Papunta si Celyn, Kakai, at Melissa ng umagang iyon sa opisina ng CASURECO, ang kumpanya na nagsu-supply ng kuryente sa kanilang probinsya. Ipapasa kaseh nila yung request letter nila para sa practicum nila.
Inaya ni Celyn ang dalawang kaibigan na sa CASURECO mag-practicum dahil ang pamilya ng asawa ng Ate Twinkle nya ang nagmamay-ari ng CASURECO at ang mismong brother in law nya ang Manager sa nasabing kumpanya.
Pagdating nila sa opisina wala ang Kuya Slater nya(ang asawa ng kanyang Ate Twinkle). Ang kapatid nito na si Liam Lagdameo ang humarap sa kanila. Doon rin kaseh ito nagta-trabaho.
"Maupo muna kayo, wala pa kaseh si Kuya Slater pakihintay nyo nalang sandali" pormal na sabi nito kala Celyn.
Iniwan rin sila agad ng binata sa loob ng opisina ng Kuya Slater nya para pumunta na siguro sa pwesto nito.
"Celyn di mo sinabi may super pogi palang kapatid ang Kuya Slater mo" sabi ng kaibigan nyang si Kakai na basta makakakita ng pogi ay parang asong di ma-ihi :)))
"Ano ka ba wag mo ng pagpantasyahan yun, may girlfriend na yun" natatawang sagot naman nya sa kaibigan. Alam nyang may girlfriend na ang binata dahil nasabi sa kanya ng Ati Twinkle nya.
Si Melissa naman ay natatawa rin sa kaibigang si Kakai.
Kahit kapatid si Liam ng Kuya Slater nya hindi sila masyadong magka-kilala ng lalaki. Nakikita lang naman nya ito pag may okasyon sa bahay ng Ate Twinkle at Kuya Slater nya. Hindi naman narin sya nagtangka pang makipag-close dito dahil masyadong pormal ang binata para sa kanya.
"Hmnnn...mukhang magiging masaya ang mga susunod na araw ko dito, may macho at pogi akong makikita araw-araw" narinig ni Celyn na sabi pa ng kaibigang si Kakai.
Natawa nalang ulit si Celyn at Melissa sa sinabi ni Kakai.
Totoo naman ang sinabi ng kaibigan nyang si Kakai. Macho at Pogi naman talaga si Liam. Sya man ay humanga rin sa binata ng una nyang kita dito noon. Kung hindi nga lang kapatid ng brother in law nya ang binata malamang masasabi rin nyang crush nya rin ito.
Bumukas ang pinto ng opisina at nakita ni Celyn ang Kuya Slater nyang pumasok.
"Oh...Celyn...Sorry na-late ako ngayon kaseh idinaan ko pa ang Ate mo sa clinic, schedule ng check up nya ngayon eh" sabi ng Kuya Slater nya. Buntis kaseh ang ate nya 7 months pregnant na ito.
"Okay lang Kuya...dapat lang kaming maghintay kaseh kami naman ang may kailangan sa'yo" nakangiti pang tugon ni Celyn sa bayaw.
"Si Kakai nga pala saka si Melissa, classmate at kaibigan ko" pakilala nya sa mga kaibigan nya sa Kuya Slater nya.
Nakangiti na tumango lang ang Kuya nya. Nag-bigay galang naman si Kakai at Melissa.
"So, kailan kayo magsisimula? bale 3 months pala ang required ng practicum nyo ano?!" sabi nito na naka-tingin sa sulat na binigay nila.
"Sa Monday na kuya...bale half day lang kami dito kaseh sa hapon may klase pa kami" tugon naman ni Celyn.
"Ah...okay...absent ako sa Monday but anyway andyan naman si Liam sasabihin ko nalang sa kanyang sya na muna ang bahala sa inyo". mahaba pang paliwanag ng kuya Slater nya.
Nagpaalam narin sila pagkatapos nun.
"Gwapo rin pala ang Kuya Slater mo ano?" di nakatiis na sabi ni Kakai kay Celyn paglabas nila ng opisina. "Pero mas pogi si Liam" dagdag pang sabi nito.
Naiiling nalang na nagka-tinginan si Celyn at Melissa.
Talagang humirit pa ang kaibigan...sa isip lang ni Celyn. Si Kakai talaga ang clown sa kanilang tatlo. Madalas ito kaseh yung kengkoy sa kanila.
Lunes ng umaga sa harap nalang ng CASURECO sila nagkita-kita nila Kakai at Melissa. Sabay-sabay na silang pumasok sa opisina.
Absent nga ang kuya Slater ni Celyn kaya si Liam ang nag-asikaso sa kanila. Si Kakai at Melissa ibinigay ni Liam dun sa isang Department.
Maganda ang trabaho ng dalwang kaibigan. Nasa isang airconditioned room ang mga ito at nagi-encode lang ng data sa computer.
Sya naman..si Liam mismo ang nagbigay sa kanya ng trabahong gagawin para sa araw na yun.
Tila gusto nyang mainis sa binata ng bigyan sya nito ng halos isang dipa ang haba na manila paper na doon nakasulat lahat ng pangalan ng mga taong nagbabayad ng kuryente. Pinalilipat nito lahat ng pangalang nandun sa isang tila log book. Isusulat nya yun isa-isa. Mas kina-inis nya pa ay sa Canteen pa ng opisina sya nito ipinwesto. Tinapatan lang sya nito ng isang electric fan.
Mabuti pa yung mga kaibigan nya Computer ang hawak at nasa airconditioned room pa ang mga ito, di tulad nya isang ballpen ang hawak, electric fan lang ang naka-tapat tapos sa Canteen pa sya talaga ipinwesto dahil siguro malalaki at mahahaba dun ang lamesa sakto sa haba at dami ng mga pangalan na iisa-isahin nyang isulat. naiinis si Celyn sa lalaki dahil parang nananadya ito.
Siguro kung hindi lang absent ang Kuya Slater nya hindi sya nahihirapan ng ganito. Sa isip ni Celyn. Makikita ng lalaking yun isusumbong nya ito sa Ate Twinkle nya. Magto-two hours palang syang nagsusulat ang sakit-sakit na ng kamay nya.
Saktong 10:00 am tumunog ang bell hudyat na snack time na. Tinabi muna ni Celyn ang ginagawa para di maka-sikip sa lamesang pag i-snack-an nila. Lumapit na ang kaibigang si Kakai at Melissa pinagtatawanan sya ng dalawa. Kaseh nga naman ang ganda-ganda ng pwesto ng dalawa papindut-pindut lang tapos sya naninigas na ang kamay dahil sa dalawang oras na walang tigil nyang pagsusulat.
"Hahahaha..." nakakaluko pa talagang tawa ng kaibigan nyang si Kakai.
"Sigi pagtawanan mo ako" naka-ngiti sya ng sabihin yun pero tila gusto nyang ma-pikon sa kaibigan. Parang gusto nya tuloy lalong mainis sa lalaki dahil dun.
Habang niloloko si Celyn ng dalwang kaibigan lumapit si Liam sa kanila may dala itong 2 liter family sized coke at tatlong cup cake ibinaba nito iyon sa harap nilang tatlo.
"Ah...meryenda nyo..." pormal paring sabi nito. "May disposable cup dyan oh kuha nalang kayo" dugtong pa nito sabay turo sa cabinet malapit sa kanila.
Tumalikod narin ito pagkatapos.
"Uy libre meryenda pala dito" sabi ni Kakai sabay salin ng coke sa disposable cup na kinuha nito. Kinuha narin nito ang isang cup cake.
"Syempre dapat lang may libreng meryenda kaseh tinutulungan natin sila sa trabaho nila ng walang bayad" natatawang sabi naman ni Melissa. Wala silang sweldo dun kaseh grades nila sa practicum ang kabayaran ng trabaho nila dun.
"Hindi...bumabawi lang si Sir Liam kay Celyn kaseh pinasakit nya ang kamay kasusulat" natatawa pang sabi ni Kakai.
"Ewan ko sayo" natatawa nalang ring sagot ni Celyn sa pambubuska sa kanya ng kaibigan.
Natapos ang break time bumalik na sila sa mga trabahong naka-tuka sa kanila. 2 hours pa ulit ang ginugol ni Celyn pagsusulat bago mag-alas dose.
Half day lang sila sa CASURECO dahil may klase pa sila sa school sa hapon. Saktong alas 12:00 ng tanghali ng tumunog ulit ang orasan. Iniligpit na ni Celyn ang trabaho nya.
"Hayy...salamat maipapa-hinga na nya rin ang pagod na kamay" sa isip lang ni Celyn.
"Ah..Sir san ko po ba ilalagay ito?" tanong ni Celyn sa binata. hawak nya ang iniligpit na trabahong itinuka sa kanya nito. "Di ko po natapos isulat lahat kulang na po kaseh sa oras" dugtong nya pa.
"It's okay, pakipatong nalang dito sa kabilang table" sabi nito at itinuro ang katabi nitong bakanteng mesa. "Salamat" dugtong pa nito.
"Ah...sigi Sir uwi narin kami" paalam ni Celyn sa binata.
"Sigi..." tipid na ngumiti naman sa kanya ang binata.
"Marunong naman pala syang ngumiti" sa isip lang ni Celyn.
---------------
please vote and comment po....:)))
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanficPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?