Chapter 12

865 14 3
                                    

Kinabukasan pagpasok ni Celyn sa CASURECO sa private office ng Kuya Slater nya sya agad dumeretso.

Kumatok muna sya...

"Come in" sabi ng nasa loob.

"Good morning Sir!" sabi ni Celyn ng makapasok...medyo natatawa pa sya sa pagtawag ng "Sir" sa kuya nya. close kaseh sya dito dahil medyo madalas rin naman s'yang dumadalaw sa bahay nito at ng Ate Twinkle n'ya kaya lagi n'yang nakaka-bonding ang bayaw.

"Sir ka d'yan" natatawa rin namang sabi ng Kuya Slater nya kay Celyn. "Good morning!" sabi nalang nito.

"Saan ako ngayon...?" tanong ni Celyn sa brother in law n'ya na ang ibig nyang sabihin kung saan sya ipipwesto nito ng trabaho.

"Sa'n ka ba nilagay ni Liam kahapon?" tanong rin nito kay Celyn.

"Ahm..pinagsulat nya lang ako nung names ng mga payer na nasa manila paper, pinalipat nya sa'kin sa log book" sinabi ni Celyn yun na parang okay lang sa kanya na pinagsulat sya. Ayaw rin naman nyang masabi ng Kuya nya na porke close sya dito ay mamimili na sya ng trabaho.

Okay lang naman talaga kay Celyn yung pagsusulat, ang 'di lang okay sa kanya ay yung pagsulatin sya ng deretsong 4hours na halos 10 minutes lang yung break nya. Nanakit kaya ng sobra yung kamay nya dahil dun.

"Ganun ba? Pasensya ka na sa'yo pa pala pinagawa ni Liam yun, naka-leave kaseh yung assistant nya" sabi ng Kuya nya kay Celyn.

"Okay lang yun Kuya medyo nanakit lang "naman" yung kamay ko kaseh straight na 4hours lang "naman" nya ako pinag-sulat nu'n" biro nya sa bayaw.

"Hahaha" tawa ng Kuya Slater nya dahil idinidiin nya pa talaga yung salitang "naman" pagsasabi nya dito.

Dinala si Celyn ng Kuya Slater nya dun sa Department kung saan ipinwesto yung mga kaibigan n'ya. Para daw kahit papa'no hindi s'ya mailang/mainip dahil andun ang mga kaibigan nya.

Naging encoder din si Celyn tulad ng mga kaibigan nya. Masaya s'yang dun s'ya inilagay ng Kuya Slater nya dahil may katawanan at kausap s'ya paminsan-minsan.

Dun na talaga sila araw-araw napa-pwesto. Minsan nasasalubong ni Celyn si Liam, umiiwas nalang sya ng tingin sa binata dahil nahihiya rin naman sya dito dahil 'di nya natapos yung trabaho na binigay nito sa kanya noon.

Almost a month na sila Celyn sa CASURECO ng isang umaga ay lumapit ang Kuya Slater nya sa kanya.

"Ah..Celyn, kung pwede ka raw hiramin ni Liam. Naka-leave parin kaseh yung assistant n'ya" naka-ngiti na sabi ng Kuya Slater nya.

"Ha? Okay...sigi Kuya" pagpayag nalang ni Celyn. Hindi naman sya pwedeng humindi kaseh practitioner lang naman sya dun at pwedeng sa binata nakasalalay ang grades nya kung ito ang magha-handle sa kanya.

"Naku.. for sure pagsusulatin na naman sya ni Liam ng pagkahaba-habang mga pangalan ng mga payer sa kumpanyang yun" sa isip-isip lang ni Celyn.

Ipinag-paalam narin si Celyn ng Kuya nya sa Department Head nila.

"Celyn, ihanda mo na yang mga kamay mo kaseh siguradong mapapagod na naman yan kasusulat" natatawa pang pahabol ni Kakai sa kanya bago sya umalis para pumunta sa pwesto ni Liam.

Natawa nalang si Celyn sa kantyaw ng kaibigan dahil malamang na ganun nga ang mangyayari.

"Sir.." pukaw ni Celyn sa binata na tila busy pagdating nya sa cubicle nito. Medyo malaki ang cubicle nito, dalawang table ang magkalapit na naroon at siguro sa tingin nya yung isa ay sa sinasabing naka-leave na assistant nito.

"Celyn.." nakangiti naman ito ng tunghayan sya. "Pasensya ka na ha! tumatambak na kaseh yung trabaho ko dahil nag-leave yung assistant ko manganganak kaseh, kaya sabi ko kay Kuya na baka pwede kitang hiramin" mahaba pang tila paliwanag nito.

"Ah...oo naman Sir!" medyo nahihiya namang sagot ni Celyn sa binata. Iniisip nya kaseh na baka sinabi ng Kuya Slater nya dito yung tungkol dun sa biro nya noon na "Okay lang sa kanya dahil straight na four hours lang naman syang pinagsulat nito:)))".

