Isang linggo pa bago mag Christmas party kaya marami pa kaming araw para makapag-ayos. Tuwing uwian na, lahat kami ay sobrang busy sa kung anong naassign na gawin namin. Kaya eto pa rin ako, nag-aayos ng mga decorations sa loob ng room.
“Aria, ubos na pala yung garland. Kailangan pa natin ng ganoon para sa dalawang wall eh.” Lumapit sakin si Denise.
“Ubos na? Bili na lang tayo ngayon. Tutal onti na lang din naman yung ibang decor eh” sabi ko.
“Ah! Sama ko. Tutal panigurado kailangan niyo naman ng tagabitbit ng bibilhin eh” sumingit si Toby.
“Oo. Tama lang yan” sabi naman ni Fille.
Kinuha na namin yung mga gamit namin at naghanda ng umalis.
“Aria, lika na?”
“Wait lang. Sige una na kayo”
“Hintayin ka na lang namin sa labas ah”
“Sige”
Lalapitan ko na sana si Caleb para magpaalam kaso nakita ko na nagpapractice na naman pala sila ni Hanna.
Ang saya saya nila. Alam mo yung sa mga palabas? Yung may background music lang tapos yung dalawang magkalove team patawa tawa lang, yung akala mo sila lang yung tao sa mundo. Tapos makikita mo yung spark sa mga mata nila.
WAAAAH! Ano ba tong naiisip ko? Erase! Erase! Nagpapakabitter mode na naman ako.
Aria, alam mo namang ikaw lang diba? Ikaw lang!
Pumikit na lang ako at patuloy-tuloy kong sinasabi yun sa sarili ko.
“HOY!”
Napadilat ako dahil sa gulat.
“Toby! Nagulat ako ah.”
“Hahaha. Eh kasi papikit pikit ka pa dyan eh. Mamaya natutulog ka na pala dyan ng nakatayo”
“Loko! Pwede ba yun?”
“Malay mo ganun ka. Haha. Oo nga pala, kanina ka pa hinihintay nila Denise. Lika na!”
“Ahh.. Ehh..” Patuloy ko lang na tinignan kung titingin ba si Caleb.
“Lika na.” sabi Toby habang hinihila yung braso ko
Nakalabas na ko ng classroom nang hindi man lang nakakapagpaalam kay Caleb.
“Oh, lika na. Tagal mo eh” sabi ni Denise na hinugot ako kay Toby
**
“Hmm.. Maganda to. Eto rin. At eto pa.”
“Hindi. Mas maganda to oh”
“Hindi kaya.. Mas maganda to”
Pinanood lang namin si Denise at Fille habang pumipili sila ng decor.
“Papabayaan lang ba natin sila?” –Toby
“Normal lang yan sa kanila. Masanay ka na”
Umalis si Toby at parang may kinuha. Pero bumalik din naman kaagad siya.
“Parang maganda sayo to oh.” Sabi ni Toby habang sinusuot sakin yung isang bracelet
“Hoy ano ka ba! Baka akalain shinashoplift ko yan.”
“To naman. Babayaran naman eh.”
“Wala akong pera ngayon. At tsaka decorations ang binibili natin dito diba?”
“Alam ko, pero di naman masamang tumingin ng iba diba?”
“Mahirap yun.. Tumitingin sa iba~”
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Подростковая литератураNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...