chapter 10

856 9 0
                                        

Pagbaba ni Celyn ng tricycle sa tapat ng school nakita nyang makakasabay nya si Ethan papasok ng gate ng school nila.

Dumaan ito sa harapan nya na parang di sya nito kilala. Nilampasan lang sya nito na wala man lang ni ho, ni ha. Di nya ini-expect na ganun ang magiging asal ng binata.

"Galit pa siguro sya.." sa isip lang ni Celyn patungkol sa binata. Ano nga bang dapat pa nyang asahan ay kahapon lang sinabi nya ditong putulin na nila ang kung ano mang namamagitan sa kanila.

"Masakit lang..." sa isip ulit ni Celyn. Masakit lang na ganun kadaling tatanggapin ng binata yung pakikipag-hiwalay nya dito, na ganun ito kadaling susuko sa pag-iibigan nila.

Hinayaan nalang ni Celyn ang nangyaring pambabalewala sa kanya ng dating nobyo.

Lumipas ang mga araw na hindi na nga nagtangka ang binata na makipag-ayos pa kay Celyn.

Akala ni Celyn yun na yung pinaka-masakit...ang pangbabalewala ng dating nobyo sa kanya pero may mas masakit pa pala dun...ito ay ang makita ang dating nobyo na may kasama na agad itong iba considering na halos ilang weeks palang simula ng makipag-hiwalay sya dito.

Kalalabas lang nila ng apartment ng kaibigang si Kakai. Kasama nya ito at si Melissa ng makita ang dating nobyo na palabas ng gate ng school nila, di ito nag-iisa may kasama itong isang babae. sumakay ng tricycle ang dalawa at di nila alam kung san ang mga ito pupunta.

"Kaya pala...kaya pala di na nag-effort makipag-reconcile ang nobyo sa kanya" sa isip ni Celyn. "Wala palang halaga dito yung almost 5 months na pinag-samahan nila" , "Hindi pala totoo lahat ng pagmamahal na pinakita nito sa kanya" himutok pa ni Celyn sa isip lang nya.

"Okay lang yan Celyn" pampalubag loob pang sabi kay Celyn ng kaibigang si Kakai.

Ngumiti lang sya dito. Alam nyang pinapalubag lang ng kaibigan ang loob nya.

Nagpaalam na sya sa mga kaibigan na uuwi na muna sa apartment na inuupahan.

Pagpasok ni Celyn sa loob ng silid nya nag-uunahan na namang mahulog ang mga luha nya dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman. Di nya masisi ang dating nobyo dahil sya ang nakipag-hiwalay dito. Sya ang may gusto nito sa kabila ng katotohanan na mahal na mahal parin nya ang binata.

Kinabukasan sa school...

"Celyn, bumalik yung kasamang babae ni Ethan kahapon" sabi ni Kakai sa kaibigang si Celyn. "Pumunta sya sa apartment akala ay andun ka pa" patuloy nito.

"Ha?, Bakit?, Anong sabi?" ang naguguluhang tanong ni Celyn kay Kakai.

"Sabi nya baka daw isipin mong nililigawan sya ni Ethan ay nagkakamali ka daw kaseh di raw nanliligaw sa kanya ang ex-boyfriend mo". sabi ulit ni Kakai. "Actually si Ethan daw ang nagpabalik dun sa babae para sabihin yun sa'yo" dugtong pa nito.

Tila gusto namang maging masaya ng puso ni Celyn dahil sa sinabing yun ng kaibigang si Kakai.

Ngunit kahit ganun ang nangyari wala parin pala syang dapat ipagsaya kaseh di narin nagtangka pang kausapin sya ulit ni Ethan. Di na ito gumawa ng paraan para magkabalikan sila.

Dumaan ang valentines day na di man lang nagpakita ni anino nito. Nakatanggap man sya ng bulaklak pero hindi naman galing dito.

Hanggang sa nag-semestral break na sila wala paring ginawa ang binata para suyuin sya.

Nagulat nalang nga sya ng magpasukan ulit at malamang nag-transfer na sa ibang school ang dating nobyo.

Hindi alam ni Celyn na magiging ganun pala kasakit na malamang di na nya ulit makikita si Ethan. Mahal na mahal parin nya ang binata.

Sobrang nami-miss na nya ito, yung pagiging gentleman nito, pagiging sweet and caring nito. Na-miss nya yung araw-araw na paghahatid nito sa kanya pa-uwi, yung pagdadala nito ng mga libro nya, yung kahit araw na ng sabado dumadalaw parin ito sa kanya dahil parang di pa sapat dito yung mula monday thru friday na magkasama sila.

"Hayyy... I miss everything about him" sa isip ni Celyn habang tila nakikini-kinita pa nya sa isip nya ang gwapong mukha ng dating nobyo.

Naisip ni Celyn na pag-aaralan nalang nyang kalimutan ang binata. Siguro hindi talaga sila para sa isa't-isa.

Pero hindi pala ganun kadali ang paglimot. Sa tingin ni Celyn parang sa paglipas ng mga araw hindi naman nawala yung pagmamahal nya para kay Ethan. Sobrang naging mahirap sa kanya ang mag-move on. Nangayayat sya patunay ang mga pantalon nya na halos lahat ay luwag na sa kanya. Wala ring araw ang lumipas na hindi laman ng isip nya ang binata.

"Sabi nila kung ilang buwan daw o taon ang itinagal ng isang relasyon, kalahati nun ang itatagal bago ka makalimot" pag-alala pa ni Celyn sa kasabihan.

"Almost 5 months lang naman ang tinagal ng relasyon namin ni Ethan dapat in two months time limot ko na sya, pero bakit ganun almost a year na simula ng maghiwalay kami andito parin sya?" napahawak pa si Celyn sa tapat ng puso nya.

"Hayyy... Celyn, Celyn tama na baka mabaliw ka na!" kausap pa ni Celyn sa sarili nya.

Wala na ngang nagawa si Celyn kundi ang mag-focus nalang sa pag-aaral nya lalo pa at graduating na nga sila.

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon