chapter 3

1.1K 14 2
                                    

Almost two weeks na simula ng magpasukan sila Celyn ng mag-decide ang Dean ng Computer Science Department na pagbotohan narin ang magiging General P.T.A. Officers kaya lahat ng first year hanggang fourth year college students ng department nila ay kasalukuyang nasa isa sa pinaka-malaking room sa school nila.

Nagsimula ang botohan at nanggaling sa fourth year ang naging President nila.

"Open na ang nomination for Vice President... " wika ng elected president nila.

Isang first year college student ang agad tumayo at ini-nominate ang isa sa kaklase nito. " I nominate for Vice President Mr. Ethan Castillo " ang agad nitong sabi.

Tumayo ang lalaking iminungkahi upang ipakilala ang sarili sa mga estudyanteng nasa loob ng room na yun. Kinailangan pa ni Celyn lumingon dahil nasa may bandang likuran nya ang lalaki. Lumingon lang pala sya para lang mapa-nganga sa makikita.

" OMG..." kasabay ng mabilis na pintig ng puso nya ay ang tili sa likod ng utak nya..."ANG GWAPO!!!" buti nalang dahil siguro sa karamihan nilang estudyante na nasa loob ng room na yun ay walang nakapansin na halos malag-lag ang panga nya pagkakita sa gwapong mukha ng lalaki. Kahit ang kaibigang si Kakai at Melissa na katabi lang nya sa upuan ay tila wala namang napansin na kakaiba sa kanya.

Natapos na ang botohan ay di parin maalis sa isip ni Celyn ang gwapong mukhang iyon ng lalaki. Gusto sana nyang lingunin ulit ito pero nag-alala syang baka may makapansin sa kanya o baka ito mismo ang maka-kita na tinitingnan nya ito, nakakahiya.

"whew...na love at first sight yata ako dun ah!" sa isip lang ni Celyn.

Di rin naman na-elect bilang Vice President ang lalaki dahil siguro di pa naman sya masyadong kilala ng ibang estudyante doon dahil nga first year palang sya, kumbaga bagong mukha.

Lumipas ang mga araw...minsan nasasalubong nilang magkaka-ibigan sa campus si Ethan Castillo. Palihim nalang sinusulyapan ni Celyn ang lalaki. Nanatili kaseh'ng lihim yung paghanga nyang nararamdaman para dito. Kahit sa kaibigan na si Kakai at Melissa ay di nya sinabing crush nya si Ethan Castillo. Uulanin lang kaseh sya ng tukso pag nalaman ng mga kaibigan ang tungkol doon.

Wala ang professor nila Celyn sa huling subject nila nung araw na yun. "tara...tambay muna kayo sa apartment" aya ni Kakai ke Celyn at Melissa.

" Sigi..." halos sabay pang tugon ng dalawa.

Kela Kakai ang madalas nilang tambayan dahil pag-labas ng gate ng school nila tatawid lang sila ng kalsada at apartment na ito ng kaibigan.

Pagdating nila sa apartment nadatnan nila ang nakababatang kapatid ni Kakai na si Dondon. Hindi ito nag-iisa kaseh may kakwentuhan itong isa ring lalaki na naging dahilan kung bakit biglang bumilis na naman ang pintig ng puso ni Celyn.

"OMG...si Mr.Pogi" sa isip lang ni Celyn. Patay malisya sya ng pumasok ng apartment kahit na nga parang may naghahabulang maliliit na daga sa dibidib nya. Nilampasan lang nila ang dalawang lalaki sa maliit na sala ng apartment nila Kakai at deretso sila sa kwarto ng kaibigan.

Di pa man nagtatagal sila Celyn sa apartment ay umalis narin sila Dondon at Ethan dahil may isang subject pa raw ang mga ito na kailangang pasukan.

Napag-alaman nyang barkada pala ito ni Dondon(kapatid ni kakai). Di daw alam ni kakai kung pano naging magbarkada ang dalawa dahil magka-iba ang mga ito ng course na kinukuha. Si Dondon ay Physical Therapy at si Ethan naman ay tulad nilang Com. Sci. parehong first year college palang ang dalawa sa pinapasukan nilang University.

Naiisip ni Celyn habang pauwi na sya nung araw na yun na mabuti nalang pala at di talaga nya nai-kwento lalo na kay Kakai ang pagkakaroon nya ng crush kay Ethan dahil kung nasabi nya dito ang tungkol dun sigurado nyang sa kadaldalan ng kaibigan malalaman at malalaman ni ethan yun.

"Thank you Lord... " piping pasasalamat nalang ni Celyn.

yang lang po muna ulit :)

Kay Ms. SollyManalo... thank you po sa pag-follow!

eto na po yung mga hinihingi nyong character... pasensya na po kung iba

ang paraan ng pagpapa-kilala ko sa kanila. It's my first time po kaseh na gumawa ng story

dito sa wattpad :)

Celyn Marasigan - ang bida sa story'ng ito :)

Kakai and Melissa - friends ni Celyn

Ethan Castillo - ang first love ng ating bida?! :)

Dondon - ethan's friend

and

Liam Lagdameo - sa kanya masasabi ni Celyn na... "Ikaw ang True Love ko" :)

Kay Ms. math_mba2005 and Ms. JeanTheaGablinez.... thanks po for voting!!!

Thanks po sa inyong lahat for reading!!!

Please vote and comment naman po para malaman ko

kung nagustuhan nyo ang story.

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon