Hindi makapaniwala si Celyn sa kasasabi lang ng kaibigang si Kakai kung sino ang lalaking tinutukoy ng kapatid nitong si Dondon.
"Si Ethan Castillo? Tatalon na ba ako? :)" sigaw ng utak ni Celyn, yun kaseh ang unang gusto nyang gawin ng ma-confirmed na si Ethan nga ang sinasabi ni Kakai...gusto nyang tumalon sa sobrang kaligayahan.
"Swerte mo girl, alam mo bang crush ko yun si Ethan" sabi ni Kakai na ikinabigla ni Celyn.
"Ako rin..." sunod namang pag-amin ni Melissa na mas ikinagulat nya.
Hala, at pati pala ang dalwang kaibigan nya ay may itinago ring pag-hanga sa lalaki. Hindi na nya naitago sa mga ito na sya man ay may crush din kay Ethan.
"Ako ri eh..." pag-amin nya sa dalawa. Nagkatawanan nalang silang magkakaibigan ng malamang iisa pala ang lalaking kanilang pinagpapantasyahan.
Walang pagsidlan ng tuwa si Celyn nung araw na yun dahil sa natuklasan.
"Thank you Lord, thank you Mama Mary!!!" piping pasasalamat nya. Mas lalo nyang na-proved na mabisa talaga ang dasal, na talagang walang impossible sa Diyos. Nangingiti nalang sya ng maalalang inamin man nya sa mga kaibigang crush nya rin si Ethan pero di nya sinabi sa mga ito na pinag-pray nya talaga na sana mapansin din sya ng lalaki. Masyado ng nakakahiya pag pati yun ay ipapaalam nya pa sa mga kaibigan.
Akala nya dun na magsisimula ang lahat pero hindi pala sapat na malaman nyang crush rin sya ng lalaki dahil hindi naman ito gumagawa ng move para magkakilala man lang sila.
Pag nasasalubong nya ito wala lang, parang hindi ata totoo yung sabi ng kaibigan nyang si Kakai na crush sya ng lalaki.
Nasundan pa ang isiping hindi totoong may gusto sa kanya ang lalaki ng minsang pag-punta nila sa apartment nila Kakai ay makikita nya sa sala ng apartment ng kaibigan na may naka-unan sa hita nito na isang babae habang kakwentuhan nito si Dondon. Kilala nya sa mukha ang babae dahil nakikita rin nya ito sa campus at kung di sya nagkakamali classmate ito ni Ethan. Maganda ang babae. at sa tingin nya nga walang panama ang beauty nya dito. Nalungkot sya sa isiping yun. Parang lahat ng pag-asa na meron sya sa puso nya ay biglang naglaho lahat ng yun dahil sa nakita nya.
"huhuhu bakit ganun?" ang pa-comedy pang sabi ni Kakai pagpasok nila sa kwarto nito.
Nagkatawanan silang tatlo sa ginawang kakengkoyan ng kaibigan. Idinaan nalang din ni Celyn sa tawa ang frustration na nararamdaman. Hayyss...buhay...kala pa naman nya at nalaman nyang crush sya ng binata ay magtutuloy-tuloy na di pa naman pala.
Wala na sa sala ng apartment nila Kakai si Ethan at ang babaeng naka-unan sa hita nito kanina ng lumabas sila ng kwarto. Si Dondon nalang ang andun at tila gumagawa na ito ng assignment nya. Pangiti-ngiti ito pagkakita sa kanya. Close narin si Dondon sa kanila ni Melissa kaseh madalas ngang ang apartment ng mga ito ang tambayan nila.
"Celyn...Celyn..." naka-ngiti paring banggit ni Dondon sa pangalan nya.
"Ano?" natatawa namang tanong ni Celyn kay Dondon.
"wala" agad namang sabi nito sa kanya.
Di narin sila nag tagal ni Melissa at umuwi narin sila.
yan po muna ulit :)
Please vote and comment po....:)
Kay Ms. beinty_uno.... thank you for adding this story to your reading list!
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
Hayran KurguPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?
