Kabanata 3 : Isang Pain
Months later
El Emperio Bar, Valiente Empire
El Paradiso Island
"Ano ba?" sabi ni Astraea habang nanonood ito sa mga escort na nagsasagawa ng performnace.
"Hindi mo talaga matandaan?" sabi ni Amon kay Astraea habang pinagmamasdan ng binata ang mga parokyano ng Casa na nasa bar na iyon.
"Hindi." sabi ni Astraea habang nakatutok sa mga sumasayaw na performers na mga top escort ng Casa ng big event ng gabing iyon.
Napatingin ang magpipinsan kay Astraea, ilang buwan na ang nakalipas ng sunduin ito ni Autumn Valiente sa Cruise Ship ng makita ng mga tauhan nito ang naganap sa dalagita at ang araw na iyon ay nalimutan ni Astraea.
"Nagbibiro ka ba?" tanong ni Burn sa kapatid habang nag-uusap ang magpipinsan sa sulok ng bar.
"Hindi. Haysss! Ini-stress niyo ako." inis na sabi ni Astraea na ikinahingang malalim ng mga pinsan nito dahil kahit anong piga nila walang silang makuhang impormasyon kay Astraea sa naganap sa Cruise ship.
"Paano ang plano?" sabi ni Alex sa mga pinsan.
Napatingin si Aj sa paligid, at napangisi ito dahil mula ng mapangasawa ng tito Dim niya ang Prinsesa, ang mga pinsan ng asawa nito na mga Prinsipe ay laman na ng Casa na nakadagdag sa kita ng Emperio.
"Itutuloy pa ba natin?" tanong ni Alex kay Aj ng tingnan lang ni Aj ang paligid nila.
Napangiti si Aj dahil ang mga Prinsipe ay nahumaling sa mga babae sa Casa at ang pinakamaganda roon nakuha ni Astraea ng hindi nito nalalaman ang atensyon ng mga Prinsipe.
"Aj? Ano na?" sabi ni Hades sa pinsan.
"Oo tuloy ang plano, pero huwag muna tayo magmadali." sabi ni Aj sabay tingin sa mga pinsang lalaki.
"...sayang ang kikitain natin." sabi ni Aj.
"Hello Astraea." nakangiting sabi ng isang lalaki na lihim na ikinangiti ni Aj at ikinatingin naman ng magpipinsan sa lalaking dumating.
Hindi tumingin si Astraea sa lalaki dahil busy ang isip niya sa magandang performance, at ang totoo nangangarap siya ng mga oras na iyon na siya ang sumasayaw sa entablado.
"Ahhmm. Para sayo." sabi ng lalaki na ikinangisi ng mga pinsan ni Astraea dahil ang dala ng lalaki ay tila sinadyang iniladlad nito.
Hindi pa rin umimik si Astraea dahil nasa exciting part na ang performance ng gabing iyon ng bar.
"Pangit ba? Ahhhm. Papalitan ko ng mas malaki at maganda." sabi ng lalaki ng hindi man lang siya sulyapan ni Astraea.
"Huwag mo ng palitan, amin na lang iyan." sabi ni Shiloh habang nakatingin ang magpipinsan sa hawak ng lalaki.
"Kay Astraea ito, pinagawa ko pa ito pinasadya." sabi ng lalaki sabay tingin muli kay Astraea
"Astraea, puwede bang manligaw?" sabi pa ng lalaki.
"Astraea, kausap ka niya." bulong ni Luna sa pinsan na ikinakunot noo ni Astraea.
"Pansinin mo naman." sabi ni Lisica kay Astraea.
"Ahhhhh!" sigaw ni Astraea na ikinagulat ng buong grupo at ng lalaking nasa harapan nito.
"Buweset." sabi ni Viggo na saktong tutunggain niya ang baso na may laman na juice ng sumigaw si Astraea kaya naman natapon iyon sa damit niya.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!