Kabanata 1 : Sweet Sixteen
11years later
"Happy sweet sixteen, Astreae." bati ng mga mayayamang kaklase ni Astraea sa dalagita.
"Salamat." nakangiting sabi ni Astraea sa mga kaklase na halos lahat branded ang mga suot na damit at dalang gamit samantalang siya siyempre de kalidad na ukay galing sa lola Venus niya na hindi naman ganoon kaukay kasi siyempre maarte din siya at alam naman iyon ng lola niya kaya naman ang binibili nito sa kanya iyong tipong pinagsawaan ng mga mayayamang kakilala ng lolo Malic niya na kay lola Venus niya pinagbebenta na para sa kanya isang ukay na rin kasi second hand or minsan third hand na.
"Mukhang masaya ka ngayon?" sabi ni Joan.
"Oo naman." sabi ni Astraea habang nakadungaw ito sa railings ng barko.
Napangiti si Astraea sabay langhap ng sariwang hangin na amoy karagatan.
Nasa Cruise ship sila ng mga panahon na iyon kung saan isinasagawa ang 10-days-fieldtrip tour ng mga estudyante ng STU o St. Threse University, ang paaralan ni Astraea kung saan nag-aaral ito bilang fourth year high school student.
Nasaktuhan ang kaarawan ni Astraea sa ikaapat na araw ng tour na iyon kaya naman doon na nagawang i-celebrate ng dalaga ang kaarawan niya pero....
"Wala ka bang handa?" tanong ni Kelly isa sa kaklase ni Astraea.
"Wala." sabi ni Astraea na napangiti.
"Ano ba iyan? Ang pamilya mo ang may-ari ng naturang school bakit kada taon hindi ka naghahanda tuwing birthday mo?" sabi naman ni Eleanor, kaklase din ni Astraea.
"Ayoko lang." sabi ni Astraea pero ang totoo ang pera kasi na panghanda sa birthday niya ay inilalagak niya sa foundation ng lola Ella niya. Ang Rod's Road kung saan naroroon ang mga batang babae na nakukuha ng foundation mula sa mga Casa na ipinagbebenta o iyong mga kababaihan at kabataan na nasangkot sa illegal trafficking ng bansa.
"Sayang naman ang mga taon na dapat nagsasaya ka lalo na at isang oportunidad na maging Valiente. Idagdag pa na hindi ka lang Valiente dahil tatlong dugo ang nananalaytay sayo na kabilang sa mayayamang angkan sa bansa. Dapat ang suwerte mo ay ninamnam mo." sabi ni Helen na ikinangiti ni Astraea.
Napatingin si Astraea sa malawak at asul na karagatan nasa upper deck sila ng umagang iyon kung saan papunta ang barko sa Japan.
"Hindi ko pa ba ninanamnam ang suwerte ko sa lagay na ito? Kabilang ako sa mga kabataang naririto sa barkong ito na sa murang gulang nakakaranas na ng tour." sabi ni Astraea na ikinatingin ng mga kaklase nitong babae sa isat isa.
Napalingon si Astraea saka nito tiningnan ang benteng kaklase. Kung saan sa ibang puwesto naroroon pa ang ibang mag-aaral ng STU.
"Masuwerte na ako kasi nakakaranas ako ng ganito. Kasama ko kayo, isa itong opurtunidad para makalakbay ng libre sa iba't ibang lupalop ng lupa sa mundo." sabi ni Astraea
"Ang tour na ito binayaran natin,at iyong iba nakihitch lang." maarteng sabi ni Jane.
Napangiti si Astraea dahil hindi lahat sila mayaman sa paaralang iyon, tulad sa SVU binibigyan ng opurtunidad o tsansa ang mga mahihirap na may angking galing para makapag aral sa naturang esklusibong paaralan. Libre o iskolar ang mga mahihirap na ito at ang kapalit nun sila lang naman ang nagdadala ng karangalan sa paaralan kaya mas kinikilala ang STU at SVU sa buong bansa.
Kaunti lamang ang populasyon ng naturang paaralan na maihahambing sa isang international school sa mahal ng tution fee sa STU.
"Deserved nila iyon dahil kung wala sila hindi makikilala iyang nakalagay sa t-shirt mo. Biruin mo kapag suot natin iyan at makita ng lahat ang pangalan ng paaralan na STU isa na iyong tropeo sa ating lahat. Huwag mong maliitin at tapakan ang mga mahihirap na iyan kasi sila ang tulay natin para umangat lalo." sabi ni Astraea sabay tingin sa mga mahihirap na estudyanet ng STU na nasa lower deck ng barko kung saan tanaw ni Astraea mula sa kinatatayuan niya.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!