Nabasag yung itlog sa may damit ko.
Pinagpag ko yung damit ko at sinubukang alisin yung stain ng itlog.
Ayaw matanggal.
Nagulat naman ako nang lumapit sakin si Toby at tinulungan ako sa pagtanggal.
“Uy, okay lang naman. Dun ka na, tuloy na natin yung game.”
“Ano ka ba? Kapag pinatagal mo yan lalo kang mahihirapan na matanggal yung dumi”
“Sige”
Natanggal naman niya kahit papano. Puchu-puchung linis lang kasi yung ginagawa ko kanina eh.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Подростковая литератураNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...