“Aria, ikaw ang in-charge sa decorations para sa Christmas Party. Ikaw na ang bahala kung sinu-sino ang gusto mong tumulong sayo”
Tumango lang ako at lumapit sa mga BFF’s ko.
“Uy! Sama sama tayo sa decor committee” masiglang sabi ko sa kanila.
“Decor committee? Akala ko ba sa games ka na lang?” –Hanna
“Eh dun ako inassign ni Ms.Pres eh”
“Alam mo namang hindi na ako pwede diba? You know, MC.” –Hanna
“Ayyy! Oo nga pala. Hmm.. Eh kayo Spence at Em?”
“Sa games na ako eh” –Spencer
“Sa food ako eh” –Emily
“So hiwa-hiwalay tayo?”
“Okay lang yan! Paminsan minsan naman maghiwalay tayo. Baka magkapalit na tayo ng mga mukhanyan eh” –Hanna
Tumawa naman kami sa sinabi niya.
“Eh sa tingin niyo, sino ba pa pwedeng sumama sakin sa decor?”
“Sila Denise! Alam ko wala pa silang sinasamahan eh” –Emily
“Sige. Punta muna ako sa kanila ah?”
Pumayag naman sila at lumapit na ako kila Denise at Fille.
“Ey! Gusto niyong sumama sa decor committee?” tanong ko sa kanila
Tumingin sila sa isa’t isa at parang nag-uusap na gamit lang ang mga mata nila.
WEIRD -.-
“SIGE!” sabay na sagot nilang dalawa
YEEESSS! May narecruit na rin ako.
“Thank youuu! Now, pag-usapan na natin yung naiisip kong-“
“Hey! Pwede ba akong sumali dyan?”
Lumingon ako sa direksyon kung saan ko narinig yun.
Nakita ko si Toby na nasa likod ko.
“Oh, Toby!” bati ko sa kanya
“Bakit ka nandito?” –Denise
“Gusto ko lang sana kasing kausapin si Aria”
Tumingin naman ako sa kanya at parang nagtataka.
Bakit naman kaya ako kakausapin nito? Hala, kinakabahan ako ah.
“Importante ba yan? Dito mo na lang sabihin” –Denise
“Hindi naman” –Toby
“Hindi naman pala eh. Sabihin mo na” –Denise
“Gusto ko sanang sumali sa decor committee”
Sus! Yun lang pala. Pinapakaba pa niya ko eh. Akala ko naman something serious.
“Tss. Yun lang naman pala eh. Pwedeng pwede!” sabi ko
“Oh, ayan. Apat na tayo. Okay na rin na may kasama tayong lalaki” –Fille
“Oo nga. Kung sakali mang may iba pang tumulong pwede naman eh” –Aria
“Kaya nga. Oh, ano na plano?” –Denise
“Oh, ganito gagawin natin”
**
“Den-den, okay lang ba yung ganitong design dito?” –Aria
“Hmmm.. Yep! Ang cuuute” –Denise
Weee! Flattered naman ako.
Habang nilalagay at inaayos ko yung design sa may wall ng room namin ay naramdaman kong lumapit sakin si Fille.

BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Fiksi RemajaNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...