Kinabukasan araw ng Sabado pumunta nga si Celyn sa bahay ng Ate Twinkle n'ya. Nadatnan n'yang nanonood ng TV ang nakatatandang kapatid.
"Oh, Celyn..tuloy ka!" salubong ng Ate ni Celyn sa kanya. "Tagal mong 'di nakapunta dito ah!" sabi pa nito sabay beso kay Celyn.
"Medyo busy na kami sa school Ate eh, tapos nagpa-practicum pa kami ngayon" sagot ni Celyn na nag-beso rin sa panganay na kapatid. "Laki na ah.." nakangiting sabi at patungkol ni Celyn sa hinipo n'yang tiyan ng kapatid.
"Oo nga...upo ka muna.." sabi naman ng Ate nya. "Nasabi nga ng Kuya Slater mo..nakwento n'ya sa'kin na sa Dep't ka pala nila Liam napa-pwesto" nakangiting sabi ng Ate twinkle ni Celyn.
"Oo" maiksing tugon ni Celyn.
"Palagi rito pumupunta si Liam... at mas naging madalas nitong mga huling araw" naka-ngiting pagki-kwento ng Ate ni Celyn.
"Ah...si Kuya slater na'san?" pag-iiba ni Celyn sa usapan dahil sa tingin n'ya may ibang tinutumbok ang sinasabi ng Ate n'ya base sa mga ngiti nito.
"Maaga umalis may importanteng lalakarin kaya nga ikaw ang inaya kong sumama pamimili ng baby dress" sagot naman ng Ate ni Celyn. "Sabi ng Kuya Slater mo gusto ka daw ligawan ni Liam" parang balewala namang sabi pa nito.
Na ikina-bigla naman ni Celyn. "Gustong ligawan? Parang hindi naman..at saka 'di ba ikaw narin nagsabi sa'kin noon na may girlfriend na si Liam?" sabi ni Celyn sa Ate n'ya. "Pa'no s'ya lilgawan ng binata ay 'di naman n'ya nakikitang gusto s'ya nito" sa isip ni Celyn.
"Wala na sila.." sagot ng Ate twinkle n'ya.
"Matagal na palang may gusto sa'yo si Liam nahihiya lang daw sa'yo",
"Nahihirapan na nga raw si Liam sabi ng Kuya Slater mo...kaseh mas nai-inlove na daw sa'yo dahil lagi na nga kayo nagkakasama ang kaso 'di naman makapagtapat",
"Alam mo bang natatawa ang Kuya Slater mo kaseh sabi daw sa kanya ni Liam nung isang araw "Kuya, 'di ko na talaga kaya..." hahaha tawa pa ng Ate twinkle n'ya.
Natawa rin naman si Celyn sa kwento ng Ate n'ya. "Hala...si Liam may pagsintang pururot pala sa kanya:)))" sa isip lang ni Celyn.
"Ate pinapunta mo lang ba ako dito dahil d'yan? akala ko ba mamimili tayo ng baby dress!" pag-iiba ulit ni Celyn ng usapan. Baka kaseh maka-halata ang Ate n'ya na kinikilig din s'ya:)))
"Mamimili nga...may hinihintay lang tayo...ayy, sandali baka ito na 'yun" natatawa pang sabi ng Ate n'ya na agad pang tumayo para buksan ang pinto ng tumunog ang doorbell.
"Oh..Liam, tuloy ka" naka-ngiting sabi ng Ate twinkle n'ya sa binatang dumating.
"Ate pasensya na ngayon lang ako kaseh nagpahatid pa si Mommy sa bahay ng kaibigan n'ya" hinging paumanhin ng binata sabay beso sa asawa ng Kuya Slater n'ya.
"Okay lang kadarating palang rin naman ni Celyn" sagot ng Ate twinkle nila. "Ah...Celyn si Liam ang maghahatid sa'tin sa mall kaseh nga wala ang Kuya Slater mo" sabi ng Ate twinkle n'ya.
"Ah..." tanging nasabi nalang ni Celyn at ngumiti nalang s'ya sa binatang kadarating.
Ngumiti lang rin si Liam kay Celyn.
"Sandali..maiwan ko muna kayong dalawa d'yan at magbibihis lang ako sandali" sabi ng Ate twinkle nila at agad na nga itong tumungo sa kwarto para mag-bihis.
Umupo naman si Liam 'di kalayuan sa inuupuan ni Celyn.
"Wala ka palang klase 'pag Saturday, 'yun kaseh iba kahit saturday may pasok 'di ba?" sa kawalan ata ng masasabi ay 'yun nalang ang sinabi ni Liam kay Celyn.
BINABASA MO ANG
Ikaw ang True Love ko(kimxi)
FanficPaano mo ba masasabing sya na nga yung taong True Love mo gayong parang nagmahal ka dati ng mas higit sa kanya?! Paano mo masisiguro sa sarili mong sya na nga at wala ng iba?