Introduction : What Do I Best
(Play the song video for the theme song for this novel)
Jan Carl Canmore, isang seaman, isang hari, isang lalaking nahuhumaling sa isang babaeng namumuno sa lugar na balak niyang sakupin.
Astraea Lopez Valiente, isang frustrated maging modelo, isang feeling reyna, isang babaeng ang hangad ay maging kasapi at mapabilang o makilala bilang isa sa magagaling na namuno ng Emperio.
El Emperio, isang lugar kung saan binuo ng lolo ni Astraea na si Orion Valiente, ang lugar kung saan nakilala ang galing at husay ng leader ng grupo sa ikalawang henerasyon na binuo ng mga ninuno ni Astraea buhat sa angkan ng tatlong kilalang haligi ng bansa sa larangan ng negosyo na sila Rod Cheung, Dennis Lopez Jr at si Ramon Valiente. Mga haligi na nagsimula ng isang grupo na hinangaan ng kahit na sino.
Sa pag-upo ni Astraea sa Emperio pinamahalaan niya ang El Casa ang lugar kung saan nakilala ang pinakamagagaling, mahuhusay at de kalidad na mga high class escort sa bansa. Mga escort na kinilala sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa kanyang pag-upo, isang balak ang binuo ng grupo at ito ay wasakin ang nagsilbing mata sa loob ng kanilang samahan.
Sa pagpasok ni Astraea sa naturang lugar, sumulpot ang mga Prinsipe na siyang dahilan ng pag-asam ng leader ng mga ito na makamtan ang lugar kung saan lihim at legal ang lahat na siyang magtutulay para sa grupo at sa palasyo. Mga babaeng kailangan ng hari para maging laruan sa loob ng palasyo.
Nang malaman ni Jan Carl ang tungkol sa El Casa, inirekomenda niya sa ama nitong hari ang pagtiwalag sa Stem, ang pinakakilalang negosyo ng Mafia sa blackmarket. Pero ang lahat ay magbabago sa plano ng susunod na Mafia Leader at ito ay pagwasak ng El Casa para maputol ang durugtong sa pagitan ng dalawang samahan at para sagipin ang Stem.
Bukod dito ang kontrata na pinirmahan ng ama ni Astraea na si Autumn tungkol sa escort na si Kim Madlangbayan ay hindi natuloy, kaya sa paglipas ng panahon nanatiling nakahang ang kontrata at dahil dito ang halaga ng kontrata ay lumalaki.
Isang utang... isang babae at ang kabayaran ay dadaloy sa pagitan ng uupong hari at ang reyna na nakaupo sa trono ng Emperio.
"Mahal ako." sabi ni Astraea.
"Sa liit mong iyan mahal ka? Eh para ka lang dilis." sabi ni Jan Carl na ikinamilog ng mga mata ni Astraea.
"Hoy! Hindi ako maliit." sabi ni Astraea at nagulat ang binata ng itaas ni Astraea ang suot nitong dress dahil wala itong panloob.
Napatingin si Jan Carl sa paligid at napahingang malalim ng makitang wala naman nakatingin sa kanila.
Napangisi si Astraea saka nakakaakit na nagsalita.
"Busog lusog ang sinumang titikim sa akin. Ang dilis na ito ay isang malaking isda sa karagatan na malaman at...." sabi ni Astraea saka ito tumingkayad na ikinalunok ni Jan Carl.
"...mataba..." udlot na sabi ni Astraea saka ngumiti at kawit sa mga kamay sa leeg ni Jan Carl sabay bulong nito kahit hirap tumingkayad.
"....mataba ang kimpay ko." pilyang bulong ni Astraea na nakatingkayad na ng husto para maabot ang tainga ng binata sa pagbulong niya.
"Bastos!" sigaw na sabi ni Jan Carl na ikinapula ng mukha ng binata sa walang modong babae sa harapan niya
"Hahahaha! Welcome to my Casa. I'm Queenie." nakakaakit na sabi ni Astraea saka ito bumitaw sa pagkakakawit ng kamay sa leeg ni Jan Carl.
"Unano." sabi ni Jan Carl ng bumitaw si Astraea at hanggang dibdib lang niya ito.
"Mataba naman ang kimpay ko. Tse!" sabi ni Astraea saka ito umirap at tinalikuran si Jan Carl.
"Hoy! Mag panty ka!" sigaw ni Jan Carl na ikinatingin ng lahat dito sa Casang iyon.
"Hahahaha! NO PANTY DAY ngayon at ako nagpanukala ng araw na ito mula ng ako ay maging reyna ng Emperio." sabi ni Astraea na ikinanlaki ng mga mata ng mga Prinsipe sa sinabi ni Astraea.
"Whoahhh! Walang mga panty." bulungan ng mga Prinsipe na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl.
"Samyuin niyo ang amoy na binilad na kimpay." natatawang sabi ni Astraea na ikinailing ng mga pinsan nito at ikinamilog ng mata ng mga kliyente ng Casa na nasa bar na iyon sa gabing yaon.
"Manyak. May panty kaya ako skintone nga lang. Ngayon maglaway ka at bangungutin. Hahaha!" sabi ni Astraea sa isip habang kumekembot itong naglalakad palayo sa binata.
..............
February 28, 2023 6.42pm
Fifth Street
Good Night...
...........
For any amount...
g.cash # 09153205730 Jai-Kim Chua
Tnx!!!
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!