Kabanata 8 : Sandata
"Ano na?" sabi ni Laszlo ng matahimik ang lahat.
Napatingin si Raven sa papel na nasa harapan niya, alam niya mahirap ang bibitawan nilang desisyon dahil hindi naman lingid sa kanya na malaki talaga ang pinapasok na pera sa account niya mula sa kita ng Emperio.
"Ako muna." sabi ni Amon kay Raven saka nito kinuha ang papel na ikinatingin ng lahat
Muling binasa ni Amon ang papel na ikinatitig ni AJ kay Amon.
"Bubuwagin namin pero titiyakin ko malaki ang maibabalik sa atin. Huh! Ako ang kukuha ng mas malaki kaysa sa Emperio at magdurugtong dito para muling buhayin ang El Casa." sabi ni Amon sa isip.
Napangisi si Aj ng lihim saka ito umiwas ng tingin kay Amon na nakatitig sa papel.
"Okay na." sabi ni Amon matapos pumirma saka nito binalik kay Raven
"Ikaw na lang 'tol." sabi ni Haco kay Raven ng maibalik ang papel dito.Muling pinakatitigan ni Raven ang papel na ikinatingin ng lahat dito.
"Bibigyan kita ng rason para mapadali ang desisyon mo." sabi ni AJ kay Raven na ikinatingin ng lahat dito.
"Rason?" sabi ni Raven.
"Ang HBN Station ay bumagsak sa panahon na nasa katayugan nito, bumulusok ito ng ganoon kadali dahil sa isang pangyayari." panimula ni Aj na ikinatingin ng lahat kay Uno.
Umiwas ng tingin si Uno kaya napatingin ang lahat kay Aj na pumunta sa projector at sa ilang sandali nagpakita ang isang imahe.
"Siya si Eye Hamilton, isang kilalang reporter, anak at tagapagmana ng number one tv station sa bansa. Siya ang magmamana "sana" ng trono ng ama niya kaso SIYA din ang dahilan ng pagbagsak nito. Siya ngayon ay nagkukumahog para habulin ang ginawa niyang mali." sabi ni Aj.
"So? Anong koneksyon?" sabi ni Raven.
"Ang puno ay hindi mamamatay hanggat may ugat pero kung ang ugat ay mamatay kahit hitik ang bunga ng puno tuluyan itong babagsak. Iyon ang naganap sa pamilya Hamilton na puwede mangyari sa pamilya mo." sabi ni AJ kay Raven.
"Imposible." sabi ni Raven.
"Imposible. Huh! iyan ang sagot ni Eye sa isa niyang interview noong panahon na kasing edad mo siya." sabi ni Aj kay Raven na ikinagulat ng lahat.
"Talaga? O isa itong joke?" sabi ni Hades na hindi makapaniwala."Hindi. Bakit ako magbibiro? Hades, kapag negosyante ka dapat pag-aralan mo ang bawat isa. Ang kahinaan, kalakasan at ang kuwento ng bawat isa. Ang pagtaas, pag-angat at pagbulusok pababa para maiwasan mo ang mga bagay na puwedeng mangyari sayo bilang negosyante, lalo na kung ikaw ay isa lamang tagapagmana ng negosyong pinaghirapan ng magulang mo." sabi ni Aj na ikiantahimik ni Hades.
Tumingin muli si Aj kay Raven saka ito umusal.
"Sa isang interview ni Eye tinanong siya kung hindi ba siya natatakot sa paghawak ng responsibilidad sa mamanahin niya. Ang sagot niya hindi dahil IMPOSIBLENG bumagsak ang isang matayog at malakas na puno." sabi ni AJ saka nito pinindot ang button at mula sa projector lumabas ang isang article at ang video ng interview na sinasabi ni AJ.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!