Chapter 5 "Love is in friendship"

540 19 9
                                    

Third day na ng Intrams at mamayang hapon na ang performance namin. Todo-todo na ang paghahanda naming lahat, kasali man o propsmen.

“Asan na si Allysa?”

Hinahanap na namin si Allysa. Magpapractice na kasi pero wala pa rin siya. Hindi pa naman siya pwedeng mawala dahil marami siyang parte sa sayaw.

“Hey, guys! Tinext ako ni Allysa na hindi daw siya makakapasok dahil may sakit daw siya. Paumanhin daw sa'ting lahat." sabi ng isa kong kaklase.

“Ano ba naman 'yan?! Napakawrong  timing naman niyang umabsent.” narinig kong bulong ng mga kaklase ko.

“Hanna!” tawag kay Hanna ng president namin at in-charge sa sayaw.

“Yes?”

“Ikaw na ang pumalit sa lahat ng part ni Allysa tutal ikaw naman ang pinakamabilis pumick-up ng steps dito. Hindi kasi pwedeng tanggalin ang mga part niya lalo na doon sa may partner.”

Naglight-up naman ang mukha niya. Syempre kahit alam niyang mahihirapan siya sa pag-aadjust, okay lang dahil magiging kapartner naman niya si Caleb.

Mukhang pursigidong pursigido si Hanna ngayong mga part na ni Allysa ang sinasayaw niya. Kahit nga tuwing break ay nagpapractice pa din siya para lang maperfect ang sayaw.

Nang natapos ni Hanna ang pagpapractice sa ibang part, napansin kong lumapit sa kanya si Caleb para ituro ang sayaw nila.

Kitang kita ko sa mukha ni Hanna na tuwang tuwa siya at kilig na kilig. Habang pinapanood ko silang dalawa, bakas na bakas sa kanila na talagang masaya sila.

Aaminin ko, medyo naiingit ako. Syempre si Caleb pa rin ang best thing I never had. At hindi naman madaling itapon ang mahabang panahon na inadmire ko siya.

“Hey!”

Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa'kin.

Si Denise lang pala.

“Pinapanuod mo sila?” mapanuksong tanong niya.

“Hindi ah!”

Tumingin na lang ako sa ibang direksyon.

“Sus! Nagdeny ka pa, kitang kita naman.”

Ganoon ba ako kahalata? Nakatulala na naman siguro ako.

“Infairness, bagay sila. No offense!” sabi niya at nagpeace sign pa siya sa'kin.

“Anong no offense? Hindi naman ako naooffend dahil agree din naman ako.”

“Weh?”

“Oo nga. Promise!” sabi ko at itinaas ko pa ng kanang kamay ko.

“Okay, pero mas bagay kayo.”

“Weh? Niloloko mo naman ako.” ako naman ang nag-weh ngayon.

“Oo nga, kahit dati pa man ikaw na talaga ang bagay sa kanya. Akala ko nga ikaw ang liligawan niya.”

“Wag ka ngang ganyan. Nagmomove-on na nga 'yong tao.” sagot ko.

“Okay, pero kamusta na ba kayo?”

“Ganoon pa din naman, katulad ng dati. Mag-uusap lang kapag may kailangan ang isa.”

“So, friends?”

“Hm, 'di ko naman masasabing friends kami kasi hindi naman kami close. Ewan ko, parang lagi naman akong stranger sa kanya.”

“Ganoon ba? Mag-iimprove din 'yan!” sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

My Best Friend's Boyfriend (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon