Kabanata 16 : Pagtangka sa Pagpasok ng Reyna

377 45 8
                                    


Kabanata 16 : Pagtangka sa Pagpasok ng Reyna

Two Months Later

Canmore Tower


"Okay, simulan ang ikalawang plano pagpasok ng reyna sa loob ng palasyo." sabi ni Astraea sa sarili habang naglalakad ito papasok ng Canmore Tower kung saan nabalitaan niya na naroroon si Jan Carl.

Ilang buwan na ang nakalipas ng matahimik ang lahat ng balita sa Emperio kasama ng mga nakakabiging katahimikan sa socmed ng kanilang grupo na sa unang pagkakataon walang media ang nangahas na magbalita ng tungkul sa grupo nila dahil na rin na wala ng mata na magsasabi ng nagaganap sa grupo na kinukuha ng media mula sa loob ng Emperio.

"Sakto lang, tahimik ang lahat so walang makakaalam ng pagsila ko sa hari." sabi ni Astraea sa isip sabay napangiti ito.

Tinatahak ni Astraea ang hallway papuntang elevator ng mapahinto ito ng may marinig na tinig.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Jan Carl ng malayo pa lang nakita na niya si Astraea, at ng makalapit ito sa elevator talagang hinintay niya ito at mukhang lutang pa rin ang dalaga dahil hindi ito tumitingin sa paligid kaya hindi siya napansin.

Nagulat naman si Astraea at napaigtad ito na ikinatitig ni Jan Carl sa dalaga dahil halatang hindi pa ito masyado magaling at ang katibayan ang pagkagulat nito na kakaiba sa ordinaryong ugali ng dalaga na kalmado.

Napangiti si Astraea ng makita agad ang pakay.

"Bakit ka nandito?" tanong muli ni Jan Carl ng ngitian at titigan siya ni Astraea sa kakaibang ugali ng dalaga na ngayon lang niya nakita dahil mukha itong wala sa sarili.

"Wala na akong trabaho." sabi ni Astraea.

"Ano ngayon?" seryosong sabi ni Jan Carl sabay pindot sa elevator saka ito pumasok ng bumukas ang pribadong elevator.

"Pinasara mo." sabi ni Astraea sabay sunod kay Jan Carl sa loob ng elevator.

"Pinalano niyo iyon tapos ako sisisihin mo." seryosong sabi ni Jan Carl saka nito pinindot ang button kung saan ang opisina ng pinsan niyang namamahala sa Canmore Telecom ngayon.

"Hindi ka naaawa?" sabi ni Astraea sabay sandal sa elevator habang si Jan Carl nasa unahan niya nakatayo malapit sa pintuan ng elevator na ikinasakop ng bulto ng katawan nito.

"Bakit ako maaawa?" sabi ni Jan Carl.

"Dahil wala na akong pagkakakitaan." sabi ni Astraea sabay hawak sa bag nitong mamahalin.

"Malaki ang nakulimbat mo sa akin." sabi ni Jan Carl habang lihim na pinagmamasdan si Astraea sa repleksiyon nito sa salamin ng pintuan ng elevator.

"Hinati-hati namin iyon kasama sa hatian ang mga empleyado. At malaki din ang kaltas ng tax." mahinang sabi ni Astraea.

"Kasalanan ko ba iyon?" sabi ni Jan Carl.

"Oo." sabi ni Astraea.

"Bakit ako?" sabi ni Jan Carl.

"Okay na kaya siya?" sabi ni Jan Car sa isip dahil sa pakikipag-usap ni Astraea mukhang hindi na nito naiisip kung sino siya at kung ano ang ginawa niya dito.

"Kasi kung hindi mo ako kinuha sana bukas pa ang Casa." sabi ni Astraea.

"Inakit mo ako, pinalano mo iyon. O sabihin natin ininis mo rin ako kaya nangyari ang lahat." sabi ni jan Carl habang pinagmamasdan pa rin ang dalaga mula sa repleksiyon nito.

4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon