Kabanata 19 : Mga Lihim ng Palasyo
Infinity Island
Napangiti si Aj ng tumunog ang cellphone niya at ng mabasa ang mensahe napangisi ito.
"Bakit mo siya pinayagan? Lalong magagalit si Amon sayo?" sabi ni Hestia kay Aj habang kalalabas lang nito sa banyo.Agad naman tinago ni Aj ang cellphone at tila wala lang dito ang lahat.
"Hindi naman mapapahamak si Astraea sa palasyo at ang totoo magugustuhan ng hari dahil marami siyang makakasama sa iisang babae. Exciting iyon." natawang sabi ni Aj na ikinatitig ni Hestia dito."Pinaglalaruan mo ba ang sakit niyong magkapatid?" sabi ni Hestia na ikinatawa muli ni Aj.
"Hahaha! Wala kaming sakit." sabi ni Aj na ikinalunok ni Hestia dahil mukhang buwang ang lalaking kasama niya.
"Anong wala? Iyong sakit mo, ay sakit ni Astraea at delikado siya doon." sabi ni Hestia."Hindi." sabi ni Aj.
"Aj, baka mapahamak ang kapatid mo. Hindi pa siya magaling." sabi ni Hestia.
"May gamot siyang iniinom at alam niya iyon at tingin ko hindi hahayaan ni Jan Carl na mapahamak si Astraea. Katunayan tingin ko pinag-aaralan ng hari kung paano amuin ang lahat ng nasa utak ni Astraea. Katulad ng ginawa mo sa akin." sabi ni Aj sabay yakap kay Hestia."Tsss. Lagot ka kay Amon. Galit iyon sayo at isa pa iyon, may tama din sa utak. Biruin mo galit sayo na walang dahilan." sabi ni Hestia na ikinatahimik ni Aj.
"Ililihis ko ang pagtuklas niya sa Stem. Hindi niya puwede malaman ngayon." sabi ni Aj sa isip saka ito napangiti.
"Uy! Ngumingiti ka na naman mag-isa." sabi ni Hestia na bakas ang kaba kapag gumagawa ng expression si Aj na hindi niya alam ang dahilan.
"Magrelax muna tayo." sabi ni Aj sabay yakap kay Hestia.
"Anong magrelax may pasok pa ako. Baka hindi ako makatapos sa highschool." sabi ni Hestia.
"Matatapos ka niyan. Magaling ka kaya, kahit na inaalagaan mo si Laurent," sabi ni Aj sabay yakap pa ng mahigpit kay Hestia habang nasa kuwarto ang mga ito nakahiga sa kama.
..............
Canmore Palace
"Ready na kayo." sabi ni Astraea sa isip habang karga siya ni Jan Carl papasok sa kuwarto nito.
"Oo naman." sabi ng tinig sa isip ni Astraea.
"Natatakot ako, baka magalit iyan." sabi ng isang tinig ni Astraea sa isip nito."Akong bahala! Lagot iyan sa akin." sabi ng unang tinig sa utak ni Astraea.
"Hoy! Huwag mong guluhin si Astraea." bulong ni Jan Carl sa tenga ni Astraea ng maramdamang tahimik ang dalaga pero bumubuka ang bibig nito na tila nagsasalita.
"Tukmol." bulong din ni Astraea habang nasa loob na ng kuwarto ang dalawa.
"Kung tukmol ako ikaw kabuteng panis." sabi ni Jan Carl pero nagulat ito ng biglang mangagat si Astraea."Ahhhh!" sigaw ni Jan Carl ng kagatin siya ni Astraea at sa gulat ng binata naitapon niya si Astraea sa kama.
Hinawakan ni Jan Carl ang tenga niya sabay tingin sa dalaga pero muli siya nagulat ng nakakaakit itong tumingin at ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomantikWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!