Kabanata 12 : Giyera
El Emperio Bar
"Hahaha! Mananalo na ako." natawang sabi ni Astraea kay Jan Carl habang busy ang lahat sa kakabid sa kanilang dalawa.
Napatingin si Jan Carl sa Screen na nasa gilid ng stage. Doon malalaman kung magkano na ang bid ng bawat isa.
"Sa mga minutong ito nangunguna si Queenie na may 100M sa kaban at si Mr Daniel ay nasa 30M pa lamang." sabi ng bidder host.
"Hahaha! Kuripot ang mga fans mo." sabi ni Astraea habang nakaupo ang dalawa sa kama.
Napatingin si Jan Carl kay Astraea nakatapis na uli ito at ganoon din siya habang tila sila pinagbebenta sa palengke na halos di magkamayaw ang mga costumer sa pagbili sa kanila.
"100M na pero hindi pa siya nagbibid." mahinang sabi ni Astraea.
"Sino?" sabi ni Jan Carl na ikinatingin ni Astraea sa binata.
"Secret." sabi ni Astraea na ikinatingin ni Jan Carl sa paligid.
"Imposibleng ako lang ang pinagbigyan niya ng sulat." sabi ni Jan Carl sa isip habang tinitingnan ang mga kliyente ng casa na tulad niya hindi mo aakalaing mayaman.
"Ganito ang totoong ugali ng mga mayayaman kaparehas lang ng mahihirap na laman ng palengke." sabi ni Astraea.
Napangisi si Jan Carl sa sinabi ni Astraea dahil sa nakikita niya parang walang mga pinag-aralan ang mga taong naroroon kahit naman alam ng lahat, na lahat sila doon ay mayayaman.
"Ito ang buhay ng karangyaan na masarap tingnan." sabi ni Astraea.
"Kasi pinag-aagawan ka?" sabi ni Jan Carl.
"Oo. Biruin mo ang daming babae pero lahat ng ginto ako ang gusto." sabi ni Astraea.
"So proud ka niyan?" sabi ni Jan Carl.
"Oo, kasi sa posisyon ko ngayon tanggap ako ng lahat at saka napatunayan ko na anak ako ni Mama at ni Papa." sabai ni Astraea.
"Pinagbebenta ka nila." sabi ni Jan Carl habang mahinang nag-uusap ang dalawa at ang iba ay hindi pa rin magkamayaw sa pagbibid para makuha ang bawat isa sa kanila.
"Kasama iyon sa trabaho ko." sabi ni Astraea.
"May pinag-aralan ka pero tingnan mo ang sarili mo high class puta." sabi ni Jan Carl na ikinangiti ni Astraea saka ito tumingin sa paligid.
"Parang sila.... at ikaw. Lahat tayo may pinag-aralan pero lahat tayo low class sa lugar na ito. Hindi nabibili ng pera ang ugali at dignidad ng tao. At ang lugar na ito ang nagpatunay na pantay-pantay tayo, kaya gusto ko dito. Kasi masaya, kasi pakiramdam ko nagagawa ko rin ang simpleng buhay at nakikita ko rin ang isla kung saan ako nagmula." sabi ni Astraea.
"Sa Heather Island." sabi ni Jan Carl na muling ikinangiti ni Astraea at tumingin sa binata.
"Ang Heather Island ay binansagan ng little Casa ng media mula ng may reporter na pumunta doon at nagpatunay na ang Heather Island ay may mga mahaharot na babae. Iyon ang lugar kung saan itinago ni Mama ang kanyang mga anak sa Papa ko, isang lugar na tulad ng pinanggalingan ng Mama ko. Pero hindi ko ikinakahiya kung ang mga babae sa isla ay mababang uri." sabi ni Astraea.
"Kaya ka ganyan, kasi namulat ka sa lugar na hindi tama sayo." sabi ni Jan Carl.
"Parang ikaw?" sabi ni Astraea.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!