Kabanata 7 : Pagbubukas ng Kaharian para sa Reyna
"Wala tayong kapasidad kung saan isisingit ang lahat ng mawawalan ng trabaho at tulad ng pag-aalaga ng mga ama natin sa kanila kailangan kahit paano maipakita natin na kahit mawala ang Casa mas higit ang kalalagyan nila kumpara sa nawala." sabi pa ni AJ.
"Parang ang hirap trabaho ko." sabi ni Astraea.
"Hindi ba mas lalo naman kawawa si Astraea kapag nalaman ng hari na ang lahat ay plano." sabi ni Hestia.
"Mas kawawa ang mga mawawalan ng trabaho." sabi ni Aj.
"Wait. Si Astraea hindi mo ba naiisip?" sabi ni Hades.
Napatingin ang lahat kay AJ at si Aj napatingin naman kay Astraea.
"Alam kong kaya mo dahil sa ilang taon na kasama mo at nakakahalubilo ang hari tiyak ko na kaya mo siyang hawakan sa leeg." sabi ni AJ kay Astraea.
"Grabe kuya isa ba iyang papuri o lakas ng loob na ibibigay mo?" sabi ni Astraea na ikinangiti ni AJ
"May solusyon ka." sabi ni AJ.
"Solusyon? Ano ang utakan siya? Eh naaasar na nga iyon sa akin." sabi ni Astaea.
"Meron." sabi ni Aj"Ano?" sabi ni Astraea
"Hypnotize the king." sabi ni AJ na ikinatingin ng lahat kay Astraea.
"...kapag nahawakan mo siya huwag mong pakawalan. Dalhin mo siya sa demensyon mo na hindi siya makakapag-isip." sabi ni AJ."Paano kung maumpog?" natawang sabi ni Shiloh.
"Bago maumpog tiyakin mong malalim na ang nabaon mo." makahulugang sabi ni Aj kay Astraea.
"Hahaha! Malalim na ang nabaon mo. Gets ko iyon." sabi ni Viggo na ikinatawa ng sixtuplets.
"Siraulo." sabi ni Haco ng makuha ang biro ni Viggo."Hindi natin makukuha si Astraea kapag nasa kaharian na siya mas delikado iyon AJ at malalagot ka kila lolo at Papa." sabi ni Burn.
"Hanggat hindi si Astraea nakukulong sa palasyo hindi siya delikado. Hanggat wala siyang ginagawang mali na batas sa loob ng palasyo hindi siya mapapahamak." sabi ni Aj sa lahat sabay tingin kay Astraea.
"...kaya hanggat hindi ka pinapaalis ng hari gumawa ka ng paraan para mas lumalim ang pagkakaupo mo at pagkakalagay mo sa palasyo." sabi ni Aj kay Astraea.
Napangisi si Amon sa sinabi ni Aj na ikinatingin ni Alex dito.
"Tingin mo tama siya?" tanong ni Alex kay Amon na ikinatingin ng lahat dito.
"Kung gusto mo tumagal sa palasyo gumawa ka ng mali at kung gusto mong mapatawad ng hari gumawa ka ng tama pero..." udlot na sabi ni Amon ng magsalita si AJ
"Gawin mo ang pareho para makuha mo ang trono." nakangising sabi ni AJ sabay tingin kay Amon.
"Tama, dahil makukuha mo ang lahat kapag pinagsama mo ang tama at maling gawi." sabi ni Amon na ikinangiti ni AJ sabay tingin sa lahat.
"Ngayon magbobotohan tayo kung sino ang may gusto sa plano at uulitin ko walang sapilitan na magaganap, at kapag may umayaw na kahit isa sa atin hindi na natin itutuloy ang plano." sabi ni AJ.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomansaWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!