Katatapos lang ng graduation nila Celyn at ngayo'y abala s'ya sa pag-aasikaso sa mga bisita n'ya. Nagkaroon kaseh sila ng konteng salo-salo sa apartment na inuupahan nila ng Lola n'ya bilang pasasalamat n'ya.
Dumalo sa munting salo-salong 'yun ang ibang classmates ni Celyn at mga malalapit na kaibigan n'ya. Dumating rin ang mga magulang n'ya nung araw na 'yun ng graduation n'ya kaya naipakilala n'ya sa mga ito ang boyfriend n'yang si Liam na andu'n rin nung mga oras na 'yun.
Abala parin si Celyn sa pagiistima sa mga bisita n'ya ng dumating ang Kuya Slater at Ati twinkle n'ya kasama ang apat na buwang sanggol ng mga ito na si baby Rain.
"Congratulations!" halos sabay pang bati ng Kuya at Ati ni Celyn.
"Thank you!" naka-ngiti namang sagot ni Celyn sa dalawa. "Kain na kayo Ati, Kuya.." sabi pa ni Celyn sa kapatid at bayaw n'ya. "Ako na muna ang mag-aalaga kay baby Rain" sabay kuha ni Celyn sa pamangkin na karga ng Ati n'ya.
Nagmano naman ang mga bagong dating sa Lola at mga magulang nila Celyn.
Lumapit naman si Liam kay Celyn at nilaro rin ang pamangkin.
Nung bandang hapon na...isa-isa ng nag-paalam ang mga classmates at malalapit na kaibigan na naging bisita ni Celyn kaya halos sila-sila nalang pamilya ang naiwan doon.
Masayang nilalaro ng mga magulang ni Celyn at ng Lola n'ya ang anak ng Ati twinkle at Kuya Slater n'ya. Tila sabik na sabik ang mga ito sa apo dahil nga 'di madalas nakikita ng mga ito si baby Rain.
Si Celyn at Liam naman ay kasama ang Ati Twinkle at Kuya Slater nila sa may balkonahe bandang labas ng apartment. Doon silang apat nagki-kwentuhan dahil sabi nila ay medyo mahangin doon kaya du'n sila pumwesto.
"Babe wait...'di ko pa pala sa'yo naibibigay 'yung gift ko, sandali lang at kukunin ko sa kotse" paalam ni Liam kay Celyn.
Tumango lang naman si Celyn at patuloy na nakipag-kwentuhan sa Ati twinkle at Kuya Slater n'ya.
Kung ano-ano lang ang pinagkwentuhan nila ng magtanong kay Celyn ang Kuya Slater n'ya.
"Ano Celyn sa'n ka na magwo-work?" sabi ng Kuya ni Celyn. "Tulad ng sabi ko... bukas ang Casureco sa'yo kung du'n mo gusto mag-trabaho" dugtong pa ng bayaw ni Celyn.
Bigla namang natigilan si Celyn at napa-tingin nalang sa Ati twinkle n'ya.
"Nag-apply kaseh si Celyn bilang trainee sa Japan" ang Ati twinkle ni Celyn ang sumagot.
"Ha? Alam na ba ni Liam ang tungkol d'yan?" tanong ng Kuya Slater ni Celyn dahil alam nitong mukhang 'di sasang-ayon ang kapatid n'yang si Liam sa balak ng bayaw na si Celyn.
"Hindi" si Liam na nasa likod na pala ng tatlo. 'Di namalayan ng mga ito na nakabalik na ang binata at narinig nito ang usapan nila tungkol sa balak ni Celyn.
Nabigla naman ang tatlo, lalo na si Celyn.
"Sa tingin ko kailangan n'yong mag-usap" sabi ng Kuya Slater ni Celyn. Inaya na nito ang asawa papasok ng apartment at iniwan si Celyn at Liam sa balkonahe.
"Babe, totoo ba ang narinig ko na nag-apply ka papuntang Japan?" sabi ni Liam na 'di maitago ang disgusto sa ginawa ng nobya. "At kelan mo pa balak sabihin sa'kin ang tungkol du'n?" sabi pa nito na may himig ng pagtatampo sa nobya.
"Babe, please...unawain mo naman sana ako...kailangan kong gawin 'yun para makatulong rin ako sa pamilya ko" nagpapa-unawa namang sabi ni Celyn sa nobyo.
"Bakit...kung dito ka lang ba magta-trabaho 'di ka ba makakatulong sa pamilya mo?","Ganu'n na ba kalaki ang pangangailangan ng pamilya mo at kailangan mo pang mag-trabaho sa malayo?" may hinanakit parin sa tinig na sabi ni Liam. Alam naman n'ya kaseh na 'di gaanong naghihirap sila Celyn dahil ang alam n'ya malago naman ang kabuhayan ng magulang ng nobya n'ya, alam n'yang may kalakihan rin ang grocery store ng parents nila Celyn.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?