Para po ito kay Ms. Solly Manalo na humihingi na ng update:) kaya kahit wala po akong maisip na isulat ay sigi nalang...hehehe
------------
Araw ng sabado maaga pa ay nasa apartment na nila Celyn si Liam. Ipinag-paalam na ng binata si Celyn sa Lola nito kahapon pa na magmo-mall sila ng nobya.
Sleeveless at short nalang ang isinuot ni Celyn saka flipflop ang sinuot nyang sapin sa paa. Isang beses n'ya pang tiningnan muna ang sarili sa salamin bago dali-dali ng bumaba ng apartment dahil alam n'yang kanina pa naghihintay ang nobyo sa ibaba.
Nangunot naman bigla ang noo ni Liam pagkakita sa nobya. "Babe, masyado naman atang maiksi 'yang short mo, baka papakin 'yang legs mo ng lamok" sabi ni Liam. "Palit ka nalang...sigi na...hintayin kita" sabi pa nito.
Wala namang nagawa si Celyn kun'di bumalik sa taas upang mag-palit. Maong pants na hapit hanggang tuhod nalang ang isinuot ni Celyn.
"O 'eto okay na?" tanong ni Celyn kay Liam pagka-baba n'ya. "Kukutusan ko na talaga 'tong lalaking 'to pag pinag-palit pa ako ulit nito" sa isip lang ni Celyn.
"Yeah...okay na 'yan" nangingiti namang sabi ni Liam.
Nagpaalam na nga ang dalawa sa Lola ni Celyn.
"Babe, may lamok na pala sa mall ngayon?!" tila pang-aasar ni Celyn sa nobyo. Gusto n'yang matawa dito dahil may pagka-conservative pala ito.
Natawa naman si Liam sa sinabi ng nobya. "Babe, sobra kaseh'ng nakaka-silaw....ayaw ko lang pagpyestahan ng kung kani-kaninong mga mata 'yung legs mo. Okay lang sana kung ako lang ang makaka-kita. sabi pa nito sabay kindat sa nobya.
"Ewan ko sa'yo" natatawa rin namang sabi ni Celyn sa nobyo.
Pagdating nila sa mall agad hinawakan ni Liam ang kamay ng nobya. Hindi na mana tumanggi si Celyn kaya magka-hawak kamay pa silang naglakad papasok sa loob ng mall.
"Babe, gusto mo ba munang manood ng sine?" tanong ni Liam sa nobya.
"Sige, panuorin natin 'yung "A moment in time" ni Coco Martin at Julia Montes maganda raw 'yun". tila excited pang sabi ni Celyn
"Drama?" gusto namang mangiwi ni Liam pagkarinig sa title ng movie na gustong panoorin ni Celyn. "Babe, Paranormal Activity ayaw mo? or The Strangers kaya showing pa 'yun hanggang ngayon andun din si Julia Montes kung 'yun lang ang gusto mo" gusto pang mangiti ni Liam dahil 'di n'ya alam kung pa'no ba mako-convince ang nobya.
"Ayaw ko... 'yung kay Coco at Julia nalang kaseh favorite ko 'yung dalawang 'yun sa Walang Hanggan" may himig pang paki-usap ni Celyn sa nobyo.
"Hayyss...mga babae talaga mahilig sa drama" sa isip lang ni Liam. "Okay!" tila pagsuko nalang ni Liam. Para naman talaga sa nobya kung ba't andito sila sa mall ngayon.
Pumasok na nga ang dalawa ng sinehan. Bitbit ni Liam ang dalwang softdrinks at popcorn na makakain nila habang nanonood.
Nasa kalagitnaang parte na ng movie na pinapanood ng dalawa...
Di mapigilan ni Celyn na maiyak du'n sa scene na iiwan ni Julia si Coco para makapag-aral sa ibang bansa.
"Uyyy..." pukaw ni Liam sa nobyang umiiyak. Gusto n'yang matawa dito dahil sobrang iyakin pala ito pag nakakapanood ng ganu'n. "Ya'n na nga ba ang sinasabi ko...kaya ayaw ko ng mga movie na ganyan" nangingiti pang sabi ni Liam. Walang nagawa ang binata kun'di kabigin para yakapin ang umiiyak paring nobya.
"Babe, labas na tayo" may himig paki-usap pang sabi ni Celyn kay Liam. 'Di n'ya kaseh alam kung anong nararamdaman. Feeling n'ya kaseh mukhang malapit narin mangyari ang ganung eksena sa kanila ng nobyo.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
ФанфикPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?