Kabanata 10 : Simula ng Kasiyahan ng Isang Delubyo

403 48 8
                                    

Kabanata 10 : Simula ng Kasiyahan ng Isang Delubyo

El Emperio Bar


"Mukhang kakaiba ngayon." sabi ni Phil sa mga kasamang Prinsipe.

"Ang daming tao." sabi ni Renan.

Napatingin si Jan Carl sa paligid, kakaiba nga gabing iyon at mukhang walang alam ang mga pinsan at kapatid na kasama niya sa magaganap.

"Big Event? Ang sabi sa invitation huling gabi. Anong ibig sabihin nito?" sabi ni Jan Carl sa isip na biglang kinabahan.

"Mukhang naririto nga ang lahat ng escort at kakaiba ang mga suot nila." sabi ni Fredrick

Napabaling ang tingin ni Jan Carl sa mga kasama at tulad ng dati hindi sila bababa ng sampu ang bilang nila. Nasa pribadong puwesto sila ng bar kung saan nakikita nila ang kaganapan sa paligid. Masaya ang ambiance, buhay na buhay, at ang tugtog mas lalong nakakapanabik kaysa sa mga nagdaang mga gabi. Ang stage ay mas lalong kumulay at lumiwanag dala ng nakakaakit at nakakabuhay na mga ilaw.

Ang mga tao sa naturang bar ay masigla, masaya at puno ng buhay. Ang mga tauhan ng bar ay tila maihahambing ang kasiyahan sa isang Kapaskuhan kung saan tila makukuha ng malalaking regalo, sahod, bonus na ihahanda sa isang maganda at masayang piging ng mga Pilipino.

Ang ingay ng kuwentuhan at tawanan ng mga tao ay tila nasa isang fiesta sa barrio na tila walang katapusang kasiyahan.

"Isang magandang gabi sa lahat." sabi ng tinig na ikinaigtad ni Jan Carl sabay baling ng tingin sa entablado na kasingrangya ng tila nagsisimulang negosyo pa lamang.

"Ang aga naman." sabi ni Frederick sabay tingin sa mamahalin nitong relo.

"Alas otso pa lang." nagtatakang sabi naman ni Phil.

Napatitig si Jan Carl sa stage alam niya ang kaganapan sa bar lagi, nagbubukas ito ng alas syete ng gabi at kahit maaga pa lamang dagsa ang mga tao na dinadayo pa ng taga ibang lugar o minsan nga ibang bansa tulad nila na talagang nahumaling sa naturang lugar.

"Dapat alas dose pa ha. Bakit ang aga yata?" sabi ni Renan na nagtataka.


Napatingin si Jan Carl sa paligid, dahil ang sa mga ganoong oras simpleng bar lang ang El Emperio pero kahit ganoon masaya naman, at sa pagtuntong ng alas dose ng gabi doon magsisimula ang pinakabuhay at kasiyahan ng bar na magmumula at pasisimulan ng El Casa.

"Bakit ganito? Wala man lang pasabi na bago na pala ang patakaran." sabi ni Byron na ikinatingin ni Jan Carl sa grupo.

Halos lahat ng Prinsipe ng palasyo ay miyembro ng Emperio kung saan milyon ang binabayaran nila kada isa taon-taon kaya naman sa Palasyo pa lang mabubuhay na ang Emperio dahil ang bayad nila ay gold bar. Hindi pa isama diyan na alam ni Jan Carl na ang ibang parokyano ng bar ay mga tulad nila na maharlika na gold bar din ang binabayad.

Bukod dito lahat ng dayuhan na miyembro at pumapasok sa bar ay dolyares ang binabayad kaya naman ang Valiente Empire ang tinanghal na top one business sa Pilipinas dahil ang tax na binabayaran nito ay triple sa binabayaran ng tax ng tatlong malalaking kompanya sa bansa na naungusan ng Emperio.

Si Orion Valiente at si Autumn Valiente ang kinikilalang mga haligi ng negosyo sa bansa kung nasaan si Jan Carl kaya naman ang buong grupo nito ay hindi lamang sikat kundi ginagalang ng lahat ng mga Pilipino.

"Baka surprise." sabi ni Frederick.

"Nagulat ba kayong lahat?" malamyos na sabi ni tinig.

4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon