Fourth Day of Intrams. As usual, sports na naman sa umaga at mamaya namang hapon ay ang performance ng mga seniors. Exciting! Ang dami pa namang gwapo sa fourth year.
Nandito na naman kami ngayon sa basketball court dahil section uli namin ang nakasalang. Pero hindi lahat ng kaklase ko ay nanonood dito. Naglalaro din kasi ngayon ang iba naming kaklase sa volleyball court kaya kung saan mo lang gusto manood, doon ka manood.
Pero syempre magkakasama pa rin kaming apat at kasama sa'ming apat si Hanna na alam na alam naman naming gustong manood ng basketball dahil nandoon ang kanyang boyfie.
“Woo! Go Caleb!” malakas na sigaw ni Hanna.
Grabe, buti hindi siya nawawalan ng boses. Everytime kasi na mapupunta kay Caleb ang bola ay nagchicheer siya. Minsan nga kahit nasa kalaban pa 'yong bola ay sumisigaw pa rin siya.
“Hoy! Magcheer din kayo.” pamimilit niya sa'min.
“Nagcheer na kaya kami kanina, mamaya na lang uli. Hindi naman kami katulad mo na hindi nawawalan ng boses.”
“K.” matipid na sagot niya at nagpatuloy na siya uli sa pagchicheer niya.
“Ang tibay din nitong si Hanna na ‘to." sabi ni Spencer.
“Ganun talaga kapag in love.” sabi ni Emily.
Nagtawanan naman kaming tatlo.
“Oh, bakit kayo tumatawa?” tanong ni Hanna.
“Wala.” sabay sabay naming sagot.
“Hmp!” pagtatampo niya.
Napangiti naman kaming tatlo. Baka kasi kapag tumawa uli kami ay marinig na naman niya.
**
Pumunta muna ako sa cafeteria, nauuhaw na kasi ako dahil sa sobrang init.
Nang nasa tapat na ko ng tindera, sinabi ko na ang order ko.
“Tubig lang p-“
Bwiset naman ‘tong singit ng singit! Akala mo hindi siya makakabili.
Nang nakuha ko na ang tubig na binili ko, umalis na ako sa may pila.
Pero bago pa ako makaalis, nakita ko muna kung sino 'yong bwiset na nanggigitgit sa'kin kanina, si Ezra. (see pic at right)
~*~*~
Ex ko este ex-crush lang pala. Ang feeler ko, hindi naman naging kami. Pero siya ang gusto ko bago ko pa makilala si Caleb.
Sophomore pa lang siya noon at ako naman ay freshman. Una ko siyang nakita at nakausap noong unang araw ng klase. Transferee lang kasi siya kaya hindi niya alam ang pasikotsikot ng school. Pero dahil mas may alam ako sa lugar na ‘to dahil dito din naman ako nag-elementary, tinulungan ko siyang hanapin kung nasaan ang klase niya.
Nalove-at-first-sight ata ako sa kanya kasi nang inapproach niya ako, feeling ko parang nagmamarathon ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.
Ginawa ko ang lahat para makita ko uli siya. Lagi akong dumadaan sa section niya para silipin siya o kaya naman ay sumasama ako sa mga kaklase kong may kapatid na kaklase niya. Kaya ako naging close kay Spencer ay dahil doon, ang kapatid niya kasi ay close kay Ezra.
One time, pumunta kami ni Spencer sa section nila para sunduin ang ate niya. Sakto namang magkasama ang ate niya at si Ezra nang pumunta kami.
Sabi ni Spencer, may pupuntahan lang daw sila saglit ng ate niya at hintayin ko na lang daw siya doon, pero alam ko namang palusot lang ni Spencer 'yon para maiwan kaming dalawa ni Ezra.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Teen FictionNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...