"You can occupy this table" sabi ni Liam na ang tinutukoy ay ang table na katabi nito.

Tila nagulat naman si Celyn, akala nya kaseh sa canteen na naman sya itatapon ng binata.

"O..okay Sir" nasabi nalang ni Celyn.

Natawa naman bigla si Liam. "Pwede 'wag mo na akong tawaging Sir, Liam nalang!" sabi nito kay Celyn. Para ka namang hindi kapatid ng asawa ng Kuya ko. natatawa paring sabi ulit nito.

"Ha...ah...eyh..." tila wala namang masabi si Celyn. 'Di naman kaseh sila talaga nagkapalagayang loob ng binata kahit na kapatid ito ng Kuya Slater nya. Masyado nga kaseh itong pormal sa tingin nya.

"Wala ng ha..ah..eyh.., ha..ah..eyh, okay?!" ulit pa ni Liam sa sinabi ni Celyn na ikinatawa nilang dalawa.

"Mamaya pa nyan magalit sa'kin si Ate Twinkle pag nalaman nun na hinahayaan kitang tawagin mo akong Sir" dugtong pa ng binata.

"Oh sigi na nga.........Sir?!", "Ay........Liam pala:)))" pakwela rin ni Celyn. Natawa nalang sila ulit pareho.

Umupo na nga si Celyn sa katabing mesa ng binata. Pinag-file lang naman sya ng mga papers nito. Mali sya sa akala nyang pagsusulatin na naman sya ng binata ng pagkahaba-haba.

Tumunog ang bell hudyat na snack time na naman nila.

"Ah...Celyn kahit dito ka nalang mag-snack sa table mo or dito mo nalang ayain yung mga friend mo para mag-snack kaseh hassle pa kung pupunta pa kayo ng canteen. sabi ni Liam kay Celyn.

Napa-tingin lang si Celyn...

"Okay lang, kaseh..pag-break time sa office ni Kuya ako nagtatambay kaya Okay lang kayo dito ng mga friends mo" agad pang sabi ulit ni Liam nung makitang tila nag-alangan si Celyn kung papa'nong dun ito magi-snack eh andun sya. "Dito ko nalang padadala kay Manong Guard yung snack nyo" dugtong pa nito.

Simula nung unang araw nila Celyn sa CASURECO libre na talaga ang snack nila dahil tama si Melissa bale yun ang pampalubag-loob ng kumpanya sa mga nagpa-practicum doon kaseh nga nagta-trabaho sila ng walang sweldo. at si Manong Guard ang laging taga-deliver ng snack nila.

Sa table nalang nga ni Celyn silang magkakaibigan nag-snack.

"Sa tingin ko Celyn type ka ni Sir Liam" tukso ni Kakai sa kaibigan.

"Sira! takot lang yun sa Ate Twinkle ko ano?!" natatawa namang sagot ni Celyn sa kaibigang si Kakai.

"Mukha nga Celyn kaseh minsan napapansin ko may panakaw na tingin yun sa'yo minsan" sabi naman ni Melissa.

"Hoy tigilan nyo nga ako! Impossible yang sinasabi nyo ano?!", "Mag-asawa kaya ang Kuya nya at Ate ko" saway nya kay Melissa at Kakai.

"Hello..may nangyayari na kayang ganun, magkapatid sa magkapatid" supla naman ni Melissa kay Celyn.

"Oh..sigi..kung ayaw mo akin nalang" patawa na namang sabi ni Kakai.

Natawa rin naman nga sila sa sinabi ng kaibigan.

"Oh sigi...tapos na ang break time bumalik na kayo sa trabaho nyo" taboy nalang ni Celyn sa dalawa at niligpit ang kalat nila ng tumunog na ulit ang bell.

Gustong matawa ni Celyn mag-isa dahil sa naging usapan nilang magkakaibigan. Pero napa-isip rin sya...possible nga kayang type sya ni Liam? Kaseh sya...di nya maitatanggi sa sariling humanga sya sa binata nung una palang nya itong makita nung araw ng kasal ng Kuya Slater at Ate Twinkle nya. Pilit lang nyang binalewala yung naramdaman nya sa binata noon kaseh impossible nga para sa kanya kaseh mag-asawa ang mga kapatid nila.

"Ano ba itong iniisip ko?" saway ni Celyn sa sarili. "Hindi pa nga natatagalan yung break up nila ni Ethan at di pa nya lubos na nakakalimutan ang dating nobyo mag-kakaroon na naman sya ng bagong isipin"

Natigil lang yung pagmumuni-muni ni Celyn nung mapansin nyang parating na ang binata. Itinuloy nalang nya yung trabahong binigay nito sa kanya.

--------

Please vote and comment po.....:)))

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon