Kinakabahan and at the same time excited si Celyn nang pumasok sa school nung araw na yun. Tumawag nga kaseh sa kanya kahapon si Ethan at sinabi nitong ihahatid sya mamaya pag-uwian.
Pagpasok ni Celyn ng classroom nila ng umagang yun nadatnan na nya ang kaibigang si Kakai at Melissa. Tila nanunukso ang pagkaka-ngiti ng dalawa sa kanya.
"Anong meron...at ganyan kayo makangiti?" una ng tanong ni Celyn sa dalawa ni Kakai at Melissa. Kahit na parang alam na nya ang dahilan kung bakit mapanukso ang mga ngiti ng dalawang kaibigan sa kanya.
"Wala naman...ikaw, baka ikaw ang meron dapat ikwento" sagot agad ni Kakai kay Celyn na di parin maalis dito ang mapanuksong tingin.
"Ha?" pa-kunyari pang sagot ni Celyn kay Kakai.
"Hoy, babae...wag ka na ngang mag-kunwari dyan" agad na sabi ni Kakai kay Celyn. "Nasa apartment pa kaya si Ethan nung tumawag sayo" dugtong pa nitong tatawa-tawa.
Nagtambay pa pala si Ethan sa apartment ng kaibigan nitong si Dondon(Kapatid ni Kakai). Nakwento ng dalawang binata kay Kakai na nasa canteen sila Dondon at Ethan nung lumabas sila kahapon. Sumunod naman daw ito sa kanila kaso di daw nito akalain na pagkalabas-labas nila ng gate ay dederetso na ng uwi sila Celyn akala daw ng mga ito ay tatambay parin sila sa apartment saglit. Ayon sa kaibigang si Kakai.
Di narin nagkaila pa si Celyn kaseh alam narin naman pala ng mga kaibigan lalo na si Kakai dahil sinabi rin pala dito katulad ng kung ano ang sinabi sa kanya kahapon ng lalaki.
Natapos ang mag-hapon at oras na ng uwian. Paglabas ng room nila Celyn nadaanan nila ang canteen subalit hindi nila nakita doon si Ethan. Nasabi nito na doon sila nito kahapon inabangan.
Nalungkot si Celyn sa isiping baka hindi na naman matuloy ang sabi nitong ihahatid sya...subalit paglabas nila ng gate ng eskwelahan andun ang lalaki, kausap nito ang kaibigang si Dondon. Sa labas pala ng school nila ito naghihintay. Tila nahihiya pa itong nakangiti ng lumapit sa kanya.
Agad namang humiwalay na sa kanila si Kakai at kapatid nitong si Dondon para umuwi na sa apartment ng mga ito.
Kadalasan ay kasabay ni Celyn pag-uwi si Melissa dahil iisa lang sila ng way ng inuuwian. Nauuna nga lang madaraanan ang apartment ni Melissa kaya nauuna itong bumaba keysa kay Celyn.
Kaya ngayon...magkatabi si Celyn at Melissa sa loob ng tricycle habang pa-uwi. Si Ethan naman ay nasa likod ng driver dahil nga pang-dalawahan lang ang sakay ng loob nito.
Almost 5 minutes palang silang nagbibyahe ay apartment na ni Melissa kaya bumaba na ito.
"Ah...Mel, ako nalang magbabayad" si Ethan na nakababa na pala sa likod ng driver para lumipat sa tabi ni Celyn.
"Ganun ba?! Salamat ha!" sabi naman ni Melissa kay Ethan. "Celyn, dito na ako...ingat kayo" paalam na ni Melissa sa kaibigan.
"Sige...bye" sagot naman ni Celyn sa kaibigan.
Nang maka-pasok na si Ethan ng tricycle para tumabi kay Celyn saka palang umandar ito ulit. Di malaman ni Celyn ang nararamdaman nung mga oras na 'yun. Sobra yata yung kaba na nararamdaman nya. Katabi na nya ngayon ang lalaking sobrang hinahangaan nya.
Pagkalipas ng halos limang minuto nasa tapat na sila ng apartment. Bumaba na si Ethan at si Celyn. Ang binata ang nagbayad para sa pasahe nilang tatlo nila Melissa.
"Napaka-gentleman naman nya" sa isip lang ni Celyn patungkol sa binata. Tila mas lalo pa atang nadagdagan ang paghangang naramdaman nya para dito.
"Pasok ka muna" aya ni Celyn kay Ethan at sumunod naman sa kanya ang binata.
Papasok na sila ng gate ng apartment ng magtanong ito.
"Andito ba ang lola mo ngayon?" tanong ni Ethan kay Celyn. "Nakwento kaseh ni Kakai na kasama mo pala ang lola mo dito" agad pang sabi ng binata ng makita nitong tila nagtataka si Celyn kung pano nya nalaman ang tungkol dun.
"Ah...oo andito sya" sagot ni Celyn. Nakapag-research na pala ang binata tungkol sa kanya. sa isip lang ni celyn.
Nadatnan nila sa sala ang lola ni Celyn at agad namang nag-bigay galang dito ang binata.
Iniwan din sila agad ng matanda sa sala para siguro kumportable silang maka-pagusap.
Kaso umiral na naman ang pagka-mahiyain ni Celyn kaya halos wala rin naman silang napag-usapang masyado ng binata. Kaya di nagtagal ay nagpaalam narin agad ang binata para umuwi.
"Kita nalang tayo sa school at saka pwede ba ulit kitang maihatid bukas..?" sabi pa muna ni Ethan kay Celyn.
"Sigi..." Sang-ayon nalang ni Celyn.
-------------------------
Thank you kay Ms. Josgine, Ms. ladyemj2928 and Ms. kath_panares sa pag-add ng story'ng ito sa inyong reading list!!!
Kay Ms. brendalicious, Ms. math_mba2005, Ms. MelynDevito and
Ms.ChristineCatalasanCa... thanks for voting!!!
Kay Ms. KimberlyOnong.. tnx po sa pag-follow!!!
Salamat po ulit sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa ng story na ito, lalo't higit sa mga nagbo-vote at nagko-comment :)))
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
Fiksi PenggemarPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?