Kabanata 18 : Mga Kalaban sa Isang Babae

277 34 3
                                    


Kabanata 18 :  Mga Kalaban sa Isang Babae

Present Day


"Uuwi na ako." sabi ni Astraea na ikinatigil sa pagtawa ni Jan Carl pero napangisi ito

"Pumasok ka dito at lahat ng Albaghaya na naririto ay hindi na makakalabas." sabi ni Jan Carl.

"May naalala kasi ako, masama ito." sabi ni Astraea saka ito lumuha na ikinakunot noo ni Jan Carl.

"May sakit ba siya?" sabi ni Melissa kay Jan Carl ng makita ang pagkabagabag ni Astraea na tila ito kakaiba.

"Puwede bang katulong na lang ako o kaya magtatanim ako." sabi ni Astraea.

"Hindi puwede." sabi ni Jan Carl na ikinalunok ni Astraea.

.................

Flashback

"Uupo na ako." sabi ni Astraea kay Onald.

"Hindi ka puwede umupo, kasi salta ka lang." sabi ni Onald.

"Mapapagod ako." sabi ni Astraea.

"Pakialam ko, ikaw ang pumunta sa amin." sabi ni Onald.

..............

Present Day

"Delikado ako." sabi ni Astraea habang nakatitig kay Jan Carl.

"Ikaw ang pumunta sana naisip mo iyan." sabi ni Jan Carl ng mapahawak si Astraea sa ulo nito na ikinatingin ni Melissa kay Jan Carl at ikinalunok ni Jan Carl.

"Huwag mo akong artehan." sabi ni Jan Carl na ikinayuko ni Astraea.

................

Flashback

"Huwag kang umarte, hindi ka maganda. Sa liit mong iyan para kang ipis. Tinitilian lang kasi nakakadiri," sabi ni Onald na ikinatitig ni Astraea sa batang lalaki.

..................

Present Day.

Napatingin si Astraea kay Jan Carl na sinalubong ang titig niya

"Hindi uubra. Huh! Huwag mong subukan wala ng dating, wala ng saysay, wala ng epekto. Wala ng hipnotismo expired na." nakangising sabi ni Jan Carl.

"Si Onald ka ba?" napahikbing sabi ni Astraea saka ito umiyak ng malakas na ikinatingin ni Melissa kay Jan Carl.

"Ano?" sabi ni Jan Carl.


"Uuwi na ako. Magsama kayo ni Grace."
sabi ni Astraea saka ito tumakbo na ikinatigil ni Jan Carl.

"Uyyy! Hindi puwede diyan!" sigaw ni Melissa ng tahakin ni Astraea ang ibang daan.

...............

Flashback

"Hindi ka puwede diyan." sabi ni Grace kay Astraea ng akmang bababa ito ng bus.

"Bakit?" sabi ni Astraea.

"Sa bintana ka dumaan." maarteng sabi ng batang babaea na si Grace na ikinatawa ng mga kaklase nito.

................

Present Day

"Bumalik ka hindi ka puwede diyan!" sigaw muli ni Melissa na ikinahimasmasan ni Jan Carl ng mahinuha ang daan na sinasabi ni Melissa.

4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon