Kabanata 17 : Albaghaya
Two Months Later
Canmore Palace
Isang malaking piging ang idinadaos sa palasyo sa gabing iyon na isinasagawa kapag may mga babaeng papasok sa kaharian ng hari. Ang pagtatanghal ng mga murafaga albaghaya ng hari ay isang espesyal na pagtitipon para pasayahin ang hari at ipakita ang kanilang angking galing at talento.
Napangisi si Jan Carl ng pumasok ang mga bagong babae sa palasyo nakasuot na balabal ang mga ito na tanging mga mata ang nakikita. Ang ganoong uri ng kasuotan ay nakita na niya sa isang pagtatanghal sa isang Casa sa Manila.
Pumuwesto ang mga babae sa kani-kanilang lugar sa malawak na bulwagan ng palasyo.
At ilang sandali lang nagsimula pumailanlang ang musika at ang saliw na iyon nagawang nakakaakit ng mga escort sa kanilang galaw.
"Libre. Huh! Libre ko kayo nakuha at kung sinusuwerte ka nga naman mga bata na naman ang binigay sa akin." napangiting sabi ni Jan Carl sa isip habang nakaupo ito sa trono at pinagmamasdan ang mga kababaihan na mula sa Casa.
................
Flashback weeks ago
Emperio
"Ibibigay ko ang pagrerebisa ng kontrata kung sasagutin mo ang tanong ko." seryosong sabi ni Amon ng puntahan siya ni Jan Carl sa opisina niya para sa isang pulong.
"Ano iyon?" sabi ni Jan Carl habang nakaupo ito sa silya na kaharap ng mesa ni Amon.
"Iyong sinabi mo sa akin dati saan matatagpuan?" sabi ni Amon.
"Sinabi?" napakunot noo na tanong ni Jan Carl.
"Ang Stem." seryosong sabi ni Amon.
"Hindi ko alam." sabi ni Jan Carl.
"Hindi mo alam pero nabanggit mo." sabi ni Amon.
"Naririnig ko lamang iyon." sabi ni Jan Carl na ikinangisi ni Amon.
"Jan Carl hindi na ako bata, matanda ka nga sa akin pero hindi mo ako maloloko." sabi ni Amon.
"Wala talaga akong alam, narinig ko lamang iyon sa isang party sa isang palasyo." sabi ni Jan Carl.
"Okay, hindi ko mababago ang kontrata." sabi ni Amon na ikinatiim ng bagang ni Jan Carl ng makuha pa ni Amon tumutok sa laptop nito na tila gusto na siyang paalisin at tinatapos na ang kanilang pagpupulong.
"Makakaalis ka na." sabi ni Amon ng hindi na nagsalita si Jan Carl.
"Anong kasiguraduhan ko na mababago ang kontrata?" sabi ni Jan carl.
"Ibibigay ko sayo ang kopya at hindi ka naman siguro tanga para hindi alam ang bagay na iyon. At hindi naman siguro ikaw maiisahan. O baka talaga sigurong hindi para sayo ang korona mo kaya ka takot makipagdeal." sarkastikong sabi ni Amon na ikinangisi ni Jan carl
"May araw ka rin." sabi ni Jan carl sa isip ng mayabangan sa awra ni Amon."Ibibigay ko sayo ang buong detalye kung ang ibibigay mong escort ay ang mga ibinigay ni Aj sa mga kompanya ng grupo mo. I mean, ang gusto ko kasi iyong mapapakinabangan ko at iyong kaya kong pagtiwalaan." sabi ni Jan carl.
"Huh! Baka magsisisi ka dahil imposible iyon. Ang mga tinira ni AJ ay mga loyal sa kanya." sabi ni Amon na ikinangiti ni Jan Carl.
"Amon, masyado ka pa ngang bata mag-isip." sabi ni Jan Carl na ikinatiim ng bagang ni Amon.
BINABASA MO ANG
4.4 Hypnotize the King : 4th Gen Series #4 : Jan Carl and Astraea : Completed
RomanceWalang malaking nakapupuwing. Date Started : February 28, 2023 Date Ended : March 25, 2023 CTTO : All images, photos, videos and lyrics are credited to the rightful owners Original Written Novel by ROSE CHUA PLAGIARISM is a CRIME Do NOT Coy!!!