Author's POV
Natatawa po ako nung mapanood ko 'yung IKA kagabi...napansin ko na 'yung scene nung pagtatapat ni Liam kay Celyn sa IKA ay tila similar dun sa scene nung pagtatapat ni Liam kay Celyn sa chapter 14 ng story'ng ito lalo na 'yung line ni Liam na "Celyn...magsalita ka naman...".:)))
Pasensya na po sa mga readers na mas naunang mapanood 'yung IKA kaysa mabasa ang chapter 14 ng story'ng ito. Hindi ko po sinasadyang pareho pala halos 'yung scene nung pagtatapat ni Liam kay Celyn sa story na 'to sa scene nila Liam sa IKA. Yesterday evening ko lang rin po kaseh na-publish 'yung chapter 14, 3 or 4 hours before i-air ang IKA kagabi. Pasensya na po ulit! For sure 'di na kayo kinilig nung mabasa n'yo yung chapter 14 :( hehehe
Gusto ko lang pong malaman n'yo na hindi ko po ginaya sa IKA 'yung scene na 'yun kaseh nai-publish ko na 'yung chapter 14 bago pa i-air ang IKA kagabi :)))
-------------
Kinakabahan si Celyn ng pumasok sa Casureco kinalunesan dahil 'di n'ya alam kung pa'no ba pakikiharapan si Liam dahil nga sa pagtatapat ng damdamin ng binata sa kanya nung nakaraang sabado.
Nakahinga lang si Celyn ng maluwag ng makitang wala pa ang binata sa cubicle nila. "Atleast nakaligtas s'ya dun sa pag-aalala na kung sino ba 'yung unang babati sa kanila pagdating n'ya" sa isip ni Celyn.
Ipinatong na ni Celyn ang maliit na bag n'yang dala s ibabaw ng table n'ya saka hinila ang bangko para umupo pero nagulat nalang s'ya ng makitang may tatlong mapupulang rosas ang nakapatong doon.
"Hu?" reaction ni Celyn na medyo nangunot pa ang noo :))) kinuha nalang din n'ya ang tatlong bulaklak na nakapatong sa upuan n'ya at saka 'di napigilang amoy-amoyin ito. Fresh na fresh kaseh ang bulaklak at tila kay bango.
"Goodmorning!" si Liam na di namalayan ni Celyn na nasa likuran na pala n'ya.
"Ay! Goodmorning!" ang nagulat na sagot naman ni Celyn. Sobra kaseh s'yang nawili sa pagamoy-amoy sa bulaklak kaya 'di n'ya namalayan ang pagdating ng binata.
"Sorry! Nagulat ba kita?" ang natatawang sabi ni Liam. "Nagustuhan mo ba?" agad ring tanong pa nito.
Ngumiti at tumango si Celyn. "Salamat dito sa flowers!" sabi n'ya nalang rin at umupo na.
"You're welcome!" nakangiti namang tugon ng binata at umupo narin sa office chair n'ya pero ibinaling nito ang upuan paharap kay Celyn "Ah...Celyn...Kinausap ko si Lola nung saturday na hinatid kita..." seryosong sabi ni Liam.
"Ha?" sagot ng nagulat na namang si Celyn dahil sa sinabi ni Liam sa kanya.
"Ahm...nagpaalam lang ako sa kanya kung p'wede ba kitang ligawan. Sabi n'ya gusto daw n'yang makatapos ka muna ng pag-aaral" sabi ni Liam. "Pero sabi ko kay Lola that...I'm willing to wait...isa pa, ilang months nalang naman ga-graduate ka na 'di ba?!" dugtong pa nito na titig na titig kay Celyn at tila tinatanya kung anong magiging reaction ng dalaga.
"Liam 'di ba bawal 'ata 'yung kapatid mo, kapatid ko mag-asawa tapos tayo rin magiging ano..." bitin pang sabi naman ni Celyn. "Sabi nga malas daw 'yun kaseh parang mag-aagawan sa swerte..." dugtong pa ng tila nag-aalalang dalaga.
"Celyn, napag-usapan na namin 'yan ni Kuya Slater at Ate twinkle..sabi nila if ever na maging tayo nga hindi mangyayari 'yun sa'tin kaseh mag-susuportahan naman tayo". tugon naman ni Liam. "Celyn...God knows...pinigilan ko...pero hindi ko talaga kaya..!" ma-emosyon pang sabi ng binata.
"Pero Liam..."
"Celyn..." putol naman ni Liam sa gusto sanang sabihin ni Celyn. "Dahil ba sa "ex-" mo kaya parang sa tingin ko ayaw mo akong bigyan ng chance...? Totoo ba 'yung sabi ni Kakai na until now nagdurugo pa ang puso mo?" sunod-sunod na tanong ni Liam. "Sabi ko naman sa'yo .
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?