12:00 pm pag-labas nila Celyn ng Casureco nauna ng humiwalay si Melissa dahil sinundo ito ng boyfriend nito kaya naiwan sila ni Kakai na naghihintay sa daraang tricycle.
"Oh, Celyn andito pa pala kayo...sabay na kayo sa'kin" Si Liam sakay ng kotse nito at pumara sa harapan ni Celyn at Kakai.
"Ha..ah Sir hindi na ho..." nahihiyang sabi ni Celyn. Tinawag nya rin itong Sir dahil baka magtaka ang kaibigan at alaskahin pa s'ya nito kung sa first name lang ng binata n'ya ito tatawagin.
"Hatid ko na kayo mahirap sumakay ngayon kaseh labasan rin ng mga estudyante kaya punuan ang mga tricycle ngayon" sabi naman ng binata na bumaba para buksan ang likurang pinto ng kotse nito.
"Halika na Celyn" si Kakai na di na nagpa-tumpik-tumpik pa at sumakay na sabay sara ng likurang pinto ng kotse. "D'yan ka na sa unahan sumakay para 'di naman si Sir magmukhang driver lang natin hahaha" nagtatawa pang sabi nito.
"Naku..talaga 'tong si Kakai 'di marunong mahiya" sa isip lang ni Celyn patungkol sa kaibigan.
Hiyang-hiya tuloy s'ya kay Liam.
Natatawa naman ang binata sabay bukas sa unahang pinto ng kotse nito.
Wala naman nang nagawa si Celyn kundi ang sumakay nalang rin at umupo sa upuang katabi ng binata.
"So...sino pala ang una kong ihahatid sa inyo? at san ko kayo ihahatid?" naka-ngiting tanong ng binata sa dalawa.
"Deretso na kami sa school Sir" si Celyn.
"Bakit ano bang oras ang pasok n'yo sa hapon? Saka 'di pa kayo nagla-lunch 'di ba?" sagot naman ng binata.
"1:00 pm pa ang klase namin Sir di nalang umuuwi si Celyn sa kanila pag tanghali kaseh nakakapagod raw yung pauli-uli kaya sa school canteen nalang kami kumakain" sabi naman ni Kakai.
"Ganu'n ba?" sabi nalang ng binata.
Bago tuluyang maihatid ni Liam sa school si Celyn at Kakai nag-park ito sa parking lot ng Tia Maritas. Restaurant na malapit sa school nila Celyn.
"Tara kain muna tayo tutal pare-pareho pa tayong 'di nagla-lunch" naka-ngiting aya ng binata sa dalawa.
"Naku, Sir hindi na...masyado ka na naming maaabala" nahihiyang sabi ni Celyn.
"No...okay lang! half day lang naman ako ngayon sa work kaseh magni-ninong ako mamaya sa binyag ng anak ng isa kong kaibigan" sabi naman ng binata.
"Hay naku Celyn halika na...masama daw tinatanggihan ang grasya" pakwela pang sabi ni Kakai sabay labas ng kotse.
"Oo nga.." natatawa namang sabi at sang-ayon ni Liam.
Kahit nahihiya wala na naman ngang nagawa si Celyn kundi sumama papasok ng restaurant. Natatawang naiiling nalang s'ya dahil sa kalokian ng kaibigan.
"Umuuwi ba si Melissa sa kanila pag tanghali?" tanong ni Liam habang kumakain.
Nagtataka siguro ang binata kung ba't nauna itong umalis sa dalawa.
"Sinundo ng boyfriend n'ya..." si Kakai ang sumagot.
"Eh kayo...ba't di kayo sinundo ng mga boyfriend n'yo?" nangingiting tanong ni Liam na kay Celyn nakatingin.
"Loveless kami kaya walang susundo sa'min", si Kakai ulit "Wala sa'ming magkamali...ay sa'kin lang pala hahaha" tawa pang dugtong nito. "yung isa d'yan Sir kasalukuyang duguan pa ang puso hahaha" natatawa pang pang-aasar ni Kakai kay Celyn.
"Kakai..." sabi ni Celyn at tinapunan ng nagbabantang tingin ang kaibigan.
Natawa naman si Liam sa reaction ng mukha ni Celyn. Pulang-pula na kaseh ang dalaga siguro dahil sa hiya sa mga pinagsasabi ng kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?
