Natataranta na si Celyn sa pagluluto ng ulam nila para sa gabihan. Ilang minuto nalang kaseh at darating na si Liam galing ng opisina. Kinakabahan s'ya dahil hindi n'ya alam kung magugustuhan ba ng asawa n'ya ang luto n'ya. Kinopya n'ya lang kaseh ang paraan ng pagluluto ng paboritong ulam ng asawa sa isang cookbook. Nagpaalam kanina lang ang kasamahin nila sa bahay kaya walang nagawa si Celyn kundi magluto ng kakainin nila para sa hapunan dahil walang ibang magluluto para sa kanilang dalawa kundi s'ya.
Pagkatapos maluto ng nilutong ulam ni Celyn inumpisahan naman n'yang hugasan ang mga ginamit n'ya subalit sa kamamadali siguro di sinasadyang masugatan ang kamay ng kutsilyong hinuhugasan. Sakto namang tumunog ang doorbell kaya tinakpan nalang n'ya ng malinis na basahan ang dumudugo nang kamay at dali-dali ng lumakad upang pagbuksan ang asawa ng pintuan.
Nakangiting mukha ni Liam ang agad na tumambad kay Celyn pagbukas n'ya ng pintuan. Agad na humalik sa mga labi ni Celyn ang asawa pero biglang nangunot ang noo nito pagkakita sa kamay ni Celyn.
"Anong nangyari sa kamay mo?" nag-aalala ng tanong ni Liam sabay hawak sa nasugatang kamay ni Celyn.
"Hinuhugasan ko kaseh 'yung mga ginamit ko sa pagluluto ng aksidenteng masugatan ng kutsilyo 'tong kamay ko" paliwanag naman ni Celyn sa asawa.
"Ikaw ang nagluto? Saka bakit ikaw ang naghuhugas? 'asan ba si Manang?" sunod-sunod namang tanong ni Liam.
"Nagpaalam kaseh si Manang kanina na uuwi muna sa kanila dahil may sakit daw ang asawa n'ya baka bukas na daw s'ya makabalik" tugon naman ni Celyn.
Agad namang kumuha ng maipang-gagamot sa sugat ng asawa si Liam. Pagkalagay ng gamot ay binendahan nito ang nasugatang kamay ni Celyn. "Hindi ka kaseh nag-iingat!" sermon pa nito sa asawa.
"Ano ka ba, malayo sa bituka ito! Makapag-sermon naman ito wagas!" natatawa namang sabi ni Celyn kay Liam. "Magpalit ka na muna ng damit mo at maliligo muna ako sandali dahil kasing-amoy na ako ng ulam na niluto ko" sabi pa ni Celyn.
Nakahain na si Liam nang matapos makaligo si Celyn. "Let's eat!" aya na ni Liam sa asawa.
Dumulog naman agad si Celyn sa hapag-kainan. Agad ring ipinaglagay ni Liam ng kanin at ulam sa plato ang asawa kapagkuway tumabi narin ito kay Celyn para makakain narin.
Pinakiramdaman naman ni Celyn kung ano bang sasabihin ni Liam patungkol sa lasa ng niluto n'ya.
"Sarap ah!" nakangiti pa sa asawa na sabi ni Liam. "At dahil masarap ang niluto mo may premyo kang kiss" at hingkan nga nito sa labi ang asawa.
"Asus...eh gusto mo lang pala maka-kiss ay kailangan pa talaga bolahin muna ako?!" bungisngis namang sabi ni Celyn.
Magana ngang pinagsaluhan ng dalawa ang hapunan. Pagkatapos kumain itinaboy na ni Liam ang asawa sa sala at s'ya na ang nag-imis ng kanilang pinagkainan.
Pagkatapos malinis ni Liam ang dapat linisin sa kanilang kusina tumabi na ito sa asawang prenteng naka-upo at kasalukuyang nanonood ng television sa sala.
"Ano pala ginawa mo maghapon...?" pangungumusta ni Liam kay Celyn.
"Ano bang gagawin ko maghapon kundi manood ng TV, magbasa ng Magazine..." sagot ni Celyn sa asawa. "Ang laki-laki nga nitong bahay lagi naman ako nag-iisa. Ba't ba binigyan tayo ng parents mo ng bahay na ganito kalaki eh dalawa lang naman tayong titira? Tuloy aalog-alog tayo ditong dalawa" tanong ni Celyn patungkol sa medyo may kalakihang two storey house na bigay ng magulang ni Liam sa kanila bilang regalo nung kasalin sila.
"Don't worry babe pupunuin natin ng maliliit na Liam at Celyn ang bahay na ito ng hindi na tayo aalog-alog" tudyo ni Liam na natatawa pa sabay akbay kay Celyn. "halika na akyat na tayo sa taas ng makabuo na tayo ng ipupuno sa bahay na 'to" pabulong pang sabi ni Liam na ikinatawa naman ni Celyn. "Ikaw talaga!" may kasama pang tampal sa brasong sabi ni Celyn.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?