Ringtone ng cellphone ni Celyn ang gumising sa kanya ng umagang 'yun.
"Hello" ang tila namamalat pang boses ng kagigising na dalaga.
"Celyn, Goodmorning! si Liam 'to!" sabi ng nasa kabilang linya. "Sorry kung nagising kita! Maaga kaseh ang flight namin ni mommy eh" sabi pa ng binata na kasalukuyang nasa NAIA Terminal 1 na nu'ng time na 'yun papuntang Thailand.
"Ah..ganu'n ba?" sabi ni Celyn. "Ingat nalang kayo ng mommy mo! Happy trip narin!"dagling sabi pa ulit ni Celyn.
"Mami-miss kita!" malambing namang sabi ng binata na nasa kabilang linya.
"Liam ilang araw lang naman kayo du'n, 'di naman kayo du'n aabot ng isang buwan o isang taon" tila gusto namang matawa ni Celyn dahil sa sinabi ni Liam pero ramdam n'yang tila malungkot talaga ang boses ng binata.
":-) Sigi na tulog ka ulit! Tumawag lang ako para magpaalam... ingat ka lagi ha! I love you!" malambing paring sabi ni Liam.
"Sigi...ingat din!" sabi naman ni Celyn. Parang gusto n'ya ring malungkot ng matapos 'yung pag-uusap nila ni Liam at 'di man n'ya naamin dito alam n'yang mami-miss n'ya rin ang binata. Mami-miss n'ya 'yung paghahatid-sundo nito sa kanya everyday, 'yung walang patlang na pagbibigay nito ng flowers tuwing-umaga, 'yung pagiging malambing nito, 'yung gwapong mukha nito na pagmakita s'ya agad ngumingiti. "Hayysss..ano ba layo na ng natakbo ng isip ko" iiling-iling pero gusto mangiti ni Celyn sa tinakbo ng isip nya.
'Di narin nakatulog si Celyn kaya bumangon narin s'ya naisip n'yang ilang oras nalang rin naman at papasok na ulit s'ya sa opisina ng Casureco.
Pagbaba ni Celyn ng tricycle sa tapat ng Casureco nakita n'yang papasok palang rin ang Kuya Slater n'ya.
"Oh, Celyn 'morning!" bati agad nito ng mapansin s'yang papasok pa lang rin. "Hiningi sa'kin ni Liam kanina 'yung number mo, nagka-usap ba kayo?" sabi pa ng Kuya Slater n'ya.
"Goodmorning rin Kuya" naka-ngiting bati rin ni Celyn "Oo tumawag s'ya kanina.." maikling sagot ni Celyn. 'di na s'ya nagtaka kanina kung kanino nakuha ni Liam ang number n'ya dahil dalwang tao lang naman ang pwedeng magbigay dito nu'n kung hindi ang Ate twinkle n'ya ay ang Kuya Slater n'ya nga.
"Nakiki-usap si Liam sa'kin kanina na kung p'wede ako daw muna ang maghatid-sundo sa'yo, sabi ko hindi p'wede kaseh malayo pa pinang-gagalingan ko saka sabi ko hindi ka na bata para ihatid sundo pa, kaya mo na ang sarili mo" ang natatawa pang kwento ng Kuya Slater n'ya kay Celyn. "Tawa nga ng tawa ang Ate Twinkle mo nung ikwento ko..." dugtong pa ng Kuya n'ya.
Natawa rin naman si Celyn sa sinabi ng brother in law n'ya.
Pagdating ni Celyn sa cubicle nila ni Liam nagulat s'yang may flowers, cute at huggable na bunny bear ang nasa ibabaw ng table n'ya. "Totoo bang umalis 'yun? Sinong naglagay nito dito kung talagang wala s'ya dito?" sa isip ni Celyn.
I AM BLESSY BUNNY! I NEED YOUR HUG! - nangingiting basa ni Celyn sa Card na nakakabit sa kamay ng cute na bear 'di n'ya tuloy naiwasang yakapin nga ito :)) sunod n'yang kinuha ay ang flowers at binasa ang card na kalakip nu'n.........."Celyn, I will miss you!!! <3 Liam" nangiti na naman si Celyn sa message ni Liam. "Hayyss.. ilang beses pa ba s'yang pangingitiin ni Liam sa araw na 'yun?" naiiling ngunit naka-ngiti paring naisip ni Celyn.
