Chapter 6

884 12 5
                                    

Mga ilang lingo lang nakita ni Celyn na mag-kasama si Ethan at ang babaeng naka-unan sa hita nito noon sa apartment ni Kakai at Dondon, pagkatapos noon hindi na nya ulit ito nakitang magkasama. Hindi nya alam kung break na ba ang ang dalawa o baka naman hindi talaga naging mag-boyfriend/girlfriend ang dalawa.

"Hoy Celyn, wag mong sabihing hanggang ngayon umaasa ka parin...". sita ni Celyn sa sarili.

Yun naman talaga ang totoo... kahit na nakita na nya itong may kasamang ibang babae hindi nawala yung pag-hangang nararamdaman nya para sa lalaki. Hindi rin sya tumigil sa pagdarasal na sana isang araw mapansin sya ng lalaki although sinabi na sa kanya ni kakai na...sinabi ni Ethan kay Dondon na Crush sya nito(sinabi ni Dondon sa kapatid na si Kakai ang sinabing yun ng kaibigang si Ethan, kaya nalaman ni Celyn ang tungkol dun), hindi naman nya napatunayang totoo yun kaseh pag nakikita nya ang lalaki para namang di sya nito nakikita, blangko ang gwapong mukha nito. Wala syang makitang senyales na may gusto ito sa kanya.

"Celyn kung pwede ka daw ihatid ni Ethan mamaya pag-uwian?" nangingiti at tila kinikilig pang sabi sa kanya ni Kakai. Kasalukuyang nasa classroom sila noon. Mabuti nalang at lumabas sandali ang prof. nila kaya walang sasaway sa kanila kung mag-usap man sila ng kaibigan sa loob ng klase.

"Ha?" agad naman sabi ni Celyn. Bumilis na naman ang pintig ng puso nya dahil sa sinabing yun ng kaibigan, di nya kaseh yun inaasahan. "kakai, andyan ka na naman ha!" sabi nya pa dito.

"Hindi...totoo talaga! Nag-txt si Dondon oh basahin mo pa..". at agad ngang pinakita ni Kakai ang txt ng kapatid nitong si Dondon. "Ate pakisabi daw kay Celyn baka pwede syang ihatid ni Ethan mamaya pag-uwian". sabi sa txt.

"oh ano?! kala mo kaseh lagi nalang kitang niloloko". natatawa pang sabi ni Kakai kay Celyn. "Anong sasabihin ko?" tanong agad nito sa kanya.

"Sya kamo ang bahala..." patay malisya pang sagot nya sa kaibigan pero deep inside kinikilig sya sa isiping mukhang...hmnnn...ito na siguro ang simula.

"Ayeeee...ok" kinikilig namang sabi ni Kakai. Nagkatawanan nalang silang tatlo nila Melissa.

Oras na ng uwian...nakalabas na sila ng gate ng Campus pero walang Ethan silang nakita para mag-hatid sa kanya.

"Ano kaya nangyari dun?" sabi ni Kakai.

Nagkibit balikat nalang si Celyn at sumakay na sila ni Melissa ng tricycle para umuwi.

"Hayysss...paasa..".sa isip ni Celyn.

Nagpapalit na sya ng damit pang-bahay ng mag-ring ang cellphone nya. Di nya kilala ang tumatawag kaseh number lang nito ang nag-appear sa screen ng cp nya.

"Hello?" sabi ni Celyn.

"Ah...C--celyn, si Ethan ito" sabi naman ng nasa kabilang linya.

Pakiramdam ni Celyn nagtayuan lahat ng balahibo nya pagkarinig sa boses ng lalaki, ang lakas-lakas rin ng pintig ng puso nya. Ang ganda naman ng boses nya..sa isip lang ni Celyn. Nalimutan nyang kanina lang ay tila pinaasa lang sya ng lalaki.

"Ihahatid sana kita kanina pa-uwi, nasa canteen kami kanina ni Dondon nung lumabas kayo ng room, di nyo kami napansin kaya sumunod nalang kami kaso paglabas nyo ng gate sumakay agad kayo ni Melissa ng tricycle, akala kaseh namin magtatambay pa kayo sandali sa apartment(ang apartment ng kaibigang si Kakai ang tinutukoy nito, katabi ng school nila, kung saan dun sila lagi tumatambay)". mahaba at tila nagpapaliwanag pang sabi nito.

Ah...ganun naman pala...kaya di sya nito naihatid. Kala naman nya talagang inin-jan sya ng lalaki. Sa isip lang ni Celyn.

"Ganun ba? Pasensya na dumeretso uwi na kaseh kami ni Melissa!". sabi nalang nya sa lalaki. Parang gustong manginig ng boses nya sa sobrang kaba.

"Bukas...pwede ba kitang maihatid?" tanong ni Ethan kay Celyn.

"Waaaa..." sigaw sa likod ng utak ni Celyn. Kinikilig talaga sya promise. At talagang hindi na nito pinadaan sa kaibigan nitong si Dondon dahil ito na talaga mismo ang nagsasabi sa kanya ngayon na gusto sya nitong ihatid.

"Celyn?" narinig nyang tila pagtatanong ulit sa kanya ni Ethan.

"ha? ah..eh...o sigi ikaw ang bahala". nagi-stammer pang sagot ni Celyn. "Relax,Celyn.."piping saway pa ni Celyn sa sarili at piping dalangin nalang rin nya na sana di nahalata ng lalaki ang panginginig ng boses nya. sabihin pa nito "masyado syang atat sa lalaki:)))"

"Thank you...bukas ha!" pasasalamat ni Ethan sa pagpayag nya...at nagpaalam narin agad ito.

-------------------

Thank you kay Ms. heartangel25 and Ms. amytartadi for adding this story...!!!

Thank you rin po sa mga patuloy na nagbabasa...!!!

Please vote and comment po...para naman mas sipagin pa c Ms. author mag-update:)))

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon