Birthday ng kaibigan ni Celyn na si Kakai kaya napagpasyahan nilang mag-night swimming para i-celebrate ang birthday ng kaibigan. Kasalukuyang nilalagay na ni Celyn sa backpack nya ang isang pair na pamalit na damit at 1 piece swimsuit na gagamitin nya ng tumawag ang kaibigan.
"Celyn andito na kami sa pavillion, hintayin ka nalang namin dito" si Kakai ang nasa kabilang linya. Ang sinasabi nitong pavillion ay isang resort kung saan du'n nila napiling i-celebrate ang birthday nito.
"Ah...okay sandali lang papunta narin ako d'yan!" tugon naman ni Celyn.
Pagdating ni Celyn sa pavillion 'di n'ya inaasahang makikita n'ya du' si Ethan. Ang buong akala n'ya kaseh... si Kakai, kapatid nitong si Dondon, si Melissa at ang boyfriend nito lang ang makakasama nila pagsi-swimming nung gabing 'yun.
"Ah..Celyn, nakita kaseh namin ni Dondon sa Centro si Ethan nung kukunin namin 'yung inorder naming pagkain na dadalhin dito kaya inaya narin namin s'ya. Okay lang ba? sabi ni Kakai na tila nagpapaliwanag.
"Ha? Oo naman...ikaw ang may birthday 'di ba? kaya kahit sinong i-invite mo nasasa'yo 'yun" sabi nalang ni Celyn dahil wala narin naman s'yang magagawa dahil andu'n na ang binata alangan namang sabihin n'yang uuwi nalang s'ya para iwasan ang binata. Masisira naman n'ya ang gabing 'yun ng kaibigang si Kakai 'pag ginawa n'ya 'yun.
" Celyn, kumusta?" ang nakangiti namang bati ni Ethan kay Celyn.
"'Eto...." taas balikat namang sabi ni Celyn kay Ethan na pilit ding ngumiti. Ayaw din naman n'yang maging bastos sa binata, may pinag-samahan din naman sila kahit papa'no. isa pa, wala namang ipinakitang masama si Ethan sa kanya nu'ng sila pa nito.
"Tara, kain na muna tayo!" aya na ni Kakai sa dalawa, ganu'n din kay Dondon, Melissa at boyfriend nito.
Kumain na nga sila habang nagki-kwentuhan. Tahimik lang naman si Celyn dahil hindi s'ya kumportable sa presensya ni Ethan doon. Ang mga kaibigan naman n'ya ay masaya pang nagtatawanan.
Pagkatapos nilang kumain nagpalipas lang sila ng konteng oras bago mag-swimming.
"Celyn, 'lika na shower na tayo para makapag-swimming narin tayo" aya na ni Melissa at Kakai kay Celyn.
"Sigi..." sabi ni Celyn at sumunod na nga sa mga kaibigan dala ang pamalit na damit pang-swimming.
"Ganda ng swimsuit mo, bagay sa'yo!" naka-smile na sabi ni Melissa kay Celyn ng makita nito ang kaibigan suot ang bathing suit nito.
"Sexy! Naku tulo laway n'yan si Ethan pag-labas mo" sabi naman ni Kakai ke Celyn.
Natawa lang naman si Celyn. "Kayo rin naman eh...sexy din kayo sa suot n'yo" sabi n'ya sa kaibigang si Kakai at Melissa.
Pagkatapos mag-shower nila Celyn lumabas na sila ng comfort room para mag-swimming.
Nadatnan nila si Ethan, Dondon at boyfriend ni Melissa na nasa pool na kaya deretso narin silang lumusong sa tubig.
"Uy! Ethan laway mo tumutulo!" biro ni Kakai kay Ethan na 'di naitago sa mukha ang pag-hanga kay Celyn.
"Kakai talaga oh!" naiiling pero natatawa namang sabi ni Ethan.
Si Melissa naman ay agad yumakap sa boyfriend.
"Aww...sweet!" sabi namang pabiro ni Dondon.
"Inggit ka lang" sabi naman ni Melissa sabay belat na naging dahilan ng tawanan nila.
Masaya na nga nilang ini-enjoy ang paglulunoy sa tubig. Nagpaligsahan pa sila sa paglangoy kung sino ang mauunang makarating sa kabilang dulo ng pool. Nang mapagod umupong magkatabi si Kakai at si Celyn sa may gutter ng pool. Di pa sila natatagalang naka-upo ng tumabi si Ethan kay Celyn.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanfictionPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?