Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil whole day kaming walang klase o hindi dahil whole day naman kaming may practice. Next week na kasi ang Intramurals kaya lalong naging busy ang buong school.
"Okay, ito ang magkakapartner para sa sayaw. Aria and Toby."
As usual, napartner na naman ako sa pinakamatangkad. Konti na nga lang ang boys na bibigyan ng partner, napili pa akong maging partner ng isa sa kanila. Nakakabwisit na height kasi! Pero buti na lang hindi siya ang nakapartner ko. Kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko. Kaya maswerte pa rin ako!
"Allysa and Caleb."
Tumingin agad ako kay Hanna. Alam kong inaasahan niya at gusto niyang maging kapartner si Caleb na, nakakailang mang sabihin, boyfriend niya.
"Okay lang. Sayaw lang 'yan."
Tama siya. Sayaw lang naman 'to. Pero dahil sa sinabi ni Hanna, may naalala na naman ako.
May isang contest din noon na may sayawan at may partners din. Sa pagkakaalala ko, inggit na inggit pa sa'kin si Hanna nang ako ang naging partner ni Caleb. Paano ba namang hindi siya maiinggit, slow dance ang sayaw namin. So basically, magkalapit na magkalapit kami. Ang kamay ko nasa balikat at isang kamay niya samantalang ang kanya ay nasa bewang ko at sa isa ko pang kamay.
Muntik ko na ngang hindi magawa ang sayaw na 'yon dahil sa tuwing magsasayaw na kami, lagi akong nahuhulog sa mga titig niya. Pakiramdam ko ay matutunaw na ako at hihimatayin dahil mukhang sasabog na ang puso ko.
Pero dati na 'yon. Past is past at ayoko nang balikan 'yon.
Hindi naman nagtagal ay pinagpahinga na muna kami.
"Hey!" bati ko sa mga BFF's ko.
Sinagot ako ng masisiglang hi at hello nila Emily at Spencer, samantalang si Hanna di man lang ako inimik.
Nakita kong tinitignan niya sila Allysa at Caleb na nagpapractice pa rin kahit break na.
"Bothered?" tanong ko kay Hanna.
"Huh?"
"Bothered ka ba sa kanilang dalawa?"
"Ha? Uh, hindi! Bakit naman ako mababother? Nagpapractice lang naman sila. Hanggang doon lang 'yon. 'Lika na nga, bili na tayo ng pagkain."
"Okay."
Sumunod na lang ako sa kanya. Kunwari ay kumbinsido niya ko sa sinabi niya kahit alam na alam ko namang nagdedeny lang siya.
**
After ng maraming preparations, Intrams na sa wakas! Actually, gusto ko lang naman 'tong intrams na 'to dahil 1 week na walang klase bukod pa doon ang mga araw na puro practice lang kami. Ang saya kaya kapag ganoon!
Third day pa ang sayaw namin kaya ngayon kahit ano muna ang pwede naming gawin. Pero syempre, maliban 'yon sa mga maglalaro ng sports. Bawat klase kasi ay may team na ipanglalaban sa basketball at volleyball. Mayroon ding mga volunteer na sumali sa badminton at table tennis. Well, hindi naman ako athletic katulad ng iba kaya hindi na ako nagbother na sumali sa mga 'yon.
"Students, please assemble inside the gymnasium now. The parade will start in a few minutes."
Ay! May parade pa pala. Parang tinatamad akong pumunta kaso no choice naman ako kasi required 'yon.
Pagpasok ko ng gymnasium, hinanap ko agad ang section ko at ang BFF's ko. Nang makita ko na sila, pumunta na ako sa kanila at umupo sa tabi ni Emily.
Nagsimula ang parade sa mga manlalaro sa unang taon. Ilang pangkat din ang rumampa hanggang sa papasukin na ang mga manlalaro ng ikatlong taon na pinangunahan ng section namin. Unang mong mapapansin ang may hawak ng banner namin, si Caleb. Siya kasi ang star player namin.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Boyfriend (Book 1)
Novela JuvenilNagkagusto si Aria at ang best friend niyang si Hanna sa iisang lalaki. Pero paano kung isang araw ay malaman ni Aria na natalo na siya ng kaibigan niya? Makakamove on kaya siya? O kailangan ay may dumating at tulungan siyang makapagmove on? [Book 1...