Kabanata 20 : Batas ng Hari
One week later
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jan Carl ng masalubong si Astraea sa palasyo sa gawing bahagi kung saan bawal magpunta ang alipin.
"Magpapahangin." sabi ni Astraea na ikinatitig ni Jan Carl dito
"Bawal ka sa parteng ito ng palasyo." sabi ni Jan Carl.
"Gusto ko makalanghap ng sariwang hangin, iyong galing sa taas." sabi ni Astraea.
"Oras ng pagtatanim mo 'di ba?" sabi ni Jan Carl sabay tingin sa relo nito.
"Nagtanim na ako kanina umaga, maagang maaga kaya natapos ko na." sabi nI Astraea.
Napatitig muli si Jan Carl kay Astraea isang linggo ang nakalipas mula ng magtalik sila at ang unang araw ng pag-inom ng gamot ni Astraea at mukha naman kumalma ito base sa nakikita niya. Iyon nga lang sobrang kalmado nito pati sa pagsasalita na paranag wala na ngang emosyon.
"May masakit ba sayo?" tanong ni Jan Carl na ikinailing ni Astraea.
"Dala ko ang gamot mo uminom ka na." sabi ni Jan Carl. Tatlong klase ang gamot ni Astraea para sa sakit nito at lahat naman nasa oras ang pag-inom ng dalaga na siya mismo ang nagpapainom.
"Sumasakit iyong tiyan ko sa gamot." sabi nI Astraea sabay tingin sa gamot.
"Ito rin ang gamot na iniinom mo dati na bigay ng kapatid mo." sabi ni Jan Carl.
"Pinahinto ni Kuya iyong ibang gamot ko. Isa na lang ang dala ko sa bag ko na tinapon mo." sabi ni Astraea sa kalmadong tono.
"Doctor ang nagbigay nito." sabi ni Jan Carl.
"Si Rio lang ang doctor ko, namin ni kuya AJ." sabi nI Astraea na ikinatahimik ni Jan Carl
Napatingin si Astraea kay Jan Carl saka ito ngumiti pero hindi iyon umabot sa mata ng dalaga.
"Iinumin ko na, baka saktan mo sila." sabi ni Astraea, ng hindi nagsalita si Jan Carl, sabay kuha sa gamot at nilunok iyon ng mabilis kahit wala itong iniinom na tubig.
"Okay na." sabi ni Astraea.
"Gusto mo sa kuwarto ko?"sabi ni Jan Carl na ikinailing ni Astraea
"Ayoko." sabi ni Astraea.
"Ayaw mong magsex?" sabi ni Jan Carl."Wala akong gana." sabi ni Astraea
"Try natin." sabi ni Jan Carl saka nito nilapitan si Astraea pero umatras ang dalaga.
"Ayoko." sabi ni Astraea."Okay, magtanim ka na lang." sabi ni Jan Carl saka ito tumalikod at naglakad palayo pero ilang hakbang pa lamang nito ng lumingon ito uli para tingnan si Astraea.
Sa paglingon ni Jan Carl, nakatitig lang si Astraea sa kanya.
"Alam kong masaya ka." biglang sabi ni Astraea saka ito napaluha.
"Huwag mo akong dramahan." sabi ni Jan Carl"Hindi." sabi ni Astraea saka ito napangiti at yumuko.
"Hindi ko alam kung anong plano mo talaga sa akin pero uunahan kita, hindi ka magwawagi." sabi ni Jan Carl.
"Oo." mahinang sabi ni Astraea saka ito tumalikod at naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!