Kabanata 9 : Masaya lang Dapat
El Casa
Days Later
"Good evening, Sir." bati ng isang magandang babae sa grupo ng mga lalaking pumasok sa vicinity ng El Casa.
"This way Sir." sabi naman ikalawang babae sa grupo.
"Sandali, titingin muna kami ng babae sa Casa." sabi ng isang lalaki sa ikalawang babae na hindi mo aakalain na isa lamang itong usherrete dahil sa ganda nito na maihahalintulad sa isang modelo.
"Sorry Sir, lahat po ng kliyente o mga bisita ay dederetso sa El Emperio Bar." sabi ng ikalawang babae na ikinatingin ng grupo sa isa't isa.
"Bakit?" sabi ng ikalawang lalaki na may halong pagtataka sa tanong na iyon.
"Ngayon po ang Big Event ng Casa sa bar." sabi ng ikalawang babae na ikinangisi ng lalaking nakatayo sa pinakadulo ng grupo.
.....................
Flashback
Days ago
Malit Beach Resort, PH
"King, may sulat ka at mukhang invitation." sabi ni Prince Renan.
"Kanino galing?" sabi ni King Jan Carl habang nakadapa sa bench sa may dalampasigan ng Malit Beach Resort sa tagong isla ng Pilipinas.
"Walang nakalagay pero inamoy na ito ng sniffing dog okay naman ang sulat. Kinilatis na rin ng mga tauhan natin at Clear naman." sabi ni Renan sa half brother.
Napakunot noo si Jan Carl sa hawak na envelope na kulay pula ni Renan. Kararating lang ni Jan Carl galing Palasyo kung saan siya ang nakaupong hari. Ang araw na iyon ay ninakaw lang niya para makapagrelax sa dami niyang ginagawa sa Palasyo mula ng maupo siya.
"Kunin mo na, sayo kasi nakapangalan." sabi ni Renan ng titigan lang ni Jan Carl ang sulat.
Inabot ni Jan Carl ang sulat saka ito tumingin sa kapatid.
"Puwede ka ng umalis." sabi ni Jan Carl na ikinangiti ni Renan dahil mula ng naging hari si Jan Carl lalo itong naging maingat na kahit silang mga kapatid at pinsan nito ay nahihirapang lumapit dito.
"Okay." sabi ni Renan saka ito umalis.
Pagkaalis ni Renan napatingin si Jan Carl sa paligid saka ito umupo mula sa pagkakadapa sa bench.
Pinagmasdan ni Jan Carl ang sobre na halatang mamahalin, amoy pa ang mamahaling scent ng naturang sisidlan.
"Baka indecent proposal na naman." sabi ni Jan Carl sa sarili dahil mula din ng maupo siya at magpakilala maraming naghahangad na maging asawa niya mula sa iba't ibang matataas na tao sa buong mundo.
Napahingang malalim si Jan Carl trenta y tres anyos na siya edad na maaga pa para maging hari pero tila tinadhana talaga sa kanya ang pag-upo ng maaga sa trono dahil ang ama niya ay lumisan na sa mundo kaya naman lahat sa Palasyo nakaatang sa kanya.
Ang Canmore Palace ay nakatayo sa Middle East, isang moslem country na mayaman sa ginto at langis. Maliit na bansa na may malaking kayamanan kaya naman maraming gusto umangkin sa lugar pero ang lugar napanatiling matayog, matatag at ligtas ng kanyang mga ninuno.
Binuksan ni Jan Carl ang sobre at sa pagbukas nito kinuha niya ang papel sa loob na halatang mamahalin din. Sa pagkuha nya at paglabas ng papel napakunot noo muli siya ng makita ang nakalagay.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!