Natapos ang magtanghaling trabaho ni Celyn sa Casureco. Sumilip lang s'ya sa office ng Kuya Slater n'ya para magpaalam.
"Kuya una na ako" paalam ni Celyn.
"Sabay ka na muna sa'kin mag-lunch sa canteen" sabi ng kuya Slater n'ya.
"'di na Kuya sa school nalang kaseh kasama ko rin mga friends ko" sabi naman ni Celyn.
"Ah... okay, sigi...ingat nalang kayo!" sang-ayon nalang ng Kuya ni Celyn.
Dumeretso na nga sila Celyn sa school para naman sa pang-hapon nilang klase. Hinabilin muna n'ya 'yung flowers at bear na bigay ni Liam sa apartment nila Kakai. Nasanay narin ang mga kaibigan n'ya na araw-araw s'yang may natatanggap na bulaklak mula sa binata.
Ilang oras lang naman ang lumipas at tapos na ang pang-hapong klase nila Celyn.
"Ayy...na-miss ko si fafa Liam...walang maghahatid sa'tin pauwi" pakwelang sabi ni Melissa ng makalabas na sila ng gate ng school nila.
Natawa naman si Kakai at Celyn.
"Ay naku Mel for sure 'di lang ikaw ang nakaka-miss d'yan kay Sir pogi...may isa d'yang tatahi-tahimik pero..." bitin na sabi ni Kakai saka mapanuksong tumingin kay Celyn.
"pero ano? ha!" ang natatawa namang sabi ni Celyn kay Kakai "Ikaw talaga wala ka ng naisip alaskahin kun'di ako!" sabi pa ni Celyn sa kaibigan.
Pagkatapos kunin nila Celyn at Melissa sa apartment ni Kakai 'yung iniwan nilang bigay ni Liam ay umuwi narin sila.
Gabi na at patulog na sana si Celyn ng mag-ring ang cellphone n'ya.
"Hello?!" sabi ni Celyn.
"Hello Miss beautiful! 'musta?, kumusta ang mag-hapon mo?" sabi ni Liam sa kabilang linya.
"Okay naman...thank you nga pala du'n sa flowers at kay blessy bunny :)" sabi ni Celyn. "Sino pala pinagdala mo noon kanina du'n sa office" curious pang tanong ni Celyn. 'di naman p'wedeng ang Kuya Slater n'ya kaseh nakasabay n'ya ito papasok ng Casureco. sa isip ni Celyn.
"Ako ang nagdala nu'n sa office yesterday afternoon bago kami umalis ni mommy d'yan" sabi ni liam.
"Ah..." sabi nalang ni Celyn. Kaya pala 'di na ganu'n ka-fresh yung flowers kaninang umaga naisip n'ya:))
Nagkwento si Celyn kung anong ginawa n'ya sa buong maghapon. Si Liam din sa mga napasyalan nila ng mommy n'ya sa thailand nung araw na 'yun pero ayon dito 'di s'ya masyado nagi-enjoy kaseh mas gusto pa daw nitong nasa pinas ang binata kasama si Celyn.
"Huhuhu miss na miss na kita!" pakwela pang sabi ni Liam.
"Hahaha ang arte mo!" natatawa namang mahinhin na sagot ni Celyn kay Liam.
"Seryoso...miss na talaga kita!" sabi naman ng binata na nag-seryoso na nga ang boses sa kabilang linya. "Eh ako ba 'di mo na-miss?" tanong nito.
"Ewan ko sa'yo!" nasabi nalang ni Celyn pero tila gusto n'yang kiligin:))). "Sigi na... maaga pa ang pasok ko bukas" taboy nalang n'ya sa binata.
"Andaya naman... sigi na nga... I love you!" sabi ni Liam. "Take care..." pahabol pa nito.
"Bye!" sabi naman ni Celyn at pinindot na ang end button ng cellphone n'ya.
Hmnnnnn.........:))))
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?
