Prologo : The Lioness
Years Ago
Franxie Resto, C-Tower Manila
"Binata, salamat sa paghatid sa anak-anakan ko." sabi ng lalaki na ikinatingin ni Jan Carl dito na noo'y nasa kolehiyo pa lang sa kursong Marine Engineering.
Napakunot noo si Jan Carl sa lalaking hindi naman siguro nalalayo ang edad niyang bente.
"Ahmmm. Ako iyong tiyuhin ng inihatid mong bata. Si Astraea, five pa lang siya. Maliit kaya nabubully lagi. Nakulungan kasi sa sustansya at bitamina noong pinagbubuntis ng nanay." nakangiting sabi ng lalaki na ikinatitig lang ni Jan Carl sa lalaki dahil ang totoo bago siya magsalita o ibuka ang bibig niya pinag-aaralan muna niya ang tao lalo na at lihim ang pagkatao niya.
"Nasa C-Tower siya ngayon." sabi pa ng lalaki
Napatango si Jan Carl ng mamukhaan ang lalaki, ang tiyuhin ng batang inihatid niya kahapon sa building na iyon.
"Nakita kita kaya nilapitan na kita, pauwi na sana ako ng isla ng naisipan kong humingi uli ng pasasalamat kasi tinulungan mo siya. Mahirap na sa panahon ngayon maraming nakikidnap lalo na at isang bitbitan lang ang baby ko." sabi ng lalaki.
Hindi pa rin nagsalita si Jan Carl. Matagal na siya sa Pinas at halos doon lumaki, doon kasi nakatira ang nanay niya at minsan din pumupunta ang tatay niya sa bansang iyon na nagbabalat kayo para hindi pagkaguluhan ng mga tao. Kahit nga siya tago ang pagkatao, dahil isa iyon sa kailangan niya pag-aralan bilang susunod na mamumuno ng palasyo.
Ilang bansa na rin ang narating niya, at ang totoo iba't ibang paaralan na ang napasukan niya at sa mga kaunting mga taon pinag-aralan niya ang pamumuhay ng bawat bansa kabilang ang Pilipinas kung saan sinasabing mayaman ang bansang ito kahit na nga ba nasa third world country.
Bukod doon sa lahat ng napag-aralan niyang bansa ang Pilipinas ang pumukaw ng atensyon niya dahil sa kasaysayan nito na pinag-agawan ng malalaking bansang sumakop dito.
"Arhhmm. Ako si Atlas Cheung, asawa ni Winter Valiente." napangiting sabi ng nagpakilalang Atlas.
Napakunot noo si Jan Carl dahil kilala ang Cheung at Valiente sa bansang iyon at hindi maitatagong ang mga apelyedong yaon ang haligi ng Pilipinas sa negosyo.
"Daniel Canlas." sabi ni Jan Carl dahil lahat ng dokumento niya Daniel ang pangalan niya at nag-iiba iba lang siya ng apelyedo pati edad.
"Daniel, magandang pangalan." sabi ni Atlas.
"Tatay!" sigaw ng tinig na ikinalingon ni Daniel at Atlas.
"Uy! Bakit ka sumunod? Darating na ang Papa mo." gulat na sabi ni Atlas kay Astraea.
Napatitig si Daniel sa batang babae, maliit ito na tila nasa three years old pa lamang pero cute ang bata. Tsinita at maganda ang mga mata.
"Sundo niya pa si Mama." sabi ni Astraea sabay lahad ng mga kamay kay Atlas para magpakarga.
"Hay naku! Baka magselos na naman ang Papa mo." sabi ni Atlas na agad na kinarga ang bata.
Pinagmasdan ni Jan Carl ang batang babae, namumula pa ang tuhod nito na may sariwang sugat, may mga pasa ang binti at braso nito at ang mukha ay bahagyang namumula din.
Sa pagtingin ni Jan Carl sa mata ng bata napakunot noo siya dahil nakatitig sa kanya ang batang babae.
"Hi." nakangiting sabi ni Astraea na ikinalunok ni Jan Carl dahil ang mga mata ng bata ay tila kakaiba habang nakatitig siya dito.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!