chapter 9

835 8 0
                                    

Naging maayos naman ang relasyon ni Celyn at Ethan. Almost everyday silang magkasama. Sunday lang talaga sila hindi nagkikita dahil kahit pareho silang walang pasok ng sabado pumapasyal parin si Ethan sa nobya sa apartment na tinutuluyan nito, tila hindi pa ata sapat sa binata yung mula lunes hanggang byernes na nagkakasama sila.

"May donut dyan, dala ni Ethan" sabi ng lola ni Celyn.

Isang box nga ng mister donut ang nakita ni Celyn. Kadarating nya lang galing sa birthday ng isang friend nya nung highschool kaya hindi sila nagkita ni Ethan. Araw din yun ng linggo kaya di nya inaasahang pupunta ang binata sa apartment nyang tinutuluyan.

"Nobyo mo na ba 'yun?" narinig ni Celyn na tanong ng lola nya. Hindi sya sumagot dahil baka pag-sinabi nyang nobyo na nya ang binata ay magalit ito sa kanya. Ang totoo first monthsary nila ngayon kaya nga siguro kahit sunday ay pumunta ang binata sa kanila at nagdala pa nga ito ng donut na ngayon ay nasa harap nya.

Okay lang sa lola nya ang tumanggap sya ng manliligaw pero kabilin-bilinan nito sa kanya na kung pwede ay wag muna syang magbo-boyfriend dahil hindi pa daw sya nakakatapos ng pag-aaral.

Tila nahimigan naman ng lola nya na nobyo na nga ni Celyn ang binata dahil sa hindi nya pagtugon dito.

"Okay...kung nobyo mo na sya, wag ka nalang sasama kung saan-saan. Kung gusto nyo mag-usap, dito kayo sa bahay" sabi nalang ng lola ni Celyn.

Alam ni Celyn na labag sa kalooban ng lola nya ang pagkakaroon nya ng boyfriend. Sobra lang siguro syang mahal nito kaya pilit sya nitong inuunawa. Parang gusto nya tuloy ma-guilty dahil binaliwala nya ang paulit-ulit na pangaral ng lola nya na wag muna sya magbo-boyfriend hanggat di pa sya tapos ng pag-aaral.

Nagpatuloy ang relasyon ni Celyn at Ethan. Mas napamahal kay Celyn ang binata dahil sa nakikita nyang tila sobra din syang mahal nito. Na kahit siguro naiinis na ito minsan sa pagka-oa ng pagiging mahiyain nya, pinagpapasensyahan nalang sya nito. Minsan naiinis narin sya sa sarili kung bakit pag kasama nya ang binata tila ba umaatras ata ang dila nya, natatameme sya. Hindi na sya magtataka kung isang araw iwan sya ng nobyo dahil sa ugali nya.

4th monthsary nila kaya inaya ni Ethan si Celyn na kumain sa labas. Inaya narin nila si Melissa, Kakai at Dondon dahil alam ni Ethan na mas magiging kumportable ang nobya kung kasama nila ang mga kaibigan nito. Sa tingin kaseh nya hanggang ngayon hindi parin ganun ka-kumporable ang nobya pag sila lang dalawa ang magkasama.

Medyo palubog na ang araw ng maihatid ni Ethan si Celyn dahil nga kumain pa sila sa labas.

Di narin naman nagtagal ang binata pagkahatid sa nobya ay umuwi narin sya agad.

"Na-late ka ata ngayon ng uwi" ang lola ni Celyn.

"Kumain lang po kami sandali sa labas" paliwanag ni Celyn.

"Di ba sinabi ko na sa'yo na wag kang sasama sa kanya kung saan-saan?!" mahinahon at tila nagpipigil na galit ng lola ni Celyn. "Hindi mo na ako sinusunod ngayon" sabi pa nito na tila may himig na pagtatampo sa apo.

Hindi sumagot si Celyn dahil hindi nya ugaling mangangatwiran sya pag pinagsasabihan ng lola nya. Isa pa alam nyang maka-luma ang lola nya dahil matandang sinauna pa ito at alam nyang kahit anong paliwanag pa ang gawin nya hindi rin nito pakikinggan.

Ramdam ni Celyn ang sama ng loob ng lola nya sa kanya. Ngayon lang nangyari sa kanila ang ganito...yung magkasamaan sila ng loob. Masakit sa kanya na makitang nasaktan nya ang damdamin ng lola nya. Mahal na mahal nya ito. Ang lola nya ang nag-aruga sa kanya simula nung baby pa sya. Pinakita at pinadama rin nito kung gaano sya nito kamahal kaya hanggat maaari ayaw nya rin itong bigyan ng sama ng loob.

Ikaw ang True Love ko(kimxi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon