chapter 4

998 13 0
                                    

Bago po ang lahat gusto ko po munang mag- thank you...

Kay Ms. iamangeltorrano...thank you sa pag-add ng story ko!

Kay Ms. EdshaDulay... thank you rin sa pag-add at pag-vote!

Kay Ms. SollyManalo ....thank you for d' kind words..& sa pag-encourage na ituloy ko ang ginagawa kong ito! Korek po... Kim as Celyn and Xian as Liam :) pasensya na po nangangapa pa talaga si Ms. author :)))

and most of all kay Miss HannahCuencaDeeDante....na bawat chapter ay talagang inila-like! Thank you, thank you, thank you:)

----------------

Habang tumatagal parang mas guma-grabe yung pagka-crush ni Celyn kay Ethan.

"Ganun siguro pag kinikim-kim o itinatago lang ang nararamdaman" sa isip ni Celyn.

Kung tutuosin dapat hindi naman yumabong ng ganun yung feelings nya para kay Ethan kaseh wala namang ginagawang move ito para maging dahilan na mahulog sya ng ganun dito, di naman sya nito nililigawan. Nagkakasya nalang nga sya sa patagong sulyap nya sa lalaki.

Maaga natapos ang klase nila Celyn nung araw na yun at dahil wednesday dumaan muna sya sa simbahan dahil nakagawian na nyang mag-novena sa "Ina ng laging Saklolo" tuwing araw ng myerkules.

Naalala nya pa yung sabi ng ate nya na naging asawa nito yung dating crush lang nito noon dahil ipinag-pray nya kay Mama Mary. Alam ni Celyn kung ipagpi-pray nya ngayon na sana ganun rin yung mangyari sa kanila ni Ethan alam nyang impossible'ng mangyari yun dahil sino ba naman sya compared sa magagandang babae na may gusto rin dito sa campus nila.

Ngunit nasumpungan nalang ni Celyn ang sarili na yun ang dinadasal nya...

"Mama Mary alam ko po impossible pero hinihiling ko po sa'yo na sana mapansin nya rin ako..please, please, please" nagsusumamo pang piping dasal ni Celyn. " Sana lang madala ko sa pilit si Mama Mary" Nangingiti pa sya sa isiping yun. Feeling naman nya close na silang dalawa kaseh simula noon kay Mama Mary sya talaga nagko-confide sa mga bagay na di nya masabi sa iba. Lahat rin halos ng prayers nya nagkakarun ng katuparan. feeling nya tuloy malakas sya kay Bro (Jesus Christ) dahil si Mama Mary ang ginagawa nyang tulay para makarating dito ang kanyang mga kahilingan." Thanks Bro and Mama Mary in advanced!"

Nangiti pa sya sa huling sinabi bago sya lumabas ng simbahan( Umaasa ata talaga sya kahit impossible na mangyayari yun dahil di pa man nangyayari ay nagpapasalamat na sya :))

Tuloy ang buhay...ganun parin. Nagkakasya nalang si Celyn sa kanyang mga patagong tingin sa lalaki pag nasasalubong nya ito o minsan ay nakakasabay tumambay sa apartment nila Kakai. Hindi nya alam kung kilala ba sya nito kaseh di naman sila nai-introduce sa isa't-isa. Madalas kaseh sa kwarto ni Dondon nagki-kwentuhan ang dalawa, at sila naman ay sa kwarto ni Kakai tumatambay. Kilala siguro sya nito bilang kaibigan ni kakai bukod doon wala na. Baka nga ultimo pangalan nya di nito alam.

"Teka...bakit ba importante sa kanya yung isiping kilala sya ni Ethan? " sa isip ni Celyn.

"Malamang..syempre kung di ito mag aksaya ng panahong alamin ang pangalan nya ibig sabihin di nito napapansin ang beauty nya" Nalungkot naman si Celyn sa isiping yun.

Di na nakadaan si Celyn ng simbahan dahil naging busy sila sa school mag-hapon. Halos gabi na sya dumating sa apartment na inuupahan. Araw na naman ng myerkules at pag di sya sa simbahan nakakapag-novena sa bahay nya ito ginagawa bago matulog. Bago mag sign of the cross ni Celyn tanda ng tapos na sya mag-novena umusal pa sya ng panalangin para sa paulit-ulit na nyang dinarasal dito. Almost 4 months narin nya yung paulit-ulit na inhihingi nya dito ng awa...yun ay ang mapansin rin sya ng lalaking hinahangaan. At bago sya matulog tulad ng dati laman na naman ng isip nya ang gwapong mukhang iyon...

"hayysss... hanggang tingin nalang ba talaga ako sa'yo Mr. Ethan Castillo?" nalulungkot pang naisip ni Celyn bago sya lubusang makatulog.

Nasa apartment ni Kakai si Celyn at Melissa noon kasalukuyan silang nagchi-chikahan.

"Celyn may nagkaka-crush daw sa'yo" sabi ni Kakai.

"Sino naman? " sagot ni Celyn na tatawa-tawa. Gino-good time na naman sya ng kaibigan. sa isip lang ni Celyn.

"Totoo...sabi ng kapatid ko...." sagot pa ni Kakai sa kaibigan na sa tingin nya ay inaakalang nagbibiro lang sya.

"Sino? Sino?" paulit-ulit namang tanong ni Melissa na tila mas excited pa kay Celyn na malaman kung sino ang lalaking sinasabi ni Kakai na may crush kay Celyn.

Kinabahan naman bigla si Celyn pagkasabi ni Kakai na ang kapatid nitong si Dondon mismo ang may sabi...

"Si Ethan Castillo kaya? kaseh kaibigan ni Dondon si Ethan. sa isip ni Celyn.

yan lang po muna ulit :)

Malalaman po natin sa next chapter kung dininig na ba ang matagal ng

dinarasal ni Celyn :)

Please vote and comment po para malaman ko kung nagustuhan nyo ba

ang chapter na ito.

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon