Chapter 18

917 15 4
                                    

Hindi alam ni Celyn kung anong mararamdaman n'ya nu'ng araw na 'yun....last day na kaseh ng practicum nila sa Casureco.

Pagbaba ni Celyn ng apartment upang pumasok na ng casureco ng umagang 'yun nakita n'yang naghihintay na si Liam sa kanya...kasalukuyang nag-uusap ang nobyo n'ya at ang Lola n'ya.

"La, pasok na po ako!" paalam ni Celyn sabay dinikit pa ang pisngi n'ya sa pisngi ng matanda.

"O, sigi...mag-iingat kayo!" sagot naman ng lola ni Celyn.

"'La, tuloy na po kami.." paalam naman ni Liam.

Tumango naman ang Lola ni Celyn. "Liam, 'yung sinabi ko sa'yo ha!" pagkuwa'y sabi nito na tila may bilin sa binatang nobyo ng apo n'ya.

"Don't worry 'la..." nangingiti pang sagot naman ni Liam sabay akbay pa sa Lola ni Celyn.

Nangunot nalang naman ang noo ni Celyn dahil sa takbo ng usapan ng Lola n'ya at ni Liam. "Anong meron?" curious pang tanong n'ya sa nobyo.

Natatawa naman si Liam sa reaction ng mukha ng nobya "Wala..." sabi nito kay Celyn na nangingiti pa.

Pinagbuksan ni Liam ng pinto ng kotse n'ya ang nobya at hinawakan pa sa ulo si Celyn habang papasok ng sasakyan ang dalaga upang siguro protektahan ang ulo ng nobya para 'di ito mauntog:)))

Pagpasok ni Celyn ng sasakyan..as usual may flowers na namang nakapatong sa uupuan n'ya kaya kinuha n'ya ito bago s'ya naupo saka ipinatong n'ya sa lap n'ya ang mga bulaklak.

Napapansin ni Celyn na mas naging sweet ang nobyo nung sagutin n'ya ito. Mas maalaga rin ito ngayon.

"Sinabi ko kay Lola 'yung tungkol sa'ting dalawa kaso alam na pala n'ya" sabi ni Liam ng makapasok narin ng sasakyan.

"Oo kaseh sinabi ko sa kanyang tayo na" sabi naman ni Celyn. "Anong sabi n'ya sa'yo kanina?" tanong ni Celyn sa nobyo.

"Sabi ni Lola boto raw s'ya sa'kin kaseh pogi daw ako" kunyare ay seryosong sabi ni Liam sa nobya.

"Naman eh..." sabi ni Celyn sa nobyo na alam n'yang nagbibiro na naman.

"Hahaha" tawa ni Liam na 'di narin mapigilang matawa sa sarili n'yang joke. "Hindi....sabi n'ya wala na daw s'yang magagawa kaseh tayo na nga 'yung nag-decide na maging tayo na kahit 'di ka pa tapos sa pag-aaral kaya sabi nalang ni Lola na....alagaan daw kita at 'wag na 'wag daw kitang sasaktan" seryoso na ngang pagki-kwento ni Liam.

Na-touch naman si Celyn sa nalaman n'yang sinabi ng Lola n'ya. Mahal na mahal talaga s'ya ng matanda. "Ano pang sabi ni Lola?" tanong n'ya ulit sa nobyo.

"Sabi n'ya pa 'wag na 'wag daw nating gagawin 'yung isang bagay na alam mo na ...:)))kung hindi pa tayo handa sa magiging resulta nito" kwento pa ni Liam sa nobya. "Sabi ko naman sa kanya na.....mukhang 'yun ang 'di ko maipapangako kaseh sa ganda mo ay baka 'di ako makapag-pigil..." pigil ang tawa na sabi ni Liam sa nobya.

"Ah....ganu'n?!" namumula namang sabi ni Celyn at pinagkukurot sa tagiliran ang nobyo. "Ikaw talaga..." sabi pa ni Celyn.

Hindi namana napigilan ni Liam na muling matawa sa nakitang pamumula ng nobya dahil sa sinabi n'ya. "Joke lang 'yun ano ka ba!" ngising-ngisi paring sabi ni Liam habang hawak ang kamay ni Celyn para pigilan ito sa pangungurot sa kanya.

Nailing nalang ang namumula paring si Celyn.

Hindi naman napigilan ni Liam na pisilin ang namumulang pisngi ng dalaga "Hmmnnn....cute mo!" sabi pa ni Liam sa nobya.

"Aray! tama na ha...mag-drive ka nalang!" kunyareng pagsusungit ni Celyn pero bumungisngis rin naman s'ya agad sa nobyo.

Pagdating nila Celyn sa Casureco deretso na s'ya sa trabaho. Si Liam naman ay pinatawag ng Kuya Slater n'ya sa office nito. Tila gusto na namang malungkot ni Celyn dahil naisip n'yang mami-miss n'ya ang pagpasok sa opisinang 'yun. Three months din silang nagtrabaho sa Casureco at naka-close narin n'ya 'yung iba pang regular ng nagtatrabaho doon.

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon