Nandito ako sa may tapat ng entrance ng mall, hinihintay si Ezra.
Grabe ah. Sabi niya dapat 10 o’clock sharp kailangan nandito na. Pero ngayon mageeleven na pero wala pa din siya. Filipino time masyado? -.-
Plano ko nang umalis nang makita ko siyang tumatakbo sa direksyon ko.
“Hey. Sorry i’m late”
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Wait. Akala ko ba kasama ang parents mo?”
“Sabi nila susunod na lang daw sila eh. May kailangan pa daw silang gawin sa office. Lika! Pasok na tayo”
Sinundan ko lang siya papasok.
Pagkapasok namin, ang dami kong nakitang couples.
Anong meron ngayon at maraming naglalandian? -.-
“Hey, san mo gustong pumunta?”
“Kahit saan”
“Okay.”
Nakakailang naman ‘to. Pano ba naman ang dami naming nakikitang magkaholding hands. Tapos ang awkward pa dahil walang nagsasalita samin.
Nag-ikot ikot lang kami. Hindi naman kasi namin alam kung saan pupunta. Aba malay ko ba kung saan dapat pumunta ang mga nagdedate- este gumagala nang dalawang tao lang.
Kapag kasi gumagala ako kasama ng mga kaibigan ko, puro sila ang nagdedesisyon kung saan pupunta. Eh iba ngayon eh. Ngayon ko na lang uli kaya nakasama ‘tong si Ezra.
[If I was your boyfriend, I’ll never let you go]
May narinig akong tumugtog.
Kanta ni Justin Bieber yun ah?
Nakita kong kinuha ni Ezra yung cellphone niya at tumigil na yung tugtog nang sagutin na niya yung tawag.
Sa kanya pala yun. Mahilig pala siya sa mga kanta ni JB >:)
“Wait lang ah.” Sabi niya
Lumayo siya pero hindi naman gaanong malayo. Kita ko pa rin naman kung nasaan siya.
Pagkatapos niyang kausapin yung tumawag ay bumalik na siya sakin.
“Gutom ka na ba?” tanong niya
“Uhmm.. Slight”
“Lika, may pinareserve sila mama sa Max’s.”
Kinuha niya yung kamay ko at naglakad kami papuntang Max’s
Alam ko naman yung papunta dun ah. Bakit may pahawak-hawak pa siya ng kamay na nalalaman?
Kinausap niya yung staff tapos siya din ang nagguide samin kung saan uupo.
Pagkaupo namin, binigay na samin ang menu.
“Anong gusto mo? Kahit ano?”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Oo. Kahit ano”
“Igagaya na lang kita sa order ko ah.”
Tapos sinabi niya yung order namin sa waiter.
“Wait. Pano yung parents mo? Hindi ba nila natin sila ioorder?”
“Hindi na kailangan”
Naguguluhan naman ako sa sagot niya. Medyo nadown din kasi siya nung sinabi niya yun.
“Bakit naman?”
“Hindi na daw sila pupunta eh.”
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nakita ko rin sa mukha niya ang lungkot.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Novela JuvenilNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...