Kabanata 15 : Isang Biro na Hindi Biro
Kinabukasan
"Kuya." nakangiting sabi ni Astraea na ikinatingin ni Jan Carl.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Jan Carl pero isang malakas na suntok ang sinagot ng binata na ikinabuwal ng hari sa pagkakaupo.
"Huwag!" sigaw ni Astraea hindi para kay AJ na para pigilan ito sumuntok kundi para sa mga tauhan ni Jan Carl na agad na tinutukan ng baril si Aj.
"Bayad na kami, sobra-sobra pa. Ngayon kami na ang maniningil sayo." sabi ni Aj kay Jan Carl
"Kuya, uuwi na ako." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Jan Carl sa dalaga habang nakaupo ito sa upuan.
Napatiim ng bagang si Aj ng makita ang nanghihinang katawan ng kapatid at hindi maitatangging hindi ito tinantanan ng hari.
"Tapos na ang trabaho mo." sabi ni Aj saka nito pinuntahan si Astraea.
Napangiti si Astraea saka ito yumakap kay Aj na agad na ikinayakap ni Aj sa kapatid.
"Nasa pangalawang plano na tayo." bulong ni Astraea na ikinangisi ni Aj sa isip.
"Okay. Ang pagpasok ng mga escort sa palasyo at pagbabayad sa El Casa." mahinang pabulong na sabi ni AJ na ikinangiti ni Astraea.
Napatitig si Jan Carl sa magkapatid ng magbulungan ang mga ito.
"Kuya, sinaktan niya ako." malakas na sabi ni Astraea saka ito umiyak na ikinalunok ni Jan Carl.
"Anong ginawa niya sayo?" sabi ni Aj.
"Iyong likod ko masakit." sabi ni Astraea.
Sinilip ni Aj ang likuran ng kapatid at nagulat ito ng makita ang bakas ng latigo sa likuran ng dalaga.
"Ginawa niya sayo ito?" di makapaniwalang sabi ni Aj na napatiim ng bagang.
"Oo kuya, sinaktan niya ako tapos buong araw niya ako kinama." umiiyak na sabi ni Astraea.
Mabilis na lumapit si Aj kay Jan Carl saka ito pinagsusuntok ng sunod-sunod na ikinangisi ng lihim ni Astraea.
"Para mas makatotohanan, kailangan ako lang ang may alam. Pero salamat dahil nasarapan din naman ako." sabi ni Astraea sa isip habang pinagsusuntok ni Aj ang hari.
"Hayaan niyo lang!" sigaw ni Jan Carl ng mag-warning shot ang tauhan niya.
"Gago ka. Ang liit ng kapatid ka at mas bata sayo iyan." sabi ni Aj.
Napatingin si Jan Carl kay Astraea na umiiyak.
Napatitig naman si Astraea kay Jan Carl saka ito lumuha pa.
"Suntok lang iyan, masakit pa rin ang ginawa ng latigo mo sa akin. Ngayon pare-pareho kayong iikot sa palad ng reyna." sabi ni Astraea sa isip ng makita ang galit ng kapatid niya.
"Binayaran ka na namin, nakuha mo na ang higit pa. Pero inintresan mo pa." galit na sabi ni Aj habang pinagsusuntok nito si Jan Carl na hindi magawang gumanti.
"Gagawin ko ang trabaho ko, kuya. At ipapakita ko na kaya kong salbahin ang Emperio na may dangal. Ihihimbing ko ito pero hindi malilimutan ng lahat." sabi ni Astraea sa isip.
"Ahhh!" sigaw ni Aj at isang malakas na suntok ang ibinigay nito kay Jan Carl na ikinadugo ng ilong ng hari.
"Kuya tama na!" sigaw ni Astraea na ikinatigil ni Aj.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!